I USED TO BE FAMOUS

Enero 29, 2023

Magkaiba kami ng hilig ni Jenny maging sa panonood ng pelikula. Iyong gusto niya na ayaw ko, madalas, pinanonood ko rin naman. Madalang lang iyong talagang iniisnab ko dahil hindi ako solb sa daloy ng kuwento. Kapag gano’n, magseselpon na lang ako o kaya ay lalabas na lang ng bahay at maghahanap ng makakalaro ng chess sa Pantalan. Iyon namang gusto ko, samantala, (ewan ko ba) tiyak na tiyak, babagsak sa kanyang panlasa. Kaya madalas, ginagawa ko, siya na ang pinapipili ko ng panonoorin upang sa gayon ang gusto niya ang maiere. At kung gusto kong makapanood, niyong tipo ko talaga, tinitiyempo ko na tulog pa si Jenny o kaya ay abala sa pagsasampay ng mga labada.

I USED TO BE FAMOUS. Ang pelikulang ito ang pinanonood ko kanginang umaga bago gumising si Jenny. Napakabaduy talaga ng mga tipo kong genre kung uuriin. Istorya ito nina Vince at Stevie at ang kanilang pagkakaibigan o “brotherhood” bilang mga musikero. Habang si Vince ay nakatikim na ng limelight bilang datihang popstar na gusto ulit makapag-comeback sa industriya, si Stevie (na may autism) ay may hilig naman sa pagda-drum at may pangarap na makapasok sa paaralan para sa musika. Ganitong genre ang minsang nagkasundo kami ni Jenny sa panonood. Iyong “A Star is Born” nina Bradley Cooper at Lady Gaga. Nagbukas pa ng tsitsirya noon si Jenny at magkasalo kaming ngumata habang nakatalampak kaming dalawa sa sala.

Pero sa isang ito, babagsak siguro kay Jenny. Ang gara kasi ng tema at naging resolusyon ng istorya ng pelikulang ito. Paano magki-click ang binatang may autism na bahagyang ingay lang ay natatahimik at nawawala na sa wisyo? Paano haharap sa kalipunan ng mga tao habang nagtatanghal ng palabas? Unti-unti, habang kumakapal ang kuwento, naliliwanagan ang mga tanong. Hindi praktikal. Magiging parang wala nang sakit na autism (meron ba?) ang binatang si Stevie. Dating hindi mapabayaan ng over protective na ina, biglang magiging matiwala sa sarili na mag-isang iisa-isahin ang mga bar sa lugar para umamot ng gig para sa kanilang dalawa ni Vince. Biglang-bigla, ganon? Kahit ba sabihing sumasailalim ito sa isang musical theraphy at himihiling ng independency sa inang si Amber. E, isinasakripisyo nga ng nanay ang sarili nitong career sa pagsasayaw para matutukan ang anak. Bigla-bigla, gano’n? Na parang biglang pinabayaan ang anak na may autism na magsariling kayod sa buhay. Hindi man lang dinahan-dahan ang pagbabago.

Samantala, solb pa rin ang feel good atmosphere ng pelikula. Iyong kahit makukuha na sana ni Vince ang second shot para sa stardom, pero dahil hindi makakasama si Stevie (aayawan ng producer dahil sa taglay na autism) pakakawalan ni Vince ang break at pipiliin ang kaibigan. Sa totoong buhay ay hindi ganito. Praktikalidad sa buhay ang laging uunahin. Kaya nga masarap magpakagago sa panonood ng pelikula. Sinasampal tayo, iminumulat, na walang lugar ang pagiging makasarili kung ang interes ng kaibigan ang nakasalalay. Iyong first, second o last shot man iyon na pinupuntirya mo, pasasabugin mo — kahit mananatili ka na lang na “I USED TO BE FAMOUS”.

Walang Pangalan

Enero 27, 2023

May drayber sa rutang Navotas-Monumento ang kabalen ko pala. Hindi basta kabalen. Nagkataon na ang baryo niya (San Roque) ay kalapit baryo ng Talang kung saan ako nag-aral ng haiskul. Hindi ko masasabing kaibigan ko ang drayber na ito. Malapit lang sa puso namin ang isa’t isa sa tulak ng pagiging magkabalen namin. Kuwento nga niya, sa ilang beses na naisasakay niya ako, naririnig daw niya akong nagsasalita ng Kapampangan kapag may kinakausap ako sa selpon. At iyon daw ang nagtulak sa kanya na kausapin ako nang maisakay niya ulit ako. Hindi na niya ako pinagbabayad sa pamasahe simula noon kapag natitiyempo na ang dyip niya ang nasasakyan ko. Nakakahiya nga! Minsan nga, grupo kami, anim, kasama ko si Jenny at dalawang anak ko at mga biyenan ko — ang drayber na ito ang napara namin. Ipinipilit ko ang pamasahe naming anim kahit todo ang tanggi niya. Nakakatuwa. Minsan, sa buhay pala, may nagiging parang kakampi ka kahit hindi mo talaga kaibigan. Kahit walang salitaan, naroon ang parang ugnayan sa isa’t isa. Kahit matagal ulit bago magkikita, kapag nagtagpo ulit, parang kaibigan pa rin. Noong mag-pandemic nga, kahit paano ay naiisip ko siya. Paano ang naging buhay niya? Nakakabiyahe ba? At nalaman ko, kahapon na ang dyip ulit niya ang napara ko — na naiisip din pala niya ako noon. Na hindi niya ako naisasakay sa kanyang pamamasada — naiisip niya na umiba na ako ng linya. At masarap sa pakiramdam ang realisasyong ganito na sa laot na ito ng pakikipagsapalaran sa lunsod, may paisa-isa na natitisod na kadamay.

At balintuna — na may mga anyo kami at hindi mga banyaga sa isa’t isa . . . kahit hanggang ngayon na nananatiling hindi magkakilala sa pangalan.

PAGTAKAS

Mayo 19, 2022

makulimlim ang langit
at patinterong tumatawid sa kalsada
ang dalawang nagmamadaling dalaga
paliko-liko ang mga takbo
at umiiwas na sila ay masuro
ng mga sumisibat na sasakyan
ito ay upang kaipala ay maitakas
ang kanilang mga sarili
sa kinakaharap na suliranin
ng napipintong pagbuhos ng ulan
ngunit huli na
nasa kalagitnaan sila ng daan
at pag-screetchhhh ng preno
ng dyipning rutang divisoria
at sigaw na “magpapakamatay ba kayo?!!”
ng naggagalaiting tsuper
naabutan sila ng malakas na buhos
ng suliraning tinatakasan
muntik na
at babad sila ngayon
sa gitna ng abenida
pinagtatawanan ang kanilang mga sarili
sa ginawang kahangalan

Kape

Mayo 3, 2022

Kape

ang gusto ko sa kape ay kakukulo lang ng tubig
kaaawat lang mula sa apoy
umuusok pa at may banta na anumang sandali
kung hindi mag-iingat ay baka mapaso
kaya ayoko niyong kapeng nagyeyelo
kagaya ng uso ngayon
na iba-iba ang pampalasa:
iced caramel machiato
iced caffe mocha
iced caramel capuccino
iced latte
iced kuwan
iced ganire
iced ganon
at nakaka-miss lang talaga
na ang kape noong musmos pa ay puro talaga
at tuwing umaga
at kagigising
at kaaawat lang sa apoy
itataboy na ako ng lolo toto ko
na magtimpla na
na kung said na ang basong lalagyan
isang umaga paggising
meron nang binusang bigas na nangingitim
kaaawat sa apoy
nasala na sa malinis na puting lampin
umuusok na nakahain
at magpapakara ang matanda:
“ayos na iyan. gamot din sa sakit ng tiyan!”

ang totoo
ang masarap talaga sa kape
ay iyong kakukulo lang ng tubig
gaya ng kape
noon
paminsan-minsan mang kulang sa lasa
nasasala naman sa paglingap
at pag-aalala

A HARD DAY

Mayo 2, 2022

Iniisip ko kung bakit sa panahong ito, halos natutukso nang gumawa ng mga remake ng mga naging patok na pelikula ng mga taga ibang bansa ang mga film maker na Pilipino. Tamad na bang mag-isip ng bagong ideya para sulatin? O baka dahil nga sa marketing, komo patok nga — iniisip na sure ball nang tatangkilikin niyong mga nakapanood na sa orihinal. May word of mouth pang pa-bonus na “ay, ang ganda ng orihinal niyan. Pramis! Pramis!” At komo ni-remake ng Pilipino sa wikang naiintindihan at iniarte ng mga tanyag na mga Pilipinong artista — nagkakaroon ng pakiramdam na kahit hindi talaga orihinal na likha — ay may pahid ng pagka-Pilipino na pamilyar na pamilyar.

Una kong napanood ang Pilipino bersiyon nito habang pananaka-naka kong tinutulungan sa pagsasampay ng labahin ang asawa ko. Bida si Dingdong Dantes at John Arcilla. Sa supporting cast, nariyan ang mga Al Tantay, Janno Gibbs at Garry Lim. Action Thriller. Pero dahil nariyan nga sa cast ang Janno Gibbs at Garry Lim, may konting bahid ng komedya. At paumanhin — parang OA sa panlasa ko ang akting ni John Arcilla bilang kontrabida. Ang gusto ko talaga ay ang ending. Lumayo sa orihinal. Matapos mai-withdraw ng karakter ni Dingdong ang loot money, parang Robin Hood na ibinahagi niya ito sa iba. Sa kapatid na babae, sa isang mag-anak na pulubi, sa mga madre na nagpapalakad ng ampunan at iba pa. Nagsisisi lang na sana ay hindi ko na lang sinubukang silipin sa fboxtv (isang free movie online site) ang Korean version nito. Hindi ko sana napansin na matalas talaga sa pagkukuwento ang mga Koreano. Seryoso kung seryoso. Parang nagtatalop ng sibuyas. Bawat suson (layer) ay may dahilan at saysay. At kung seryoso nga– bakit nga naman magpapaka-OA at magpapakapayaso pa.

sa unos ng buhay

Abril 18, 2022

sa unos ng buhay

natutuhan kong pumapatag
kumakalma ang alon sa dagat
sa tuwing umuulan

paano kung may sigwa?

huwag matakot, sinta
lumakas man itong unos
daop kamay tayong
sasalubong sa daluyong

ang mabuhay at umibig

Abril 18, 2022

ang mabuhay at umibig

maliban sa ilong
meron kang bibig
gamit sa paghinga

maliban sa puso
meron kang isip
gamit kapag umiibig

hindi laging sa puso
umiinog ang daigdig

at walang saysay ang buhay
kung laging tikom ang bibig

hindi ko kaya

Abril 18, 2022

hindi ko kaya

narito ako noong isang araw
pinagmamasdan lamang kita
kampante ang upo ko
at kita ko namang masaya ka
iniisip ko talaga ito–
kung kaya kong mabuhay na wala ka

hindi ko pala kaya

dali-dali akong
ipinanaog ng mga paa
para habulin lamang
ang tangi kong hininga

hindi ko pala talaga kaya

sa nacpan beach

Abril 15, 2022

sa nacpan beach

naliligaw ang beagle
nalilito ang mga mata
nililisa ng tingin
ginagamit ang ilong
sa pagtukoy
sa kung sinuman iyon
na pamilyar na bulto
ng mga tao sa aplaya
kangina ko pa pinagmamasdan
at, ay, kay ganda at kay rilag ng kulay
naiisip ko, ano kaya at dakmain ko
isilid ko sa bitbit na bag
itambog ko sa inarkilang van
saka ko na pag-iisipan
kung aalagaan ko ba
o kung walang-wala talaga
katayin ko na lang kaya
gawing estedsayd na pulutan
ngunit hindi ko magagawa
ang maitim kong balak
lalapit ang poreyner na me ari
kasabay ng pagdukwang ko
sa pinaglalawayang beagle
“he is mine!” sabi
ng utol ni Phoebe Cates
nakalabas ang ngipin
sa pagkakangiti
iyon siguro ang orasyon
may tumusok sa dibdib ko
nagsamanyika na tulala
habang nilalamutak ang utak
at hinihila ng mangkukulam
sa daigdig ng panaginip

–lio villas
april 15, 2022

king sulip ning banwa

Hunyo 12, 2021

king sulip ning banwa

malasing ku ngeni. adalanan na ku, kabang makalukluk ku at magpaynawa king tumba-tumba, ning bayu pang mebalu king makatak nang asawang kasiping kung bale. inagkat na kung minum empi at penusignan ke. nukarin na misanga-sanga at pupulayi ing bidaan mi kabang tatage. tungkul king obra, tungkul king bie, tungkul king meaksidente king traysikel at meangu bieng makatak nang asawa, tungkul king kayang pamangulila, tungkul king pamikaluguran, at tungkul king pung talisay a makayungyung king lalam ming pirurungutan. pilan besis neng memalag bunga ing pun talisay kabang miminum kami at maibug-ibug na keng mibukulan. itang katatawlian, mituranan ya buntuk at mituranan ku mu naman. asneng kaplas ing kayang sagakgak.

“oneng ali me paputut iyan,” nga na king libutad ning kayang sagakgak. “pantunan me neng aldo mapali at kailangan mung salilungan. pantunan me neng aldo kauran at ala kang bulung a mengalaglag a kailangang palisan keng mula. kailangan ne ning katawan mu, pari. eersisyu ning katawan ampong lugal mung pipapaynawan.” saka ne inalduk ing laman ning kayang basu.

mekaatlu kaming boting empi bayu kami mituknang. sisilim na at etad ke king dalan.

“ali-ke-ta-ga-na-a-ka-ling-wan-pa-ri.”
nga nang susure palakad pauli karela.

malasing ku pin ngeni, oneng nung king tutuking aldo, balikan na ku pa ning mebalu king asawang kasiping kung bale, panusignan ke pa at minum kami pa at agnan kaming mangalingwan kabang lalasaan ming mibukulan lalam ning pung talisay.

Halaman

Enero 26, 2019

Sa paanan ng isang bundok, puputulan ng sanga ng isang bakasyunistang nanay ang natipuhan niyang nakatubong ligaw na halaman na may iba’t ibang hugis at kulay na mga bulaklak. Itatambak niya ito sa loob ng kanilang pampamilyang sasakyan. Makakauwi mula sa bakasyon, makakalimutan na ng babae sa loob ng sasakyan ang pinungusan niya at iniuwing sanga ng halaman. Ang asawa niya ang makakapansin, dalawang araw ang makalilipas, nang gagayak ito para magsabong sana sa bayan. Halos malalanta na noon at matutuyot na ang sanga ng halaman kaya ibabato na lamang ito ng lalaki sa kanilang bakuran. Gayon sana kasaklap ang magiging kapalaran ng sanga ng halaman. Pero parang makikialam ang kamay ng Maylikha. Lilingapin ito ng anak na dalaga ng mag-asawa kinabukasang makikita ito habang nagwawalis ito ng mga nalaglag na dahon ng mga puno sa bakuran. Magbubungkal ng lupa ang dalaga sa isang sulok, itutulos niya ang nalalantang sanga, araw-araw na pagtitiyagaan na diligan. Ang panimulang hugis na papalantang dahon ng sanga ay magbabagong bihis nang mag-umpisang tubuan ng ugat sa ilalim ng lupa. Noong tumitibay-tibay na ang kapit ng mga paa at magberde at kumapal ang mga dahon, magagandahan ang makakakita na kapatid na binatilyo ng dalaga. Makikitulong na isang araw sa kanyang ate sa paglilipat sa halaman sa binili nilang napakagandang paso. Makikitulong muli sa araw-araw na pagdidilig sa halaman sa kanyang ate ang binatilyo. At isang araw, magba-Valentines day, lalagyan ng binatilyo ng laso ang paso ng namumulaklak na halaman. At makakaramdam man ng hiya, may hihilingin ang binatilyo sa kanyang ate na ikalulungkot man nito ay hindi nito pahihindian. Guguluhin lang nito ng kamay ang buhok ng binatilyo habang napapangiti.

