sa zoo, riot
ang mga ulupong, hayop
ibon at kulisap
sa dinudungkal na hatag
ng robot na ekskursiyonista
habang inuumog naman
sa mataong abenida
ng mag-anak na anino
ang biyayang binusbos
sa tiyan ng basura.
Isang capampangan, manggagawa, naglalaro ng chess, nagmamasid, nag-iisip, nagpaplano, nagsusulat, manlilikha