At sa isang paaralang elementarya, dakong hapong iyon, isang dalagita ang mabunsol-bunsol sa galak sa puso sa matatanggap na nakapasong halaman na ang mga bulaklak ay may iba’t ibang napakagandang hugis at kulay.

ing musa

Hunyo 10, 2017

“ali na ka ata susulat?”
nga nang maratnang makalawe.

pepakit ke ing tatalnan kung bolpen.
itinuldu ko reng makaarap a papelis

a inuli ku’t lalamayan menibat kareng
ali ku ayariyaring tarbau king upisina.

“ali. kuwentu, istorya ing buri kung sabyan.
nung nu ka makaramdam saya.”

bisa ku sang makibat, kalupa ning sadya —
gawang miaaliwang sangkan.

oneng asneng kasikan panagkat.
diyos ning kalelangan, sinapi ya

king gamat, diwa at kaladwa
at ginulis ya. ginulis yang ginulis.

MAGLALAGUE

Hunyo 10, 2017

Ali me aintindian i Ima mu. Babawal na cang lumawut neng benging mamialungan ca caiabe reng caluguran quing bacuran ning bale. Pilmi nang sasabian, “Quen co mung lele. Ali co dadane banda laulta. Ating maglalague quing Matuang Ipe.”

Ali me aintindian oneng pamintuan mu neman bista man at ali ca mataloting tau. At anti canita ing pilming maliliari. Mamialungan caiu quing bacuran, quing lele-lele mu, at ali caiu papaisilawut quing pagbawal nang lugal. Ica, icaiu ri Lonlon, Matet, Potpot at ing asnang calagu (para queca) at ing asnang caganaca (para queca) na i Mae.

Misan a cabengiang mabilug at macaslag ing bulan, pepaisilawut caiu. Salicutan at buri ieng maburug i Lonlon. I Matet ampong i Potpot, miiabe la. Ica ampong i Mae, miiabe caiu. At Carin, bandang Matuang Ipe, pepaisicsic io ring sarili iu, quetang lumang canteriliang alang macagusal a danum. At ating miliari! Ating miliari. Mipanapis caiung gamat Mae. Quinabug co salung Mae. Mipanlalaue caiung maratnang Mae. At . . .

“ O, ala ta na pung agaua canian. Atiu na quen ian. Bista man masiadu la pang anac, dapat nang talacaran nining anac iu ing merungisan nang dangal ning quecaming anac,” nganang mangamanung tatang nang Mae cang tatang mu cabang apisan neng Mae ing aulatadu nang paparagul a atian

kapangyarian

Hunyo 8, 2017

lagalag ya diwa ing aingkuwentrung tau kabang lalakad ka king dalan. asneng kamwa, makamalmal ya labi at pakikwanan na kang panasakitan. kininwa yang batu. mipmung panupaya, ali me binuldan. kininwa yang patpat, maratna me mung penlewan. ay, madyikeru ya kanu ing tau! kukumpas no reng adwa nang gamat, gawan na ka kanung ipas. o kaya dagis. o pusa. o kutu.
mipatiman ka. ay, ali na yata balu ning tau ing sasalikut mung galing. sige, pota, kauli, mumuna mung gawan, lukluk ka king arap ning makinilya. sumulat ka. ing taung aingkuwentru ing gawan mung tema. at bitbit ang daralang lunus, pakikwanan mung mibayu ing daranasan nang kabilyan.

samantala, lalakad, ginawuk ka pa mung pera king bulsa. mipmung panupaya, binye me king aingkuwentrung tau.

ikit me, nanu pa ta — ing kapupurmeruan nang timan ….

CALUGURAN

Hunyo 8, 2017

Caluguran neng Tatang ing gabun. Malugud ia mu namang maquipagcaluguran i Tatang. At nung ibili me quing cabiliang papamilinan me i Tatang libutad ning pamicaluguran (alimbaua mo quing damonius a Tancu) at ning gabun — alang salang iampang neng Tatang ing pacamalan nang gabun ban e dumanup ing pacamalan nang caluguran.

Nga nang maralas sabian Tatang: “Luguran mo reng quecang caluguran. Ila ring sumaup quing quecang casaquitan ban cang cumabie.” Ali tutu. Ali pilming tutu!

Babang lucsa nang Tatang nguening caaldoan a ini. Pabanua na pala ing milabas, quing libutad ning linang a peparam na ban e rumanup, canu, ing caiang damonius a caluguran, quinasat ia i Tatang at meangu bie. Pemaniucaran neng pataram quing catauan Tancu at caibat tinacas ia. At angga man nguening aldong ini, alang balita — quing acalitan nang pacamalan.

MATWANG BALE

Hunyo 7, 2017

masayang malungkut
ing balang pamibasle
king matwang bale
larawan ning ali aulung
karanupan at kawa

karakal a alaala
misasagluluang sasalubung
kalupa na mo ning peklat king kanwan
tanda ning kakulitan
a atabmus kanitang mebaldug
king kulang nang balitang
makikinis nang aneng eran

makadalangat ya salu
ing mainang poste king entrada
mipmu pa ring pasensiya
pilming makiadyang pisasandalan
neng magmarakulyo’t tatabug
king inda at tatang

maingeng magbida’t magbalita
ing bubusning pasbul
king dating kuwartung pipaynawan
kimi yang makalawe ing matwang papag
mikipamialangan biglang keka mangaul

ala na lu pala keni
reng tokador, kabinet at eskaparati
ing malating lamesang gamit sulatanan
makatikdu pa at magmanuan
agyang bakli ne tadyang

masayang malungkut ing balang pamagbalik
king sinapupunan ning matwang bale
makatakut magsulit
sikanan lub ing mamatyawan
king dalpak a awang
baka kasi
atyu mu king paligid
ing pangilagan a sutil a angin
biglang manapseng kutang:

“nu ya anti ing kekang disnan?”
at ing pakibat mu
kabang magpakadukuduku:
“ali rugu
binang miparayu”

ING WATAS AT KAWATASAN

Hunyo 6, 2017

ugtu at kapalian
at mipmung tiyaga
ating anak a payat a lalaki
king malaparang bakuran
makakalaleng tatakbang
mimingat
makagawang inge
krimen
ing mibulaga’t mitabi
ing pakirakpan nang
malyap a tulang

asneng katula
ing anak
king atabmuan nang
katimawaan
inyang arakap ne
ing malyap a tagimpan

PAT BONTON

Hunyo 6, 2017

Mangulila cu cang Pat Bonton. Disipulus que. Asneng sutil oneng masicap magaral a anac. Magpabulan neng ali lulub quing escuela. Balita cu, meospital ia. Quing sabi, uli na ning saquit a ulser. Caia pala ing laue cu, mangaiaiat ing anac. At iniang mapilan a aldo baiu ia mesugud quing ospital, megui iang ali palabulad at pilmi neng apisan ing caiang atian.

Cuentu ning maindredus a ima na casiping dang bale ri Pat Bonton, na ing anac disipulus que mu naman, matipid la casi canu quing pamangan reng pamilya nang Pat. Sucat ing metung a catamtaman mung dagul a bangus, apaparas reng paruminggu quing cabilangang limang cataung pamilia. Macananu ing gagauan ra? Purmeru, iderang re pa canu ing bangus. Metung a tacal a nasi quing tatang, metung a tacal a nasi quing ima, metung a tacal a nasi quing coia, metung a tacal a nasi quing ati at metung a tacal a nasi quing anac a Pat. Ulam ing niningnang a bangus oneng ere galauan. Macatali at macasabit quing dulang. Pamauan re cabang susubu. Ita, ing bau ning ulam, ing carelang pinacaulam. Macanita mu naman ing gauan ra quing susunud a oras a pamamangan. Pipalipali ra ne mu. Angga na pin quing asasad re ing ulaman ra quilub ning paruminggu. At catataulian, ing capus palad a bangus, ilutu reng maquisabo, ibulug queng gule-gule alimbaua mo, at balamo piesta — canita la pa magpacabsi!

Isipan que ing anac a Pat Bonton. Casicap pa namang anac. Sagiua pa ing caiang catauan, saguia ing atian — caia siguru quing gagauan rang pamagtipid mipapamilia, ing caiang bituca ing minunang mituran.

Ai, capamo, piquiarian que pa ing lisiun cu. Adua na mung clasi. Caiari, bisa cung bumisita cang Pat quing ospital. Tuqui ca? Sigue! Tara!

ALDO NING KLASI

Hunyo 5, 2017

atorni ing awus ra kaku ri Undu
pablasang lumang attache case
ing magsilbing peka-iskul bag ku

daratuk ne pang Inda karin
ing papabakal nang nasi at ulam
ibinalut king bulung saging a tanam

alang manatad saken kabalenan
at parusa pa ing pamaglakad
mamaltang king buburak a dalan

oneng alang danyos ita
ating madyik a malilyari
balang makalukluk at magklasi:

mibubusni ing silid pituturwanan
mibubusni ing attache case
at mibubusni’t daragul mu naman–
ing isip king kabiasnan

INDREDUS

Hunyo 4, 2017

Balita quing barriu, lulura iang daia i Darang Eding. Paiat ne canu, macarate ne, maiana ne catauan at nga ra ring mipag-indredus a macatuang cababainan, manenaia ne mung oras, magpalulut cumbaga’t e lumambat miiangu ne bie.

Ing catubale nang i Bapang Danial, araraus ne ing oras nang balamo ala mu caia ing maliliari quing caiang asaua. Dudulung ia pa mu rin quing taldaua, maquirungut careng umpucan at inuman da reng calalaquian quing barriu (oneng ali ne macaing magpacalasing), at aquicua na pa mu ring mamasadang traisiquel at papanibala na mu quing pangane rang i Lolet a adua na’t metung a banua ing edad at dalaga pa ing pamanicasu quing masaquit a pengari.

Nanu pa ta, laman de ring mipag-indredus a cababainan i Bapang Danial. Nga ra, ali ne tutung caluguran Bapang Danial i Darang Eding. Na nung tutu iang lulugud i Bapang Danial, dapat neng pagsilbian ing caiang asaua. Na paitugut ia saguli quing caiang gagauan at magmasabal quing caiang asaua. Na patatabtab la batal, nung datang ing panaung acamataian neng Darang Eding i Bapang Danial — manintun iang baiung asaua caracaraca i Bapang Danial anti mong mebulus a toreru quing lalabangan.

Ali meliari ing pisasabian da reng cababainan quing barriu. Minuna iang meangu bie i Bapang Danial cang Darang Eding. Ali ne apaglabanan Bapang Danial ing daralan caiang calungcutan at depresiun.

Quetang babo nitang impung camatsilis ning tarundun malapit quetang gabun nang pipagobran, iquit re ring caianacang magsidulung i Bapang Danial a macabigti’t macalolo dila at ala nang inaua.

asnang kalagwang sumulat kawatasan
inspirasyun dapat mu iang panintunan
musa ing awus da rening karekalan
bubulung-sitsitsit pilming magparamdam

sawing-sawing paipalsinta?
kawatasan!
dismayadu king gobyernu?
kawatasan!
mitakid-misugatan?
kawatasan!

ing musa
daratang
penapenandit
ali pisasaryan

asna mung kalagwang sumulat kawatasan
tikwasa’t paimburisan ing asal mung marawak
bawal a bawal ing mangopya
lakwas nung obra da reng aliwa
pikasaman na ka ning musa
mawalan kang dangal bilang watas
panggilyan ning musa reng kekang taliri

at magkasakit kang sumulat kapilanman.

apdo
asnang pait
kapalrian ning bie
kimut andat binit alang
yumu

Ali cu malapit quing pengari cung lalaqui. Ing relasiun mi, ali na lalagpus pa quing ia tatang que at ia cu, supling na cung pangane. Migit pa canita — calabisan na’t mangailangan cu pang manaing calaraman ban makabuung masanting aicuentung istoria. Pablasang taimic ia, obra mu quing taldaua ing pagcagisanan nang panaun, ali na apalabung Tatang ing dapat nang agambul a relasiun mi bilang tatang ampong anac. At pagsisian cung iacuman, ali cu geua. Ala naman deuacang lub, Mecuntute mu quing cabiliang anti canita. Miqui pader quing pagitan. Tatang que at anac na cu. Misusunu cami quing apag, misasabing baguia — oneng ali tutung magcanlapit.

Asneng tula i Tatang canitang apaiari na cung elementaria. Quinaul na cung mipmung talic. Purmerung pamicatagun a iquit queng macanita casaia. Maibug ia pang gumaga quing uari cu. Macanita mu rin ing miliari caibat cung mepupus meg-aiscul. At ing amanuan rang santungang “Eden”, iquit neng Tatang, aranasan ne, quing pauli ning diploma cu quing caleids. Sariling pagal na, oras na’t panaung linaut na ing sarili na — ban mirinan cu, caming anac na, a masanting a quinabucasan. Maging bunga man niti, itang ali cami megcanlapit bilang anac at pengaring lalaqui.

Ali cu pin malapit cang Tatang. Maingalangan cung manaing calaraman ban macagauang masanting ampong masaiang istoria. Casi ing tutu, bista man icua cu nang apigunam ing miliari quecaming adua pauli ning talas a icua cu quing caranasan at pamag-aral, malungcut pa mu ring cuentu ing gugusal quing asbuc cu. Malungcut a cuentu!

Caiari ning paipapagal ampong sablang tagimpang mirinan caming masanting a cabiliang supling na, nanu pa ta at metua ia i Tatang, meina catauan — at ing catataulian, meangu ia bie.

Ali cami pin malapit Tatang. At ala cung geua bang maaius ing quecaming relasiun. Mecuntunte pin uari quing anti canitang quesadlacan. At balintuna — quing camataian na, pangulilaan que. Malapit a malapit ia quing pusu cu. At ing masalpac ampong macaplas — ali cu ne ngueni agiung acaul man.

LIGALU

Mayo 30, 2017

beltdey tu tututing ‘uminggu
lobot ing buli tung ligalu
lalatad, magtalita’t magbotting a lobot
piyalungang buli tung ligalu

mitabi taming nandin tatang
gagamutan na tu buntut nanding magtalita
titit na tu pitngi at manyad toli
lobot tung buli e ne agyung atali

titibi tung linaut tang tatang
dadabug, magmattul, titimattung
lobot a magtalita laman ning labi
dadait tiyat arap ng tatang tu

o, atna tu ngening tataya
e na tu tagana atiit tatang
lobot a magtalita’t lalatad magbotting
pengutang at ligalu ning tatang tu

GREAT SOUL

Pebrero 14, 2017

Great souls inspires and improves other peoples lives

They helm others as a masterpiece that unfold

Everyday is a day that manifests their worth

And what is worth but by retouching others lives

Great souls are happy embarking to others journeys

They creates others vision as if their own

They become wounded and broken when others fail

And they rejoices when triumphs is in the way
Each morning, there is a great soul in our house

Preparing foods and taking care of our needs

Indefatigable great soul that touches lives
Don’t fail them for your every dreams are their dreams too

Your every failures hurts them as if their very own

Great souls touches lives and they are called “MOTHER”

Wesley So
Champion 2017 Tata Steel Chess Tournament
Nakakabilib ang batang ito. Sunud-sunod ang pamamayagpag sa malalaking torneo. Nakalulungkot lang na dahil sa parang walang lubos na suporta sa larong chess ang gobyerno, mas piniling kumawala sa tali ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at ngayon ay naglalaro bitbit ang bandila ng United States Chess Federation (USCF). Nakalulungkot at kasabay ay nakatutuwa rin. Nakalulungkot sapagkat dahil sa batbat ng katiwaliang sangay ng gobyerno, ang isang talentadong Pilipino na gaya nitong si So ay kailangan pang bitiwan ang hawak sa watawat ng bansa para sa ikatutupad ng kanyang pangarap. Nakatutuwa, dahil ano at anuman, Pilipino pa rin. At nakabibilib na isang Pilipino ang umuukit ngayon ng pangalan sa kasaysayan ng larong chess sa mundo. At sa malapit na hinaharap, kung tuluy-tuloy ang pamamayagpag — hindi malayong maging world chess champion na kahanay ng mga Wilhelm Steinitz, Emmanuel Lasker, Jose Raul Capablanca, Boris Spassky, Bobby Fischer, Anatoly Karpov, Garry Kasparov, Vishy Anand at Magnus Carlsen.
Congratulations, Champ!
Pilipino!

KALYE

Enero 29, 2017

Kapag alam kong trapik pauwi sa Navotas, upang hindi masadlak sa maagang pagpepenetensiya, sa Monumento ay dyip na biyaheng Malabon-Acacia ang sinasakyan ko. Bababa ako sa Malabon-Hulo — iyong pinakadulong mararating ng dyip. Tapos, lalakad ako patawid sa tulay patungo sa lugar na tinatawag nilang Tanza. Doon ay may tawiran ng bangka pa-Navotas, tapat na tapat ng simbahan ng San Roque, ang lugar na kinasampiran ko labingwalong taon na pala ngayon ang nakakaraan. Mula roon, puwede ko nang lakarin pauwi sa bahay. O kung tinatamad, sasakay ako sa pumapasadang pedicab na ang nakaangklang sidecar ay kawangki at kasinglaki ng bumibiyaheng motorsiklo. Ngunit madalas, dahil lustay na sa pagod ang katawan sa trabaho, iyong pagsakay ng pedicab ang ginagawa ko. 
Sasabihin ko sa drayber ng de-padyak lalo na kung kilala na at kabiruan: “Kapag Hanapin, Hindi Makita St”. Na totoo naman. May kalye rito, na tuwing Pista ay nagkakaroon ng ganitong karatula. 
At ngayong araw, Pista rito sa kinasampiran kong lugar. Inip at walang magawa, inikot ko ang lugar at sumilip sa mga palaro sa daan. May pa-tournament ng chess, pa-boksing sa mga bata, basagan ng palayok, sack race at iba pa. Sa tabing dagat, may pakarera ng bangka. Nagbagong bihis ang mga kalye sa gayak at ayos sa bawat entrada. Goldrock. Samahang Cysa. Samahang Gayot. Samahang Tam-bae. Daang Banco. Gumamela Home Owners. Natawa lang ako at nanibago, ang karatula sa kalyeng paborito kong bigkasin ay hindi ko makita. Iyon ngang “Kapag Hanapin, Hindi Makita St.”
Bagaman at nakaayos at nakagayak ang entrada, ang nakasulat ay pagkakalaki-laking:
“KALYE HINDING-HINDI MO MAHAHANAP”
Tunay talagang napakailap.

LIMANG PISO

Enero 25, 2017

Inabutan kong bumibili ang isang lalaki sa suki kong matandang tindera ng adobong mani sa Monumento. Narinig kong sinasabi ng matandang tindera sa lalaki, “Limang piso. Di puwede ang dos.” Iyon pala, dalawang piso lang ang pera sa kamay ng lalaki. Nakita ako, nakiusap ang lalaki na kung puwede kong dagdagan ng tres ang pera niya upang makabili rin siya. Hindi ako gano’n kabait sa estranghero na tipong magmumukhang napasunod ako sa gusto niya kaya hindi ko binigyan. Pero sinabihan ko na maghintay siya saglit na siya niyang ginawa. Pagkabigay ng matandang tindera sa binili ko na halagang limang piso, ibinuhos ko ang kulang kalahati ng laman sa lukong ng kaliwa kong palad at iniabot ko sa lalaki ang supot na may laman.
“Sus! Gano’n din na magbibigay din pala, hindi pa pinera! Nakabili pa sana ako ng halagang lima!” Hindi yata mapigil ang sarili na sabi ng lalaki.
Napapaisip tuloy ako sa paglalakad habang sumusubo ng butil ng mani.
Ganito yata kalulupit ang mga tao sa siyudad. Isang kagaya ko na hindi lubos kung magbigay, isang katulad ng matandang tindera na sakmal ng pangangailangang makatubo at siyempre pa ay kumita, at isang kaparis ng lalaki na hindi makapagpasalamat sa kakarampot na biyaya sa kamay. 
Umiilap sa halagang limang piso ang pagiging . . . tao.

Noong isang araw, isang lalaking kamanggagawa ang nakausap ko sa pinaglilingkurang kumpanya. Ilang araw na siyang nakaliban at may magandang balita siya. Kita ang hindi maikakailang saya sa mga mata.
Kapapanganak pala ng kanyang asawa. Panganay. At natural na masaya siya sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Normal na delivery na ay malusog pa ang sanggol. 

Nalaman ko sa kamanggagawa kong ito, dahil sa dalaga ako at wala pang muwang sa ganito, na lahat pala ng isinisilang na sanggol, kahit iyong sa bahay iniluluwal ng ina sa tulong ng komadrona, kahit iyong mukhang normal at mukhang walang diperensiya, ay kailangang sumailalim sa pagsusuring tinatawag na New Born Screening o NBS. Ito raw ay kailangan upang makatiyak na ang sanggol ay walang Congenital metabollic disorder na maaaring magresulta ng mental retardation o maagang pagkamatay. Upang sa gayon, kung negatibo ang resulta, maagang magamot at maagapan.

Ang New Born Screening o NBS ay dapat na ginagawa sa bagong silang na sanggol 48 hanggang 72 oras pagkapanganak o maari ring gawin sa kanya 24 oras pagkaluwal sa kanya sa mundong ibabaw. Kukuha ng ilang patak ng dugo sa sakong ng bata ang awtorisadong doktor, nars o kaya ay midwife at susuriin sa awtorisadong hospital, health center o kaya ay sa lying in. Kung negatibo ang resulta, ang ibig sabihin ay normal ang pagsusuri. Kung positibo naman ay uulitin upang higit na makatiyak sa resulta.

Ang ilan sa mga dahilan kung bakit inuulit ang New Born Screening o NBS ay una (1).  Maaring ang bata ay kinunan ng dugo bago mag 24 oras pagkapanganak. Ikalawa (2). Maaring may problema sa blood sample ng bata, at Ikatlo (3). Maaring ang unang test ay nakitaan ng posibleng problema sa kalusugan. Ano at anuman, ang pag-uulit sa pagsusuri ay para sa ikatitiyak ng kalusugan ng bata.

Ayon pa sa kamanggagawa kong ito, sabi sa kanya sa pinagpasuriang hospital, sa kasalukuyan ay may 5 kondisyon na sinusuri sa New Born Screening. Ang una (1). Congenital Hypothyroidism (CH). Ikalawa (2). Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH). Ikatlo (3). Galactosemia (GAL). Ikaapat (4). Phenylketonuria (PKU). At panglima (5) Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase Dieficiency (G6PD).

Natuwa naman ako sa kuwentong ito ng kamanggagawa kong ito. Hindi lang dahil nalaman kong normal ang resulta ng pagsusuri sa sanggol niya, kung hindi dahil dagdag na impormasyon rin sa akin. Dalaga, may kasalukuyang nobyo  at nagbabalak nang lumagay sa malapit na hinaharap, alam ko na ang una kong gagawin sa magiging panganay namin kung sakali.

Ipasusuri ko ang panganay ko sa New Born Screening dahil siya ay mahal ko!

SI DERICK AT AKO

Enero 17, 2017


Kami pareho ang paksa sa dalawang retrato. Si Derick at Ako. Nagkatalo lang kung sino ang kumuha. Iyong una, na mga bata pa kami (ako iyong nasa kaliwa at inaalalayan ng kamay), siguro ay mga dalawa hanggang tatlong taon lang kami, ay hindi ko alam kung sino ang pumitik ng larawan. Iyong huli, mga gurang na, kuha ng maganda naming pamangkin sa isa rin naming pinsan. Siya naman ang nasa kaliwa at ako ang nasa kanan na nakasuot ng sumbrero. Sa okasyon ng libing ng tiyahin namin na kapatid ng yumao na rin niyang tatay at yumao ko na ring nanay. Sa panig ng Geronimo.

Nakakatuwa na nakita ko ulit si Derick. Sa mga naririnig kong kuwento-kuwento, bilang halos magkaedaran lang (matanda lang siya sa akin ng apat na buwan) ay hindi raw kami mapaghiwalay ni Derick noong maliliit pa. Katibayan siguro ang lumang retrato habang naliligo kami sa ibabaw ng hood ng dyip at walang baro at salawal.

Ngunit ibang bagay noong lumalaki na, nagkapamilya at nagkaroon ng mga sari-sariling pinagkaabalahan sa buhay. Parehong madulas, bihira na kaming magkakitaan ni Derick. Nakalulungkot lang na sa isa sa madalang na pagkikitang iyon, sa okasyon pa nga ng inililibing naming kamag-anak.

Ang totoo, wala naman yatang mga ispesyal na tao at mga alaala. Nagiging mukhang ispesyal lang siguro at angat sa karaniwan dahil sa likod ng proseso ng pagkakalapit at pagkakalayo, may puwersang pumapagitna upang ang dating magkalapit na nagkalayo ay magkasama ulit. At nakabubuo ulit ng alaala, sa pitik namang larawan ng magandang pamangkin, sa okayon ng libing ng kapwa mahal sa buhay.

At iyon ang may hatid ng ligaya at sakit

THE BIKE

Enero 17, 2017

The bike seems old now. The bike has acquired corrosion and can’t work well anymore. It’s seemed it’s only a year ago when the bike is a useful creation of the world. Now, it’s rusty and old and useless and was now a filthy rug in the eyes of the boy that owns it. Old Damian in the nearby apartment sees the bike of his neighbor just how he pityingly sees himself. Forsaken and abandoned by those that once benefited in his strength.

FLAW OF THE WORLD

Enero 3, 2017

It is sunup. The boatman, being serious and was so accustomed to silence is so irritable to the two men and a lady that were aboard the boat and now were standing and were talking to each other.

“Wish, they get off now. They are fucking noisy. Wish, they know I need silence. Wish, they know it,” said the boatman to himself so irritably. The boatman is now rowing the boat arrogantly and with show of anger. The three friends noticed it and choosed to be silent.
Now, got off from the boat and were walking in the street, the three resumed talking to each other.
“That boatman is a sore!” The lady told her friends.
“He is deaf and mute that is why he is irritable.” Said one of the man who is short, stout and ugly to his friends. “It is a sort of envy. Secretly hating those that reminds his flaw.” He continued.
“Oh, I see,” said the other man who is tall, handsome and muscular. “Now I know why you hates me!” And then he laughed. The lady laughed harder. And the ugly man just scratched his head. “My foul mouth!” He said to his friends happily.

BREAK UP STORY

Disyembre 25, 2016

Seryoso ito!

Kagaya ng tao, ang isang bagay na malimit mong kasama ay nagiging parang karugtong na ng iyong hininga. Himala na kung dati ay solong katawan ka, malaya sa bawat kilos, walang iniintindi, ngayon ay hindi na makaalis kung wala rin lang sa tabi. Bitbit, nakabulsa o kaya ay nasa bag kahit hindi ginagamit. Ganyan ang sitwasyon namin ng dyurasik kong selpon noon hanggang ngayon. Isang matapat na kasama sa loob ng limang taon. At naiintindihan ko sa pangyayaring ito ang damdamin niyong mga “pinapalitan o iniiwan” ng mga karelasyon. Iyong “pagmumukmok at kawalang-sigla”, iyong akala mo ay “katapusan” ng lahat para sa kanila. Ipinakita at ipinaunawa ng dyurasik na selpon ko. Aba, kahapon pa nagmamaktol simula nang iabot ni Misis ang batil na selpon na regalo sa akin! Na-lobat agad, nag-iinit ang katawan noong isaksak ko sa charger. At kanginang subukan kong  gamitin, nag-blink ang ilaw at kasabay ay dumilim. Sinasabi yata: “Doon ka na sa batil na selpon mo! Ayaw ko na sa iyo! Salawahan!” Resulta, eto, tumipa at gamit ang batil na selpon ay isinulat kung paano nahati ang mundo naming dalawa. Na dati ay hindi mapaghiwalay at laging magkasama.
Ngunit tuloy pa rin ang ikot ng mundo! Iniisip kong ipamigay na lang upang madulutan ng saya.
At kagaya sa isang bagay, ganyan din yata ang batas ng eksistensiyalismo sa bawat tao. Hihinga pa rin, may isang kukupkop at kakalinga, pagkatapos ng inaaakalang “kamatayan” mula sa isang pakikipaghiwalay sa dating paboritong kasama.

Nagpanggap akong tulog sa bus kasi ang katabi ko sa upuan ay mukhang disente at tipong bossy. Nagpanggap akong tulog at nakiramdam kasi gano’n ang aking katabi. Hindi ko inakala, ilang saglit pa, maglalabas na ng kanyang high end na selpon at itong dyurasik kong selpon ay magiging dyahi.  Dumayal at nagalit sa kausap itong katabi. “Tang’na”, ang sabi. Sa isip ko, pumipilantik ang daliri, kilay ay nagsasaarko, nguso ay tumutulis at sa galit ay  hindi na disenteng nagmumura ang katabi. At iyon nga ang nangyari, nagpanggap akong tulog kasi ang katabi ko ay mukhang disente at bossy.
At sa pagkakapikit, hindi ko makalimutan ang pahatid na mensahe ng disente at bossy na katabi.
“Tatapusin ko lang ang Pasko. Masama sa negosyo. Ipasisisante ko ang  lahat ng babae, nabubuntis lang, ititira ko ang mga lalaki.”

Doon ako nagmulat ng mga mata, sa biglaang sulyap, balikat ko ay tabingi, ang nabistahang katabi, mukhang payaso pala ang pamumula ng pisngi.

Napa-‘santisimang mag-ersisyo’ ako.
Nasaan ang hustisya sa planetang ito? Niyuyurakan lang ng langaw ang mga manggagawang katulad ko.

1. Hindi natin siya gusto bilang lider.
2. Hindi siya, sa paningin natin, epektibong lider.
3. May kilos at galaw siyang ayaw natin sa isang lider.
4. May minamanok tayong iba bilang lider.
5. Atat tayong maupo ang minamanok nating lider.
6. Atat tayong pamunuan ng inaakala nating mahusay na lider.
7. Atat tayo sa pagbabago at naghahanap lagi ng ideyal na lider.
8. Ayaw nating nabibigo at nagmamarakulyo lagi sa mga asal na taliwas sa gusto natin sa isang lider.
9. Ayaw nating hindi sumusunod sa atin ang isang lider.
10. Gusto nating tayo ang lider.

BASAN

Nobyembre 21, 2016

Magtunud pa ngeni. Asnang kabayat ing pakiramdam. Nanu ing awus? Lungkut? Malalam at matikding lungkut? Nung makanita, ali kaya depresyun ing alting ining mangiyapus king pilubluban? Dapat palang labanan ban ali maipasaul. Nung ali, baka mibulang at mike king diyaryu na migpuput pangisnawa. Makarine. Luntong makuyad pikukuwanan.
Makarirya itang taung dinat-dinatan at lipo-lipo king dalan ning Navotas. Maralas, atiyu king kantu ning C4, makatalakad at manablit lalakad o kaya makalukluk karetang luklukang batu a pepagawa ning lokal a gubyernu. Makarirya uli’ng iya ya nung ninu iya ya. Alang pamikunwari. Iya ya nung ninung iya ya. at ing kabud pupusanan na, ita ing mabayat nang daralanan. Plastik bag a miki gisi a alang nanu mang laman; king mabilisang pamaniglo, at musga ka, asilip mu ing mabilug nang yatu: BASAN!
Ginulis ya nandin ing dinat-dinatang tau, gamit ing kule aluntiang tsok, king makatalakad a pader a miki pinturang malutu. Kaplas ning sinulat na. manulsik a karayum:
Mis may pamile
May fader is may hero
Home
Kaibat, linakad yang makatungu at makalawe king gabun. Balamo ikukutkut na karin ing sablang pamaginakit na king bie. Nung mamarti ya mu, king sabi mu, ikwa na ing parasan na. Initsanan neng makalamukus a beinti nitang matwang babaing mekapansin kaya at melunus.
At makasake ka ngeni king kilub ning saken at sasakmalan ning matikdeng lungkut.

RENG AYUP A RETA

Nobyembre 16, 2016

katunud da

retang damulag

a papastulan na

mipaitagung sisilim

sasaklitan na la’t

asnong bilis

tutuki la’t mamintu

matiwalang peipugal

king manenayang kural

ing kayang dalaginding

asneng kasyas buntuk

atlung duminggu ngeni

ali ya pu mumuli

metung yang simarung

tinuki’t memintu

king tustus rugu

ning mababaligong pusu

Horoscope writing 4

Nobyembre 7, 2016

VIRGO (Aug. 23 – Sept. 22)
A devious offer from a cunning individual will test your loyalty. Think smarter before testing the water. 
Lucky day: Wednesday, Saturday

Lucky color: Red, Green

PANGADI NGENING ABAK

Nobyembre 2, 2016

​Memiru ing drayber karas ning dyip king Monumento. “Nasa Maynila na po tayo.” Mipatiman ku. Balamo rugu panabilin na metung kung probinsiyanu a dapat mingat king siyudad. King siyudad a mas masukal ampong mas magubat king keragulan kung lugal; at reng animales keni, miaaliwa’t tiktak lang makamandag.

Pasampa la reng bitis king tutuki kung sakayan, mekapangadi ku mo galang.
Dios, tutung matbud ku panupaya kareng lamaran ngeni. Asna ku rugung kabilis teterku karen mung malating bage. Dinan mu kung marimlang buntuk ban pilmi kong agampang masalese at mipmung kayapan ing balang kasagkusagkulang ibabasibas ning bie. Makabang pisi, Guinu. Makabang pisi mu ing anyawaran kung sandata, na pilangkul-langkul ku na at piatyat atyat neng kukuyad at kakaba ing pasensiya.
Yanasa.

SAYAW

Oktubre 26, 2016

Nagsasayaw siya. Sinong magsasabing hindi? Umeere ang tugtugin sa radyo ng dyip at sinasabayan niya. Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata. Iginalaw niya ang kanyang ulo, patango-tango, pailing-iling, patango-tango, pailing-iling. Pabuka-buka ng bibig, sumasabay sa awit. Ang nakasapatos na paa, itinatapik-tapik niya sa suwelo. Sumasayaw siya. Walang dudang hindi.

Ako, nagmamasid at naiisip si Jenny sa sinasabayan niyang kanta:

. . . So, what’s the glory in living?
Doesn’t anybody ever stay together anymore?
And if love never lasts forever, tell me what’s Forever For?. . .

WALKING DEAD

Oktubre 25, 2016

Nakasakay mo sa dyipni ang dati mong paboritong  barbero. Siya ang takbuhan mo noong pa-bagets ka pa at nahihilig sa tabas na barber’s cut. Ngunit hindi na ngayon, komo tanggap mo nang tumatanda na at dapat iakma ang porma sa edad. Hindi niya gamay ang gusto mong gupit na army cut kaya lumipat ka sa barberyang kakumpitensiya niya. At mula nga noon, hindi ka na napapasyal sa kanya.

Nakasakay mo nga ngayon. Napatingin sa iyo. Pagkuwan, inilayo ang tingin. Ipinako sa malayo, doon sa daang tinatalunton ng sasakyan. Nakuha mo ang kahulugan. May pait para sa kanya ang ginawa mong paglipat ng pinagpapagupitan.

Lalo pang luminaw, komo siya ang unang bababa, malaman mong ang suot niya ay statement shirt pala. Pababa, nakabalandra sa likuran ng suot niyang damit ang katibayan ng pag-amin niya ng pagkatalo sa kakumpitensiya. Mababasa mo: “Army cut sucks!”

At totoo, hindi mo na kailangang manood ng isineseryeng Walking Dead, upang maunawaang sa buhay — ang daming naglalakad na zombie sa mundo.

ODA SA LUMBAGO

Oktubre 25, 2016

Panahon ang nagtatakal ng tigas at lambot. Sugo ka ng panahon. Ikaw ang nagtatakal ngayon. Binali mo ang kuyukot?
Nagletrang-S ang katawan.
Daing nang daing.

SAGOT SA BIRO

Oktubre 16, 2016

Biro ng isang bisor, sa tuwing may kamanggagawang nakabibili ng sasakyan, ako raw ay nakabili na rin, sabay bitaw ng punchline na hindi ko lang maaaring i-park sa parking area kasi tumatae at baka ipatawag ako sa HRD. Kalabaw pala ang tinutukoy niyang sasakyan na nabili ko, na sa gayong biro, riot sa pagtawa ang bisor, na parang gusto pang magpahabol sa akin na animo ay tinitiliang bata.

Sa totoo, hindi ako pikon sa biro. Malalim ang kahulugan sa akin ng kalabaw. Ang kalabaw ay maaaring simbolo ng malakas, kaya nga may tinatawag na atletang nangangalabaw o manggagawang trabahong kalabaw, na ibig sabihin, ay hindi namimili ng trabaho. At bilang hayop, totoong ito ay isang sasakyan din. Hindi ko na ituturo pa ang panahong kopong-kopong, na ang daloy ng transportasyon, upang mailikas ang tao’t mga bagay sa iba’t ibang pook, ay dili iba’t sa pamamagitan ng mga hayop. Isa na nga rito ang kalabaw.

At naisulat ko na lang din, gusto kong magpakatotoo. Sa pagpapakatotoo, siyempre ay ang pag-aming minsan ay inambisyon kong magkaroon ng pag-aaring kalabaw. Cool para sa akin ang dating. Lalo kung mapaparami. Nasa isip ko lagi ang isang simple at hindi masyadong malaking bahay sa nayon, gulay-gulay sa paligid, may mandala ng dayami sa likurang bakuran, kamalig, nangakatali ang higit sa sampung bilang ng nasabing hayop sa nakayungyong na kawayanan kasama ng kanilang mga bise-bisero. Sa umaga, libre ang gatas na pampasigla sa katawan. Isang tinatawag na paraiso.

O, e kesa naman sa sampung kotse na hindi mo naman lahat masasakyan, problema pa sa garahe at nakadaragdag sa polusyon at pagkasira ng ozone layer, sa kalabaw, nakasisiguro kang may maituturing kang kaibigan, humihinga, at ang etat, pampalusog sa lupa. Tutugon pa sa iyong damdamin. Pruweba? O, e subukan mong tanungin ang kalabaw, ang isasagot niya: “Oongaaaaaaa”.

HOT CAKE

Oktubre 15, 2016

image

hot cake

hindi na tayo gaya ng dati
patunay ang mga tekst
na ipinadadala ko’t
nakaliligtaan nang sagutin
o kung sagutin man
matitipid at matatabang
na ‘k’ o kaya ay ‘oo’
nawala ang mahahabang usapan
na pinangungulilaan ko
ganito talaga yata
nagkakaroon ng ibang lasa
kung ang mahal mo
mahal na mahal
ay magsimulang umukit
ng sarili at bago niyang mundo
nagkukumot ng paninibugho
ang bawat naiisip na pananaw
kasi naman, noon ay akin ka
mundo ko
ang pagsampa mo
sa mga balikat ko
kinikiliti ako ng bawat mong halakhak
habang inaalalayan ka’t magkadaop-palad
kaya hindi yata talaga ako handa
sa bagong papel
na wala sa limelight
at iba ang iyong kaeksena
kaya kangina, sinamantala ko
nang tanungin mo ako
kung gusto ko
habang nagluluto ka ng hot cake
napaoo ako
huli na nang mapagtanto
ikinasisira ng tiyan ko
ang mga pagkaing ganito
kaya sa kasilyas ngayon
habang nagbabawas ng sama ng loob
naiisip kita
lagi’t laging
may collateral damage
ang bawat biglaang pagbabago
pero laging nagbibigay ng saya
mga mumunting pag-aalala
nagmumula sa minumutyang sinta.

pinakamasarap
ang
iniluto
mong
hotcake
kangina,
anak

AUANG

Oktubre 14, 2016

Mumuran. Ing anggi, lulub quing macabusning auang at didiligan na ca quing quecang piquequeran. Migbangun ca quing pangaalimpungatan, ume mu sang isara ing auang at mibalic pasibaiu quing pangatudtud, paquitagalan me ing meputut mung paninap, oneng ali na ita ing quecang geua. Mematiauan ca, pebureng mabasa, quing saup ning talanding tiiup ning angin, ing quecang lupa. Ala nang danius mabasa ca man. Ala nang ulaga ita. Pagsisiian mu pa pin o’t migbangon ca ban isara ing auang. Queng cuadru ning auang, atiu carin ing quecang paninapan, anting minuling bangungut, mupin, gising ca, acaquit meng lalacad quing maranum a dalan, casucub ne quing macabusning paiung ing caiang casuiu, mipmung casaia. Balamo ing papil iu nandin, cabang macaquera ca’t macaduian quing paninap.

​Sinusubukan ko ulit manood ng pelikula ng walang tokis (sound) kasabay ay binibigyan ko ng interpretasyon base sa eksenang nakikita. Tiyempo ito na paluwas ay sa kadulu-duluhang upuan ng bus (sinadya ko naman talaga) napaupo. Pelikulang Inglis, aksiyon, ang inabutan kong isinasalang ng konduktor sa player nila bago naniket. Gaya dati, para akong usyosong namboboso sa paligid. Sa mga unang sequence, siyempre ay pakapakapa sa daloy ng kuwento hanggang sa kahit paano ay nagagap rin sa wakas ang bisyon ng pinanonood. Tungkol sa terorismo pala. Isang partikular na eksena ang tila malinaw na nakatatak sa isip, malinaw na malinaw kahit ang usapan. Gabi iyon. Sakay ng maliit na bangka, isasagwan ng bida (nagpapanggap na bangkero) ang tatlong misyonaryo, isang babae at dalawang lalaki. Sa laot, makakasalubong ang mas malaking bangka (de-motor) na kinalululanan ng walong lalaking armado. Paiilawan ng isa ng dalang flashlight ang maliit na bangka. Nakatayo na ang bidang bangkero sa unahang panig ng bangka. Ang tatlong misyonaryo na nangakasuot ng sumbrero ay magyuyuko ng mga ulo sa kanilang pagkakaupo. Makikilala ng nagpapailaw ng flashlight na babaing maganda ang isa sa mga sakay ng maliit na bangka. Sasabihin, “You may leave, except the lady! She’d come with us!!” Mahihintakutan ang babae. Sasaklolo ang bidang bangkero. Usap-usap. Mapilit ang lalaki. “No! She’d come with us or you’ll all die!!!” Ikakasa at iuumang ang bitbit na mahaba sa mga sakay ng maliit na bangka. Siyempre, doon iiral ang heroic act ng bida. Ang bilis, bida e, makayuyuko at mailalabas ang nakatagong mahaba (kasado na) sa lugar na kinatatapakan, maipuputok at mauubos ang mga armadong sakay ng bangkang de-motor. Tapos, katahimikan. Tapos, makakabawi ang isang lalaking misyonaryo at magagalit sa bida at igigiit ang dahilan kung bakit nagtutungo at naroroon sila sa lugar na iyon. “What you’ve done? We’re here to give peace a chance!! Magagalit din ang bida. Pipitserahan ang nagagalit na misyonaryo. Ilalapit ang bibig at ididikit sa tenga nito saka magsasalita. “What peace you’re talking about? Those men gonna take and probably would rape your friend. Now, you talk peace?! Fuck you!!!!” Lalayo ang kamera. Ipakikita ang bangka. Sasagwan na ulit ang bida sa gitna ng dilim.

Sa isip ko, ‘Wow, lupit!! Sala sa init, sala sa lamig!’

BAKLA

Pebrero 19, 2016

​Nakatikim ka ng umbag noong haiskul sa ginagagad mong naglalakad na kababaryong six-footer na bakla. Hindi ka sana pinapansin, nakulitan lang sa mga chanting mong hindi niya nasikmura at tuluyang ikinapikon. “Baklang gubat, tuhugin ng sibat! Unggoy, unggoy, iluto sa apoy!” Tawa ka pa nang tawa. Paulit-ulit. Iyon, noong ikaw ang binalingan, suntok dito at suntok doon ang ginawa, Hindi mo malaman kung paano sasalag. Mabuti at naroon ang bespren mong si Rex, umawat, kung hindi ay tuluyan kang nilamog.

Naging mabuti kayong magkaibigan ng bakla, na pinatawad ka matapos mong malimi ang pagkakamali at humingi ng dispensa. Libre ka, kayo ni Rex, ng gupit sa kanyang minimintineng beauty parlor. Kaya sino ang magsasabi na hindi natatapos sa pagkakasundo ang anumang sigalot?
At ang matindi, balintuna, natuklasan mo, hindi lahat ng leksiyon ay itinuturo sa paaralan. Hindi ka man nakatapos ng pag-aaral, masasabing hindi ka naman hikahos ngayon, kayo ni Rex, na bagaman at mga lalaking-lalaki, ay naambunan ng biyaya, sa pakikisosyo sa negosyo ng inyong kaibigang bakla.

journal

Pebrero 16, 2016

i lost five games out of eight in a chess game to an old man this morning. there were many onlookers and i could hear all of them sighs whenever i failed to convert my winning positions into an actual win. no buts and alibis. just a little bit sorry but with a feeling of relief. every lost are learning lessons and what i learned today is enormous that it may lift my soul and this feeling of always wanting to have something to write. it is said, “when you play to a child, let him win.” i think, “same goes when you play to an old man”. the picture of the old man in my mind is a good imagery. sweet victories. winning over a possible defeats. making him a happy soul. and that is an enough consolation for my lost.

i remember my own old man.

sa barberya kangina, ginugupitan ng barbero ang kapwa barbero at pinag-uusapan ang pulitika. maka-duterte ang barberong gumugupit habang maka-roxas ang barberong ginugupitan. ungkatan ng baho ng kanya-kanyang manok. kesyo ganyan, kesyo gano’n, kesyo ganito. nauwi yata sa bahagyang pikunan. noong matapos ang panggugupit, napansin kong maganda sa harap ngunit tabak-tabak sa likod ang nalikhang obra. natawa ako nang pilihim.

ako na at kinausap ko ang barberong gugupit na maka-duterte pagkaupo ko sa silyang gupitan. “bos, digong ako. dating gupit. gandahan mo ang likod, ha?” wika ko.

nakita ko ang galak sa mga mata ng salbahe.

pamikandayu

Pebrero 14, 2016

image

asnang karalumdum kilwal
ing bulan ali ya makaslag
at dadabeong king balugbug
ing alang lagyung kataimikan
milalampungan la retang adwang pusa nandin
ngiyaw na lang ngiyaw e ko pansin
siguru miki busbus ne’ng babo yeru
king bengi-bengi rang piglalandian
reta mang lasing king katulid bale
ala nang danyos ing pamagkainge ra
tanda ku pa dati
alang mintis ku lang pamasibasan
neng miraras galingaldo
ing pilmi’t alang tugot a tigtigan
anti na kanini ing sabla ngeni
menibat inyang migkandayu
ing sadyang makule’t maingeng yatu
mipmu neng dalumdum
atneng kataimik
paniglon ku ing bayung peklat ku gamat
mimpis at labug king aslag
ning sulung malalam
ning kuwartung pipapaynawan
balamo rugu ing sugat ning pamikandayu
atiyu keni – atiyu keni
lumino’t pumula oneng atiyu
ing kaplas ali kakampa

horoscope writing 3

Pebrero 13, 2016

image

VIRGO (Aug. 23 – Sept. 22)

Never play fire with a fire dancer. Burning a skin is easy, mending a broken soul is hard. Be considerate to others.

Lucky day: Wednesday, Sunday
Lucky color: Pink, white
Lucky number: 2

tryst

Pebrero 12, 2016

tryst

i saw a cat tonight
it is white and out it went
in this darkness i am hiding of
meow meow meow, greet the cat
meow meow meow, it stepped into my feet
meow meow meow, it licked a bit
meow meow meow meow, suddenly
the moonlight shone over us
we are a playful creatures as ever
meow meow meow, then out it went
back to the master room
leaving me contented
in this place I’m hiding of
meow meow meow meow
oh, I miss the cat

movie rebyu kuno

Pebrero 12, 2016

Ikaapat na araw ng pamamahinga. Upang labanan ang pagkainip sa kawalan ng ginagawa, pinanonood ko sa Youtube ang Korean movie na ito. May subtitle naman kaya madaling subaybayan ang istorya at bisyon ng pelikula. Ayos ang direksiyon o galaw ng kamera. Ginamitan ng teknik na walang ingay pero may sapol. Akma sa gustong ma-entertain at makurot ang puso. Kasi talagang nananadyak. Solb sa akin ang pagpapaunlad sa plot sa pamamagitan ng pagpapakita ng tatlong bersiyon mula sa punto de bista ng tatlong karakter ng kanilang pagkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa gamit ang bulaklak na daisy. Ngunit sa ganang akin, maraming loopholes na maaari sanang sagkaan kung naging makapal ang pagkukuwento. Sabagay, ano ba naman itong sinasabi ko, kunwari-kunwarian lang akong nagsusuri kaya gayon ang panlasa. Pero sa pangkalahatan, katanggap-tanggap ang pelikula sa tradisyon ng mga Koreanobelang ‘Endless Love’ at ‘Stairway to Heaven’ na naglulunoy sa luha at kurot.

Rekomendado ang tatlong set na chess game para rito pagkatapos manood. Para mabilis na malimot ang kirot.

horoscope writing 2

Pebrero 11, 2016

image

VIRGO (Aug. 23 – Sept. 22)

A very idle day. Sleeping from the morning until before twilight. But the evening offers a good journey. Come out and relax.

Lucky color: White, Green
Lucky day: Saturday
Lucky number: 7, 3

#horoscope

kay ama

Pebrero 9, 2016

image

pawis na gumitaw ay sanlaksa
palibhasa ay lunod sa pagod
kaya hirating likod baluktot
tanaw sa mukha ang luwalhati
hindi inda anumang pighati
dahon ng buko na kinakayas
tinatahing talinhagang wagas
tumutula hindi makata
ganito ang diin ng haplit
diwa ko ang tumanggap ng latay
oras-oras kapiling ang sitsit
pambugaw sa nalilitong malay
may talinhaga’y hindi makata
super hero’y di lumilipad

puyo at lipunan

Pebrero 9, 2016

may pagka-judgemental ang matatandang kapitbahay noong araw. natatatakan, kaya kalaunan ay iyon  na ang nagiging karakter ng bata, base sa dami ng puyo ng buhok. at halimbawang sa kakulitan (bilang bata) ay makagagawa ng kabulustugan, agad na sasabihin ‘marami kasing puyo iyan, e. salasalabid pa.’ iyon tuloy, naitutulak ang bata sa pagkakaroon ng katangiang sa totoo ay ikinapit lang ng malupit na husga ng lipunan. na kung pinairal lang ang bukas na isip at tinatawag na heart of compassion, walang lilitaw na potensiyal na bagamundo.

ngunit mabuti na lang, sa gitna ng predikamenteng ito ng mapuyong bata, mayroon siyang inuuwiang tahanang ipinaiiral ang tinatawag na heart of compassion na iyon. na naniniwalang pagkabuguk-buguk man ng itlog, lilitaw pa rin ang pakinabang. na sa walang humpay na kalililimlim, milagrong mapisa at lumitaw ang bagong nilalang.

parang ikaw.

horoscope writing 1

Pebrero 9, 2016

image

VIRGO (Aug. 23 – Sept. 22)

You can’t hit an arrogant co-passenger with an injured hand. Wait until totally healed. Count one to twelve.

Lucky days: Tomorrow onwards except yesterday
Lucky color: Red
Lucky number: 8, 17

ganito sana

Pebrero 9, 2016

image

image

si chin — si sandy
si mulagat — si singkit
manipis na labi — pouted lips
unat — kulot
magkapatid at magkaiba
larawan naming mag-asawa
matangkad — petite
‘medyo’ pango — matangos
walang selan sa pagkain — pihikan
‘bait-baitan’ — topakin
ngunit marami mang
naging pagkakaiba
lubos na pinag-iisa —
ng pag-ibig sa isa’t isa.

parang kayo
at sana
tayong tao sa mundo.

creation

Pebrero 9, 2016

the lights got off. two souls conversed eloquently in the dark. and that commenced your map-travel to light.

copywriting kuno

Enero 11, 2016

Sakit ng tumatanda ang pagiging malilimutin. Hirap makaalala. O mabagal rumehistro sa utak ang mga bagay na dati ay pamilyar. May mga tawag dito. Dementia o mental na kundisyon na hindi makapag-isip ng malinaw at/o hindi maintindihan ang totoo sa hindi. Alzheimer naman ay iyong kundisyon ng utak na habang tumatanda ay unti-unting bumabagal ang dating liksi ng memorya hanggang ganap na mawala o lumisan. Pero may paraan para kung hindi man masugpo ay mapabagal ang pag-iral ng kundisyong ito ng ating utak. Kailangan lang maging aktibo sa pag-iisip. Iyong positibo, ha, at hindi iyong mga negatibo. Mag-relaks ka. Lumabas at makilahok ka sa umpukan ng mga kapitbahay. Maghanap ka ng paglilibangan. At isang mabuting libangan kasabay ay laro na ring masasabi na siyempre pa ay gumagamit ng isip ay ang larong chess. Hindi ka marunong? Walang problema. Magpaturo ka kahit doon sa mga hindi eksperto. Hindi mo kailangang maging grand master para magustuhan ang laro.

 

Nagtuturo nga pala ako. Kontakin mo ako sa libre mong araw o sadyain ako sa address na ito: 144 Kalye Kapag Hanapin, Di-Mahanap St, Navotas City. Magdala lang ng meryenda at mahigpit na yakap bilang bayad.

 

Tope

chess di-grandmaster

takot makalimot

SA PAUPAHANG BAHAY

Disyembre 8, 2015

Ang paupahang bahay ay may dalawang palapag at okupado ng dalawang pamilya na hindi personal na magkakakilala. Nagkasundo, dahil malaki ang bahay, na maghati upang mandin ay magkatulungan sa pagbabayad sa buwanang upang kinse mil pesos. Natoka sa ibaba ang pamilya Limpangog, sa taas naman ang pamilya Lontoc. At kahit gayon ang nangyari, nananatiling iwas sa isa’t isa ang bawat pamilya. Ang dahilan ay palamura ang pamilya sa taas, palasimba naman ang mga nasa baba. At sa pangyayaring ito, ang dalawang tinedyer, si Tere (ng Lontoc) at Caloy (ng Limpangog) ang higit na apektado. Tinutubuan ng paghanga sa isa’t isa ang dalawang kabataan dangan nga lamang ay tutol ang kani-kanilang magulang.

Ngunit ganito ang nangyari isang umaga. Isang maikling sulat ang iniabot ni Tere at binasa ni Caloy.

“Tangina mo! Kung gusto mo ako, ligawan mo na’t magpapaligaw na ako sa iba. Tado ‘to. Torpe!”

Iyon. Sugod ang ayaw maagawan.

At huling balita ko, nagkatuluyan. Naging mabuting asawa at ina naman si Tere.

TALANG GUNITA ISANG UMAGA

Disyembre 7, 2015

image

Inihatid ngayong umaga si Sandy sa pinapasukang school. Tumawid ng bangka sa badeo upang mas mabilis. Nakatayo habang sumasagwan ang binatilyong bangkero, pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Doon at dito ay mga gumigiray na barung-barong at mga kinukumpuning barko. Tatlong batang lalaki ang lumalangoy at naliligo kahit maaga pa. Napukaw ang tingin ko sa dakong harapan. Animo sinisilaban ang silangan sa papasikat na silahis ng araw. Sinubok kong pitikin ang selpon kung magiging maganda ang kuha. Paalala na rin sa sarili, sa panahong mag-uulyanin na, na may umagang ganito — may bahid man ng dilim at kawalang katiyakan — masaya pa rin hinaharap ang araw at ginampanan ang pagiging ama.

Nakatingin pala sa akin si Sandy. Nagkakamot sa ulo. Sinasabi yata sa sarili:

“Ay, naku! Ang tatay kong mahilig magretrato . . .”

KING BARBARIAN

Nobyembre 25, 2015

tatlong gabi ko nang nasasakyan ang dyipning kulay dilaw na may plakang pry 656. minamaneho ng payat ngunit pasensiyoso sa matabang asawang drayber na tatlong gabi na ring sumasama sa kanyang nagwawasing. giyera-giyerahan ang mag-asawa sa sana ay tandem nila sa hanapbuhay. diskarte sa kalsada ang dahilan. gusto ng babae ay gapang habang ratrat naman ang lalaki, rumerepeke ang mura kung nagpupumilit. siyempre, di ko na sasabihin pa kung sino ang nagwawagi sa tagisan ng dalawa. wala, walang dugo at lamang nagkalat sa loob ng dyipni. tanging kahihiyan lang (ng
pasensiyosong drayber) na aywan ko ba, sa likod ng isip ko, may paghangang tumitindig. gayong kapayat-payat . . .level 10 king barbarian sa aking tingin.

OTHER SIDE

Agosto 22, 2015

tula

Inside a bus
there are many faces
of triumphs and defeats
i see
so eloquent
‘though no stories
ever uttered

did you see
that gaunt man sitting
gawp blank
behind the driver?

he is singing lullaby
to lure his self to sleep
while mending reasons
he could tell
why sometimes luck
stood on the other side.

just a while ago
ravenous and freezing
along this bus
luck greeted him
disguised as one thousand bill
now kempt in his pocket

and gawp blank
he rummage too
the image of the hapless man
from the other side
he is thankful of

TAMALES AMPONG DAGIS

Agosto 20, 2015

tinadana ning tamales! o’t pepaganaka ne ning programang ‘kapuso mo, jessica soho’? ginalukguk ku mu bigla atyan. peborit de reng bulati, e. inyang malati pa at anak-anak bagya, masosonda la rening alaga kareng manganyamang lutu da reng dara. wa, itang amanwan rang bobotu. aru, kapangan ku la tagana! magtaka la reng dara. ing lulutu ra, o’t meritak yata? mapilan, asalikut ku na pala! ha-ha!

mipagising ku ngening magkapitangang benging gagalukguk atyan. iikik la reng dagis king kisame. anti ra ku mong paglokwan. malyari kasi, ngeni ku na mu aminan, talaasawa na ku, misan mipauli ku baryu, atiempuan kung miki lutung bobotu, megbakal ku paluslus, apat a balut. akalingwan ko no mang leko keng bag. kinabukasan, akagisingan kung lapak ing bag ku. migtagan no man reng ‘magaganaka’. ita nang mapapanat at megising bulung saging. o, nu’ ya mo ing ustisya karin? tinadara!

makatudtud na pen!

PROCRASTINATION

Agosto 10, 2015

tula

mapilit ang isang kamanggagawa
ipinasa kahapon, gamit ang share it
ang application ng clash of clans
sa pumupugak nang selpong dyurasik
napilit nang um-attack
habang kating-kating magsulat
o makipaglaro ng chess
itong hayop na ubos-oras
nakataas-paa sa sopa sa sala
lumilipas ang sandaling ‘di alintana
hindi masid ang paligid
kung hindi ibabalita ng kapitbahay
ang inianod inuusyosong bangkay
nakadipa sa mabasurang aplaya

sabi ng indiyanong tinalo ng pinoy
sa larong chess sa online:
“failures are to be celebrated.”
na gaya ng nauubos na panahon
hinding-hindi ko naiintindihan!!

Sa barberya kangina, inabutan kong nakasalang sa silyang gupitan ang isang batang lalaki. Mga apat na taon siya, mataba at sobrang likot. Maya’t maya ang tingin at nakikipagngitian sa salamin sa nanay niyang nakaupo sa sopang hintayan. Tabak-tabak tuloy ang nalilikhang gupit ng barbero. Naghabol sa pagtabas upang mawala iyong mga uka. Iyong dating malabong na buhok ng bata, noong matapos ay semi-kalbo. Bumagay naman. At pinuri ng nanay. “Galing, a! Husay!”

Nagtaka ang nanay kung bakit hindi nagpabayad sa gupit ang barbero.

Hindi ako bata ngunit naglumikot ako habang ginugupitan para malibre rin sana ng bayad. Naaalala lang na dapil nga pala ang ulo ko at hindi babagay ang semi-kalbo kaya tumahimik.

Tuwing Linggo o kaya ay sa mga araw na wala akong pasok, niyayaya ako ni Sandy na mag-C4 sa umaga. Ibig sabihin, gamit ang bisekleta, aangkas siya sa akin at lilibot kaming dalawa sa dakong iyon ng Navotas na diumano ay dating tambakan ng basura, dinebelop ng lokal na pamahalaan at ngayon ay lugar terminal ng bus, joggingan, taebohan, at pasyalan ng mga lokal na residente.

Sa bawat Linggo ng umaga na ginagawa namin ni Sandy ang routine naming ito, nadadaanan namin sa bisinidad ng Daanghari, sa ilalim ng lamp post doon, ang isang lalaking nakatalungko, lagi, sa ibabaw ng isang tipak na bato. Mapagmasid ang bunso kong ito. Itatanong niya sa akin mula sa aking likuran kung paanong nakaliligo ang lalaking iyon. Saan daw ba ito nakatira? Saan kumakain? Siyempre pa, maglulubid ako ng kuwento upang mabusog ko nang paliwanag ang kanyang munting isipan. Sa pagkain, itinuturo ko ang mga kalapit na karinderya at lugawan. Inaabutan ‘ka ko siguro siya ng mga iyon. Sa tulugan, posibleng iyong nabubulok na dyip sa kanto ang nagsisilbing pahingahan. Kung paanong naliligo? Sahod ulan o kaya ay mabilisan niyang itinatambog ang sarili sa dagat; sa Badeo kuwatro o sa tres, para may deskripsiyon ng lugar. Hindi na gumagamit ng sabon. Sapat nang mahiluran at mabanyusan ng tubig ang katawan. Nasa ilusyon kong nakanganga si Sandy sa mga paliwanag ko. Hindi naniniwala at hindi tanggap na gayon lang kasimple ang misteryo sa likod ng lalaki. Anu’t anuman, gayon nga namin iniraraos na mag-ama ang mga araw ng Linggo o mga araw na walang pasok.

Kangina, ang trapik malapit sa dakong iyon ng Daanghari. Alas-tres pa naman ang report ng pasok ko sa planta. Ang daming taong usyoso. May shooting daw yata, sabi ng isang kapwa pasahero. Ang likot ng mata ko. At kasabay ng pagkakatuklas ko ng sanhi, nanghinayang ako na hindi ko kasama si Sandy. Ito sana ang isang tipak na sagot sa kanyang mga tanong:

” Minsan, may mga araw na dumarating sa lugar ang isang
babaing matulungin, kinakaray ang lalaki sa magara niyang bahay, inaandutan ng pagkain at iniuutos sa mga alalay na paliguan sa garahe ng bahay. ”

Olrayt! Tapos na ang sigarilyo ko.

Work muna!

Totoo. Hindi lahat ng kamatayan ay iyong napupugtuan ng hininga.
Halimbawa, huwag na nating ilayo, doon sa Facebook ay isa-suggest sa iyo bilang ‘People You May Know’ ang retrato at pangalan ng taong kilalang-kilala mo. May ilan kayong mutual friends kaya tiyak mong ito nga. Kababata, kaibigan, kapitbahay, kaklase, o lahat ng papel ay ginampanan kung paano ka nahubog bilang tao. Nagkawalay lang kayo noong nagsilaki na at nagkapamilya at nagsipanirahan sa kung saan-saang lupalop. Hahatagan mo ng ‘friend request’. Maghihintay ka ng confirmation. Oras, araw, linggo, buwan, at aabot ng taon, saka mo maaalalang dalawin ang kaniyang timeline kung bakit inabot ng gayon katagal na walang tugon. May mga bagong post doon at naka-public, na ibig sabihin ay aktibo. At higit, parang unday ng punyal, makikita mo –nananatiling ‘you sent request’ ang status mo gayong walumpung mutual friends ang nadagdag na sa inyong pagitan mula nang huli kang maglatag ng pakikipagkaibigan.

Totoo. Ang kamatayan ay hindi lang iyong napupugtuan ng hininga. Madalas din itong makikita, nakabaon ang kalawit, sa dati ay matimyas at masayang pagsasamahan.

AN OLD NARRATIVE

Oktubre 15, 2014

He offered me a different meaning of friendship. And that meaning — I’m still looking for it up to now.

He is my bag man. In a simple word, sidekick. And it could stay that way if had not to my break up from my long time girlfriend Michaela. She just decided one day to end everything about us. That everything about us, she insist, were just a boy-girl affair blinded by what we think a true love.

Ok. It hurts. And to drown the pain, like every coward men, I turned into intoxicating myself over a bottles of beer. With Enrico, of course. And, oh, I wonder what were for are those smiles in his face?

That break up with Michaela is a campus news the next day. And her having a new relationship — with Enrico — the month after. I don’t want to sound bitter, but let me tell you, THEIR only lasted for a couple of weeks.

There are many kind of happiness. One of it is to resist the baggage of a false friendship.

By the way, I write this from a prison cell. After having murdered Enrico — my bag man.

 

SI TABA AT SI PAYAT

Oktubre 13, 2014

dagli

Madalas silang makita sa isang lugar sa Caloocan. Magkaharap sila laging nakaupo sa ilalim ng isang foot bridge. May kanya-kanya silang abubot. Si Taba (dahil punggok at mataba), isang malaking pulang plastik bag at maliit na Bibliya ang bitbit. Kay Payat (hawig ni Dolphy), lumang back pack na nakaluwa ang namumuwalang gamit sa sirang siper. Hindi sila nagpapansinan. Malakas na nagbabasa ng berso sa bitbit niyang Bibliya si Taba, tumatawag ng pansin sa mga nagdaraan. Si Payat, walang pakialam na naggugugupit ng classified ads sa lumang broad sheet na nahihingi niya sa isang crew sa isang malapit na fastfood.

Isang beses lang silang nakitang parang magkaibigang nag-uusap at nagtatawanan. Magpapasko. Sa harap nila, dalawang cup ng kapeng nabibili sa vendo machine, saka ilang piraso ng tinapay. Halos magdikit ang kanilang mga mukha sa pagbubulungan. Paminsan-minsan ay nagtatapikan pa ng mga balikat.

Pagkatapos niyon, balik ulit sila sa dati na hindi nagkikibuan. Nitong dakong huli, kung hindi makikitang nagbabasa ng berso sa Bibliya si Taba, ay nanghaharang (nangha-harass) naman siya ng mga nagdaraan para siya limusan. Iba naman si Payat. Likas na tahimik. Idinadaan sa walang kibong pamumulot ng pagkain sa daan ang nadaramang gutom. Kaya tuloy, kung may gustong magbigay ng limos, halimbawa’y ikaw, ang mas pipiliin ay si Payat at hindi ang harass na si Taba. At iyon ang itinuturong dahilan kung bakit nagalit kay Payat si Taba. Inggit!

Tag-ulan. Namamaluktot sa isang sulok ng foot bridge si Payat. Hindi, hindi dahil sa ginaw na hatid ng hangin o anggi ng ulan. Ibang bagay. Nakatayo sa isang panig si Taba, nakangisi, bitbit sa kanang kamay ang dos por unong kahoy, tatlong dangkal ang haba, na napulot sa kung saan, na ipinanlulod kay Payat.

Nakasanayan ni Taba. Walang araw na hindi nakatitikim ng maltrato sa kanya si Payat. Kung kailan magustuhan. Kung kailan may pagkakataon.

Kangina ay may SOCO sa lugar. Ginuhitan ng pinturang kulay pula ang paligid ng bangkay ni Taba. Binakuran ng telang kulay dilaw na may nakasulat na “POLICE DO NOT CROSS” ang ilang panig ng lugar. Ayaw munang galawin ang maliit na Bibliya na bumagsak sa lupa na nakabukas na patihaya. At ang ebidensiyang gunting na nakukulapulan ng dugo, na ginamit sa paglaslas sa leeg, ay maingat na ginamitan ng guwantes, nang damputin, mula sa kinatatambugang malapit na basurahan.

Itinatanong ng isang opisyal sa isang tumatayong testigo ang hitsura at totoong pangalan ni Payat. At kung saang probinsiya ito maaring nagmula.

 

PEKLAT

Oktubre 5, 2014

dagli

Tanda ng kulit ang malaking peklat sa noo, malapit sa kanang mata, apat na pulgada ang haba, nag-keloid, na gawa ng pagkakadapa ng patihaya, sakto, sa plot ng kaklase na ginagambulan ng piko, sa garden ng eskuwelahang elementarya, habang ikaw ay nakikipagharutan at tumatakbo.

Sindak ang lahat: “Patay na ba? Patay na yata! Patay na!” Maririnig na sigawan ng karamihan.

Ngunit hindi pa. Salamat kay Miss Cruz at sa mabilis at mapagkalingang pagsaklolo. Pinangko ka, inihiga sa pinagdikit-dikit na desk, sinuri at pinaampat ang sugat sa inihubad niyang sarili mong uniporme, nilapak sa dalawang hati ang nakabulsang sarili niyang panyo, saka ginawa iyong pantali upang makipkip ang kalahating garapong kape na ibinudbod sa sugat upang mapigil ang pag-agos ng dugo. Nagising kang nakaupo sa isang silya sa tabi mo si Miss Cruz. Hinaplos ang mukha mo. At parang umaawit ang isang anghel sa pagsasabing “O, okey ka na. Sa susunod, huwag ka sanang sobrang kulit at likot. ‘Ta’mong nangyari. . .”

Makalipas ang tatlong buwan, lumipat ng paaralang pinagtuturuan si Miss Cruz. Kailanman ay hindi mo na siya muli pang nakita. Ngunit siya ay nagbabalik sa alaala — sa tuwing ikaw ay nananalamin — at nakikita ang nag-keloid na peklat sa kanan mong noo.

 

PULOT

Setyembre 20, 2014

dagli

Nakatayo ka sa gilid ng daan habang hinihintay mo ang order mong hamburger sa maliit at mumurahin na hamburgeran na iyon. May matandang babae at mukhang tisikong binata na naglalakad ang magkakasalubong sa daang abot-tanaw mo mula sa iyong kinatatayuan. Makikita mo, bago ganap na makasalubong ang matandang babae, dudukot ang mukhang tisikong binata sa kanang bulsa ng kanyang pantalon. Makikita mo, malalaglag mula sa bulsa ng pantalon ng mukhang tisikong binata ang nakatuping isang daang pisong papel. Mapapansin din ito ng matandang babae. Hihintayin niyang lumagpas sa kanya ang naglalakad na kasalubong na mukhang tisikong binata saka pasimpleng dadamputin ang kayamanang nasopla. At magpapatuloy sa makupad na paglalakad ang matandang babae na parang walang nangyari.

Ititimbre mo ito sa mukhang tisikong binata pagtapat niya sa kinatatayuan mo sa harap ng maliit at mumurahin na hamburgeran na iyon. “Pera mo, nalaglag. Pinulot nung matanda.” sasabihin mo. Kasabay ay ingunguso mo ang nakasalubong niyang matandang babae sa mabagal niyong paglalakad palayo.

Kakaripas ng takbo pabalik ang mukhang tisikong binata. Bago ka aalis sa maliit at mumurahin na hamburgeran na iyon, dahil nailuto na at naibalot na ng tindera ang order mo, makikita mong nakatayo at magtatalo ang matandang babae at mukhang tisikong binata sa isang panig ng daan. Magkakamot ng ulo sa pagpapaliwanag ang mukhang tisikong binata. Lulubog ang laman ng panga ng matandang babae sa pagsasalita. Matatapos ang argumento nila sa padaskol na pag-aabot ng matandang babae ng kung anong bagay sa mukhang tisikong binata. Saka sila maghihiwalay.

Nakaupo sa sinasakyan mong dyip, maiisip mo ang ginawa mo. Matatawa ka. At manghihinayang. Kakapain mo ang dakong labas ng kaliwang bulsa ng pantalon mo. Makakapa mo ang umbok ng bilang mong beinte pesos na tigpipiso na tangi na lang na laman ng bulsa ng pantalon mo. Maiisip mo ang problema sa pamasahe. At ang pambadyet para bukas. Maidadasal mong may magpautang sana ulit sa iyong kamanggagawa mamaya.

Samantala, oras muna para magwantutri.

BANTAYOG

Hulyo 4, 2014

dagli

Iba-iba ang tawag sa iyo depende sa pananaw ng tumatawag. Bayani kung mga kapalagayan ng loob (ngunit maging ang mga iyon, may bahid din ng maliit na panlalait). Sipsip ka naman para sa mga lihim na kaaway (na hindi man sinasabi nang harapan, may tenga naman ang iyong pakiramdam para makarinig).

Buwis-buhay ka raw. Kung ano ang ibig sabihin niyon, synonym siguro ng iyong kasipagan. Trabaho! Trabaho! Trabaho! Hindi mo mararating ang kinalalagyan mo kung hindi sa pagmamahal mo sa trabaho. Walang nakababasag sa record mo bilang ‘undisputed best supervisor’ taun-taon. Masaya ka na kinikilala ka ng may-ari ng pinaglilingkuran mong kumpanya. Marami ka na ring naparegular na manggagawa dahil dito. Iyong mga sa tingin mo ay karapatdapat; at may iilan, aaminin mo, na hindi mo lang mahindian dahil mababait sa iyo at inililibre ka sa inyong pagha-happy-happy.

Ano pa’t wala ka nang mahihiling. May pagsisisi ka lang sa isang banda. Hindi mo na-enjoy ang buhay. Subsob ka lagi. Madalas, nakapagpipigil ka ng ihi sa pagtutok sa iyong ginagawa. Sa oras ng breaktime, nawawalan ka ng ganang kumain dahil nakapokus ang isip mo sa nabinbin mong trabaho. Plakda ka agad pag-uwi. Nananaginip ka madalas. At sa panaginip, pinapayuhan ka ng isang kaibigan. Mag-relax ka raw naman. Hindi pa raw hinuhukay ang buhanging gagamitin sa pagtatayo ng istatwa mo sa patyo ng planta! O kaya, nagpapasaring ang manggagawang kaalit. Ano raw istatwa-istatwa? Ang magiging bantayog mo raw ay isang puting nityo sa Laloma!!”

Isang linggo na ang nakalilipas, gumagayak ka sa pagpasok sa trabaho, sa iyong panggigilalas ay umiihi ka ng dugo sa banyo. Sariwang dugo! Pagkatapos ay bigla kang nawalan ng malay. Isinugod ka ng asawa mo sa pinakamalapit na pampublikong ospital, at ngayon nga ay halos isang linggo ka na ring patawirin sa ICU sanhi ng kumplikasyon sa sakit mo sa bato.

Sa gitna ng pag-aagawan ng liwanag at dilim sa iyong balintataw, naiisip mo ngayon ang iyong trabaho. Alam mo, sa pagkawala mo, tatayo bilang pansamantalang kapalit mo ang tamad at walang malasakit na si Kadyo. Ayaw mo iyong mangyari. Masasayang ang lahat ng pagod mo kapag nagkataon. Kaya kailangan mong bumalik. Gusto mong bumalik. Dapat kang bumalik.

Pilit mong binubuo sa isip ang pangarap mong pagbabalik bago ka ganap na kinain ng dilim.

NALILIGONG MALIGNO

Hulyo 4, 2014

dagli

“Mama, mama . . .” nagmamadaling tawag ng batang babae sa nanunulsing ina sa salas, “Tingnan mo sa labas, o. Dali! Umuulan pero may araw!”

Napangiti ang ina sa kainosentihan ng anak. “Kapag ganyan, ‘Nak, may naliligong maligno.” paliwanag niya sa bata habang patuloy sa panunulsi ng damit.

Namilog ang mga mata ng batang babae. Lumatag sa mukha ang takot. Naririnig niya mula sa kinaroronan ang pulandit ng buhos ng tubig ng kung sinumang naliligo sa banyo.

BREAKFAST

Hulyo 2, 2014

dagli

Sasakay sila ng dyip sa Tangos. Kakandungin nila ang kanilang mga backpack at magkatabi sila sa pagkakaupo. Nakasuot ng uniporme ng OLFU ang babae; PMI ang lalaki. Mga busilak sa kaputian.

Ilalabas ng istudyanteng nursing sa loob ng kandong na bag ang nakaplastic bag na mga pandesal na may palamang reno. Ipagpaparangalan ng istudyanteng marin ang kanyang stainless na personal portable thermo na nakasukbit sa side pocket ng kanyang bag. Pagsasaluhan nila ang almusal habang tumatakbo ang dyip. Paminsan-minsang magsusubuan ng pandesal at magpapahiran ng naiwang mumu sa bibig. Saka magpapalitang lalagok sa portable na thermo. Matatahimik pagsapit sa Letre. Magtitinginan at magpipisilan ng mga palad sa pagkaka-holding hands. Mauunang bababa ang marin, sasakay ng bus mula roon papuntang Munoz. Ihahatid siya ng tingin ng nursing habang tumatakbo papalayo ang dyip.

Saka magbabasa ng kare-receive na text:

“Nkskay n me, Bhe! Ingatz u pow!”

Alus patingapun neng mibating ing tinabug a anak a lalaki. Masukal man keng lub na, seludsud ne nandin pa ning tatang reng lugal a amanwan nang malyaring puntalan ning kayang anak. Kayaring menlawe kareng kasiping bale, migbanda neman taldawa. Migaganaka ing tatang pota rugu, mitakid ya kareng malalalam a bana da reng libluban ing anak at ikalumud na pa. Okaya, ketang dane madikut at matalaib, makatabmu yang kamulalu at matuktuk ya. Sisisi ya ngeni ing tatang o’t akamwanan ne’t berugang taiktik keng puwad. Malati mu namang bage ing kakukulami na. E mekapanyaklung danum ing anak ban atin yang agamit ing manese nang Ima.

Sisilim na inyang minuli ya bale ing laglag pagong tatang. Seganan ne ning kayang asawa king tukurang eran.

“Ikit me?” kutang ning babai.

Piniling ya ing lalaki.

“Lupang balu ku nung nu’ ya sinalikut, ” pinandit, ngana ning babai. Manos yang bitis ing lalaki ketang malapit a poso asteryano.

“Nukarin?” mipabalikid ya ing lalaki.

“Kutnan da ka pa. Nanung gawan mu? Barugan meng pasibayu?”

“Ali ke. Pakisabyan keng mayap. ” Manimulis neng bitis ing lalaki gamit ing malanging basan a kingwa na king sablayan.

“Makanyan pin!” mipatiman ing babai. “Ali ka paneng bulagso isip king pamamye disiplina king anak mu.” tinuldu ne ning wanan nang intuturu ing babo ning bale. “Ketang silid a pidudukanan tamung dase, kulambu, ulun ampong ulas, atyu ya karin. Lilun ne ing sarili na keng dase. Ikit ke bitis nanding menik ku.”

Mipagulasyo ya ing lalaki. “Nanu ya?!!” Kaybat pagulisak neng inutusan ing asawa. “Ing taiktik ku! Bilis! Taknayda na! Lamaran ya tagana!”

“O, o. . . kapamu! ” awat ning mipamulalang babai. “Balakumo sa’ng e na ka paypakapali? Na pakisabyan meng masalese?”

“Wa! Tutu ita!” nganang mekibat. “Oneng aliwa ya ini! Lilun ne ing sarili na king dase. E, bayu ya pa ita! Asne mong kaburak bitis kanyan at e man menos ing digpa ning alti! Lamaran ya tagana! Antayu! Antayu ing taiktik ku! Biliiisss!!”

HUNYO 14, 2014

Hunyo 14, 2014

Military time ang format ng orasan ng dyurasik kong selpon. Kangina, naalimpungatan, sinilip ko, 15: 23 ang basa ng halos nakapikit ko pang mga mata. Nakuwenta ko yata habang nakatapak pa ang ulirat sa panaginip, inakala ko na past five na, at lihim kong ikinatuwa. Tinatamad akong pumasok sa trabaho ngayong gabi at tamang-tama ito na mayroon akong maidadahilan. “Naleyt ng gising, e”, sasabihin ko kay Jenny. Kaya, gano’n din lang na past five na, ayon sa bigla kong basa, lalo kong ipinikit ang mga mata. Upang kung aakyat si Jenny para ako gisingin, siya pa ang kagagalitan ko. “Ano’ng oras na? Alam mong alas kuwatro ako gumagayak!” Kaya lang ikinainip ko ang paghiga kaya ipinasya kong bumaba na lang. Napa-“Santisimang mag-ersisyo!” ako nang tingnan ko ang orasan sa ibaba. Wala pa palang alas kuwatro. Kaya hayun, ipinasya na lang na gumayak. Kumain, naligo; ngunit buo ang pasya na magpa-file ng undertime ng alas kuwatro o alas singko ng madaling araw upang makapagpahinga nang maaga. Sa lahat ng mahirap aminin sa asawa, lalo sa mga anak, sa totoo lang, ay iyong liliban ka sa trabaho dahil sa katamaran. Nakakabawas ng yabang sa bahagi ng lalaki!

At bakit ko nabanggit ang napakapersonal na bagay na ito?

Mangyari kasi, habang nakasakay dito sa shuttle bus at nag-a-update sa facebook, napansin kong flooding ngayon sa newsfeed ang ukol sa araw ng mga ama. Bukas pa kung tutuusin, ngunit pinaaga ng mga sabik na netizens. At sa mga nababasa, napapangiti at napapatango ako sa pagsang-ayon sa mga papuri at pagdakila sa mga ama. Gano’n! Gano’n nga ang mga tatay! At ang totoo ay mga vulnerable rin at hindi iyong mga inakala natin noon na mga superman!

At dahil isa rin akong ama, itong paghugot ko ng paa mula sa katamaran ang ituturo kong sariling ambag na testimonya.

#stressdiary
Hunyo 14, 2014
18: 15

HUNYO 13, 2014

Hunyo 13, 2014

Friday the 13th pala ngayon. Nitong dakong hapon ko lang napansin. Nakatambay sa labas ng bahay at nagpapalipas ng oras bago gumayak sa pagpasok sa trabaho, may dumaang dalawang tinedyer na babae sa harap ko. Narinig kong himutok ng isa sa kanyang ‘teh (kaibigan lingo nila), malas raw siya ngayong araw na ito dahil nakita niya ang ‘hayup’ na boypren na may kaakbay sa Dulong Tangos. Hindi na raw niya kinompronta. Bebrekin na lang daw kapag muling nakita. Siyempre, nakikisimpatiya ang ‘teh niya. Mas matalim ang lumabas na salita sa bibig patungkol sa pobreng talusirang lalaki. Bago tuluyang lumagpas sa kinapupuwestuan ko, narinig ko pang sinabi: “Na-friday the 13th ka, ‘Teh!”. Patungkol sa kamalasang sinapit ng kaibigan. At iyon . . . iyon kaya ko napansin kung anong klaseng biyernes nga meron ngayon.

Malas nga talaga ang friday the 13th, sa totoo lang. Sa kaso ko na lang, umagang-umaga kanginang pag-uwi, sinalubong ba naman ako ng pagkatamis-tamis na ngiti ni Sandy. Yumakap pa. At noong iniandot ko ang pisngi ko, mabilis na kumis, na sa karaniwang araw ay kailangan ko pang pilitin. Hindi pa pala tapos, may naalalang iabot. Bracelet na loom band! Gawa raw ng kanyang mommy kagabi para sa akin. Kung aabutan ka talaga ng malas, oo. Minsan, sunod-sunod at pagkasarap-sarap!

Sayang! Inabangan ko ang dalawang tinedyer na mag-‘teh na muling dumaan bago ako tuluyang sumibat upang gumayak na sa pagpasok sa trabaho, kaya lang bigo ako. Sasabihin ko sana sa beki lingo with matching pilantik ng daliri: ”Teh, maz luz valdez ang fez mow kung dehins mo go go go zagu ang pag-break the leg sa papa boom boom boom mow. . .!”

#stressdiary
Hunyo 13, 2014
17: 23

HUNYO 12, 2014

Hunyo 12, 2014

May pasok ngayon kahit holiday. Mag-isa rito sa Caltex-Balintawak. Inip na sa kahihintay sa sundong shuttle bus. Nabilang ko na kung ilan ang malulungkot at masasayang taong nagdaan. Nakatapos na nang magsulat ng tulang kapampangan tungkol sa kalayaan. At kangina, oo kangina — may mag-asawang nag-aaway sa tabi ko. May dala-dalahan ang babae at kasama ang tatlong maliliit na anak. Iyong pinakamaliit, pang-apat at wala pang isang taon, kilik niya at pinadeddede sa feeding bottle. Pasapyaw na narinig sa kanila, sugarol at babaero ang lalaki kaya iiwanan na ito ng katalong asawa. Nagmamakaawa ang lalaki. Magbabago na raw. Hindi na raw uulit. Hindi nagpahinuhod ang babae. Noong may dumaang bus na biyaheng Dagupan, pinara at sumakay. Litong nakasunod ang tatlong maliliit na anak habang palingon-lingon sa naiwang nalulungkot na ama.

Sa anyo ng umalis na bus, nakita ko ang larawan ng kalayaan! Ganito ito kasakit para sa iba.

#stressdiary
Hunyo 12, 2014
18:15

KATIMAWAAN

Hunyo 12, 2014

tula

ikit ke ing katimawaan, karetang pamustang babagwa
ning sugarul kung kasiping bale.

neng abak, tunggal-tunggal
na lang gigisingan. maneneng susulutang taiktik o paleta
ban iluwal king pikukulunganan rang bale.
tunggal-tunggal, tatalbug na la
ban’ kanitang makapandilu
king garapung miki danum
menibat king salud uran.
pakanan na lang dekap a lango. pataklanan.
saka na la isinup pasibayu
king pikukulunganan rang bale;
at pasibayu, ipaluwal na la manunggal
ban isapung king metung at metung;
papasyasan na la galame. o kaya,
lalawan nung ing sanu na ing miki kulang.
siyempre, e ne pakipusta
ing amanwan nang alang katoryatorya.

king penandit itang miluluwal la
reng babagwa king pikukulunganang bale —
atyu ing katimawaan.
makapagkalag lang saput,
kuldas-manik king taiktik.
at nung king saup ning kapalaran
ating metung karelang miki bakli galame,
ibulus na la at papagpaynawan
king tanaman nang gumamela.

nung yaku, mengari ku karetang babagwa
aldo’ldo kung magbakling galame.
manenaya ya kaku–
ing gumamela!

ING KRIMEN

Hunyo 11, 2014

tula

maralas ing panawung ita
na kasiping ke king daneng dikutang ini
ning asikan nang marangle.
makalukluk ya lalam ning impung kamatsiles,
kabang mamanlaput kung dikut
at mikit ing saingsing na at saldak pangisnawa–
at maratnang makalawe banda lawta.

ngana, mengabungu na la ngan
reng kakaluguran na at kakilala.
sakit king pusu, at nanu-nanung sakit katawan.
e la ngan mipaldan bista man
mengagisan ing gabung pibandian.
at ya, ya kanu, e na buri
ing anti kanitang kapalaran.
buri na, nung mate, mate ya kagad
e na kanu buri ing migastus ya pa
at alang malakwang pibandiyan king pamilya.

aintindian ke at pakamalan ke.
marakal na kaming delanang kasakitan;
ikaming adwa, awa, ikaming adwa
lalam ning aslag ning aldo
ampong tikatik ning uran.
anya, inyang ikit keng linurang daya,
sinaupan ke, ban e ne miparusan.

segu ke! segu ke!
pemanlapak ke katawan!
mebungu ya. at nung mipapamulala
la reng ortelanung sinaklolo
o’t agawa ku ining katampalasanan?
lawan re sana aske lupa–
maaliwalas ya at makatiman.

HUNTO 11, 2014

Hunyo 11, 2014

Muntik na akong mapaaway kangina sa dyip. Sinisisi ko ang mahahaba kong hita. Nakaupo malapit sa estribo at wala namang balak umidlip, ipinikit ko saglit ang mga mata. Nakakaharang na pala ako sa mga daraan ay hindi ko pa napapansin. Isang lalaki na bababa sa Sangandaan ang padaskol na tumabig sa akin. Napadilat ako. Maliit lang na lalaki na nakakalbo na, baka kaedaran ko. Nakatayo na sa daan at ang sama ng tingin sa akin. Nag-dirty finger pa! Siyempre, hindi ako nagpahalata na nasindak. Itinapak ko kunwari ang kanang paa ko sa estribo at akmang bababa (na sa totoo lang, hindi ko naman talaga gagawin). Mahina pala sa psywar. Bigla, walang lingon-lingon na tumawid sa kalsada na parang napaliguan na pusa. Nahimasmasan ako. Para saan ba ang paggawa ko ng stressdiary kung padadala sa init ng ulo?

Kaya heto, isinulat ko.

Sining ng pagtitimpi bilang 1. Sikretong gawing katatawanan ang kaaway.

#stressdiary
Hunyo 11, 2014
08:20

TEKST

Hunyo 10, 2014

tula

sabik at mipmung lugud
kinutda yang makabang tekst
keng selpon nang dyurasik

tinimid ne kaybat at peparala
keng numeru nang lourdes–
ing babaing kayang pakamalan.

mimisding ing imang
mekabasa king akatudturan nang
kinudtang makabang mensai

mipapalwang bubulung king sarili:
“o, rugu, melasing ne naman.
akalambitawan ne

ing pagkasiran nang buntuk
malambat neng meyangu-bie
king panga-aksidente.”

 

HUNYO 10, 2014

Hunyo 10, 2014

Nakapulot ako ng leaflets sa sinakyan kong dyip na patungong Navotas kanginang pauwi. Gagawin ko sanang pamunas sa naangihan ng ulan na upuan ng dyip pero nanghinayang ako. Itinabi ko muna sa loob ng bulsa ng body bag ko at binalak na sa bahay na basahin habang nagpapaantok. Iyong problemang basa sa upuan ng dyip, pinatuyo ko sa mabilis na pagpahid ng lipakin kong kanang palad.

Nakahiga ngayon sa katre, nalaman ko na isang panawagan pala ang leaflets para sa paglahok sa pambansang pagkilos sa Hunyo 12. Magsisimula umano ng alas tres ng hapon sa Liwasang Bonifacio at magtatapos sa martsa papuntang Mendiola. Kayganda ng laman ng leaflets. May drowing ng nakarehas na baboy na kamukha ng pig sa sikat na video game na Angry Birds, nakasulat sa ilalim ng drowing ang ‘NO TO PORK COVER UP!”. Ang buod: “Pinagtatakpan ni Pangulong Aquino ang mga kaalyado niyang sangkot sa pork barrel scam at tumututok lang sa iilang karibal sa pulitika. Hindi rin totoo na tuluyang binuwag ang pork barrel. Kaya nga binansagang Pork Barrel King si Aquino dahil nananatiling sa kanya ang malaking pork.”

Ako ba, naniniwalang may cover up? Hindi ko masabi. Idadaan ko siguro sa pagsasaala-suwerte. Parang pagpili ng tiwaling pulitiko. Ikakara-krus ko, halimbawa. Kapag kara, oo. Kapag krus, hindi. At yamang nakahiga ako sa katre, uupo ako ha? Kukuha ako ng piso na nakalagay sa headboard. Pipihitin ko na sa ibabaw ng katre, ha? Hindi ako mandadaya. Promise! Oooopppsss! Teka sisilipin ko.

Malungkot! Napakalungkot!

Ang pisong pilak na may nakaukit na ulo ni Rizal ang nagsabi at hindi ikaw o ako.

#stressdiary
Hunyo 10, 2014
09:15

CABALEN QUING DIIP

Hunyo 9, 2014

tula

Mitupa cami rugu
Iacu, lele ning draiber
ia, quing quilub a luclucan.

Ing busni ning asbuc
Ing agcas cung amanu
meging dalan ba iang manatu.

“Capampangan ca? nganang mengalbit.
“Ua, ” ngacung binaliquid.
Asneng carale quing tula.

Indredus ampong bidaang alang patna.
Nu cu maratun Menila?
At ia, nucaring dane neman?

Tinipa cu Balintawak
Mipanlalaue caming macanganga
quing pamanginaiang.

Ing lagiu’t lagiu mi
Acalinguan ming icutang!

[balintawak]
Hunyo 09, 2014
18:23

HUNYO 09, 2014

Hunyo 9, 2014

Kinakalkal ngayong umaga ang taguan ni Jenny ng mga mahahalagang papeles upang kunin sana ang numero sa opisina ng APEC Plans (dating Pacific Plans, Inc. na naging Lifetime Plans, Inc. bago ang kasalukuyang pangalan.) Tatawagan ko sana para mag-inquire tungkol sa educational plan ni ChinChin. Magkokolehiyo na sa susunod na taon ang bata. Sa dinig ko, balak nitong kumuha ng Aeronautical Course. Madugo ito kapag nagkataon! Kaya ngayon palang, nililinaw na kung itong plan na nakuha para sa kanya ay covered ang school na nais na pasukan. Mabuti at wala naman yatang problema, ayon sa ‘boses anghel’ na babae na nakausap ko sa kabilang linya. Sa bata raw ang ‘school of choice’, ang sa kanila, ‘pag-issue lang ng tseke’. Harinawa!

Kinakalkal ko nga ang taguan ng mga papeles ay nakita ko ang tulang ito na nakasulat kamay ko. Ginawa ko para kay Jenny at siguro ay naisama niya roon. Pangit! Pero okay lang. Ang mahalaga sa akin. sa pana-panahon ay napagbibigyan ang hilig kong ito sa pagsusulat. Ang hiling ko lang, huwag lang magaya sa akin si Chinchin na dakong huli na nang mapansin ang totoong hilig — ito ngang pagpapalipad ng diwa at hindi pakikipag-ulayaw sa mga eroplano. Hindi mo man naitatanong, ganito rin ang kinuha ko noong kurso. History repeats itself ba ang peg? Huwag sana!

Eto ang tula. Hindi nagbabago ang mensaheng gustong sabihin:

SA AKING MANYIKA

pinipili ang mga salita
maging takbo ng diwa
upang kaipala’y maperpekto
at lubos na maunawa mo
halaga mo sa buhay ko.

sa dinami-dami nitong
naglisaw na babae sa daigdig
bakit nga ba sa iyo pumintig
itong nagpipihikang pusong
nahirati nang pinid?

tadhana! simpleng salita
umugnay sa ating kaluluwa
upang kaipala ay makialam
at tahakin ang landas
na sadyang nakalaan.

ngayong narito na tayo
sa iginuhit na palad ng mundo,
ang dating isang pantasya
ngayon ay isang reyalidad
na nagtataglay ng responsibilidad.

hindi ko man ito
madalas na sabihin,
sana maunawaan mo
ang pagiging ako
ay pag-ibig sa iyo.

sasabihin ko pa nga ba
kung talos mo na?
panahon man ay lumipas
sadyang ‘di pa rin kukupas
pag-ibig kong sakdal-wagas.

#stressdiary
Hunyo 09, 2014

11:17

HUNYO 08, 2014

Hunyo 8, 2014

Napapadalas itong pagyayaya ni Sandy na pagbibisikleta tuwing Linggo ng umaga, lalo na kung change shift ako at panggabi na kinabukasan ng Lunes. Kunsabagay, bonding moment din naming mag-ama. Iaangkas ko siya sa likod na upuan ng nabiling surplus na Japan bike (hindi natitiklop), yayakap siya sa bewang ko, saka lalarga na kami pa-C4, doon sa dating tambakan daw ng basura, pinaayos ng lokal na gobyerno at ngayon ay tinatawag nang Central Terminal o Centennial Park, o sa mga lokal na residente ng Navotas– C4 lang! Joggingan, taeboohan, bisikletahan, at paradahan ng mga bus na humaharurot sa Metro Manila.

Ipinarada ang bike sa malapit, umupo ako sa breakwater at pinabili ko si Sandy ng dalawang ‘malauhog’ sa abot-tanaw na magbubuko para inumin naming mag-ama. Sinisipsip na niya ang kanya noong bumalik. Hindi niya inabutan ang kinakausap (ini-interogate?) kong batang babae na nakaupo kangina sa tabi ko. Malungkutin ang mga mata ng batang babae! Sobrang mahiyain! Nag-iisa lang, hinala ko ay nakatira lang sa malapit. Dadalawang impormasyon lang ang napiga ko sa mahiyaing bata. Diumano, katorse na siya at hindi nakatuntong ng paaralan kailanman. Kung bakit? Hindi ko nalaman. Binugaw na siya ng mga pagtatanong ko. Saan ko nga ba nabasa ang kaisipang ito? “May kinukuha o idinadagdag ang pagkakaroon o pagkawala ng edukasyon sa isang tao . . . iyon ay ang pagkakaroon o pagkawala ng tiwala sa sarili.”

Saka nga dumating si Sandy bitbit ang mga pinabili ko.

“Uuwi na tayo pagkatapos nito?” tanong ko habang sinisipsip ang nakaplastik na malauhog na buko.

“Opo, Daddy, ” Nakamasid siya sa mga taong nagdya-jogging sa palagid.

Pumepedal pabalik, pinagbabalakan ko ngayon na maghanap ng mahihiramang monopod. Mai-selfie ko man lang itong pagbibisekleta namin ni Sandy. Sa gayon, pagtanda’t ulyanin na, may mababalikan akong retrato o bidyo na may simple ngunit importanteng pangyayari palang ganito sa buhay ko.

#stressdiary
Hunyo 8, 2014
9:53

HUNYO 07, 2014

Hunyo 7, 2014

Ngayong araw, nalaman kong totoo ang sinasabing ‘may sustansiya rin sa mga walang kuwentang salita na lumalabas sa bibig ng mga itinuturing nating mga layak ng lipunan’. Kinailangan ko lang intindihin upang maunawaan ang angkop na aral sa akin.

Nag-aabang ng masasakyan, binabasa ko ang nakasulat na anunsiyo sa establisimento sa katapat na daan:

St. Peter Maternity Clinic

Services offered:
*Paanakan
*Dengue
*Tuli
*Wound Dressing
*Blood Pressure
*Blood Sugar
*Complete Blood Count
*Paps Smear
*Flu
*Others

Binabasa ko ay may nagbabasa rin pala na nakatayo sa tabi ko. Kinalabit ako kaya ako napalingon. Lalaki. Walang bakod ang harap sa pagkakangiti sa akin. Magulo ang buhok. Gulanit at marungis ang suot na damit. May sayad, sa tingin ko.

“Bos, . . .magkano ka. . .ya . . . ang . . . tuli?” kunwari ay nahihiyang sabi.

Kabisado ang mga gayong pasakalye, inabutan ko agad ng limang piso. “O, siguro ay uubra na ‘to.”

“Bos . . . naman . . . seryoso ‘ko.” Nagkamot ng ulo. Ngunit kinuha pa rin ang iniaabot kong limang piso. “Pangarap . . . ko . . . matagal . . . na . . . Twenti payb lang . . . ako . . . ngayon. Bata . . . pa . . . ‘Di pa . . . siguro . . . huli, Bos . . . ‘di ba?”

SInang-ayunan ko na lang para matapos kami. Pero tinandaan ko ang sinabi. Lumipat ako ng lugar na pag-aabangan ng masasakyan. Noong muli kong tingnan ang lalaki, nasa harap na ng isang tindahan at bumibili.

Kaydalang ng dyip. Pero, heto, may paparating! Sinipat ko ang wristwatch ko. May oras pa. Kung masasakay ako, hindi pa ako mahuhuli sa pupuntahan. Darating akong . . . SAKTO lang!

#stressdiary
Hunyo 7, 2014
7:23

HUNYO 06, 2014

Hunyo 6, 2014

Paano ko ba sasabihin ito sa paraang hindi lalabas na didactic?

Ang alam ko kangina ay gising na ako. Nakahiga, bukas na bukas ang tenga. Naririnig ko sa butas na bubong ang kaluskusan ng mga naglalampungang pusa; umiingit ang gate sa pagpasok sa loob ng bahay ng kauuwi pa lang na kapitbahay; may naghahanda ng almusal; may nanonood na ng TV sa di-kalayuan; may nagwawalis sa kalye. Kaya ang alam ko talaga ay gising na ako, at ayaw lang munang bumangon. Gusto pang magpainin sa higaan bago tuluyang harapin ang bagong araw.

At mananatili sana sa kalagayang iyon kung hindi lang pinukaw ng ginagamit na alarm clock at hilain sa muling pagkakahulog sa panaginip.

“Sa karanasan, madalas itong pagkabaon sa tulog sa pagpapatumpik-tumpik.”

#stressdiary
Hunyo 6, 2014
05:27

HUNYO 05, 2014

Hunyo 5, 2014

Sakay ng dyip pa-Monumento ngayong umaga, nakasabay ko ang isang kumpare. Kuwentuhan at bidahan kami sa biyahe ay pasulyap-sulyap pala siya sa statement shirt na suot ng batang lalaki sa aming harap. Siniko niya ako at itinuro. Nangati ang mga mata ko sa nabasa: “When Dad said NO . . . ask Mom!” Ang bigat ng inilalahad na imagery sa akin.

Sa Sangandaan, noong akmang tatayo upang bumaba na ang batang lalaki kasunod ang umaalalay na kuya, sinabihan ng kumpare ko, mahina nga lang, “Boy, ambait siguro ng tatay n’yo, ‘no?”

Napalingon ang kuya.”Opo . . . Paano n’yo po nalaman?” kunot-noo na itinanong.

Sa akin sinabi ang sagot dahil tuluyan nang nakababa ang dalawa.

“E, kasi, pambihira ang tatay na may lambot ng dibdib na makauunawa at makapagpapasensiya sa paminsan-minsang pagkaatribida ng mga nanay.”

Napangiti ako. “Gano’n ka yata kasi kaya alam mo.” Hindi ko natiis na nasabi.

Hindi umimik, tila namalikmata, pumukol pa ulit siya ng isang sulyap sa dalawang batang naglalakad na sa bangketa.

#stressdiary
Hunyo 5, 2014
06:55

Hunyo 04, 2014

Hunyo 4, 2014

Kauli ku nabengi menibat obra, disnan ke ing bage a maka-LBC. Inabut ne kanaku ning asawa ku. Balu ku nung nanu ya, siyempre pa. Libru! Ing ‘The Only True Eye’ nang Papa Osmubal, talaturu/talasulat/poetang kapampangan a makabase ngeni king Macau. Ing libru peparala neng Joey Magno-Sotto kanaku menibat kareng kopyang pegkatiwala na kayang Papa ban pamye kareng tawung buri nang pidinan. Na metung ku pin karing midinang kopya, metung ne iting galal para kanaku. Buri na mung sabyan, ating kikilala kanaku (bista man e ku ramdam king sarili) na metung ku ping talasulat. At o’t asabi ku ini, uli nang i Joey ing aakit kung masugid a talatuki’t mamye sikanan lub kareng sablang kapampangan a talasulat o miki inklinasyon king nanu mang adle ning sining. Malyari ne sigurung awusang ‘patrona da reng poeta’t artist a kapampangan’ , king kanaku mung palage.

Kayari kung minapun, tambing keng biklat ing malating libru. Minuna keng linawe ing libutad a bulung o pahina ban keng asanakan nung anti ya ing daralan nang kamaisan o belwan. Makanini kung mamasa, libutad pa, ban akit ku nung interesante ya ing metung a lalang. Nung ing panlibutad, marukat ne o malagu, nanu pa ta ing panarap at panggulut. Salamat at dinugpa ya king gamat ku ing librung ini.

Oini ing kanakung abasa:

pillow
(a reminder from a professional bum)

when after waking
you have no memory
of your dreams

consult your pillow–

it has not only your loose hairs
but also all the dregs
of your lost and wasted whispers

#stressdiary
hunyo 04, 2014
06:17

HUNYO 03, 2014

Hunyo 3, 2014

Libre ngayong araw ang leksiyon tungkol sa loyalty at — mabigat mang sabihin –pagtalikod! Habang may pakinabang pa ang isa sa isa, naroon ang loyalty, tatalikod lang kung wala nang mahuhuthot . . .

Kahapon pa parang kasuyo na pinagtataksilan ng FACEBOOK 0 ng Sun, ang tanging libre sanang magagamit na access sa Facebook para sa selpong dyurasik. Hindi kasi nakapag-update kahapon ng entry sa sinusulat na stress diary dahil hindi makapag-log in. Ang totoo, motibasyon na rin sana sa hilig sa pagsusulat itong #stressdiary (libre audience pa!) kaya masama ang loob. At kangina, sa kapipilit nang kapipilit, sinabihan through text na hindi na applicable itong dyurasik na selpon sa FACEBOOK 0 nilang sandalan sana ng mga gustong mag-FB ngunit walang-wala. Ang saklap! Ngunit ayos lang. Tuloy pa rin ang daloy ng buhay.

Pinagbabalakan ngayon ang paglipat sa Globe o Smart. O kaya, huwag nang mag-FB pansamantala. At sa paglipat na lang sa Smart o Globe, may pagpapatumpik-tumpik pa, baka kasi mangyari sa sarili ang natatandaang aral sa isang nabasang dagli (kay Dr. Rolando Tolentino yata) hinggil sa kinasasapitan ng ‘nanlalaglag’. Hindi ko kabisado pero halos parang ganito yata:

Ito (ang nanlalaglag) ang nakakaranas ng ‘pagkabasag’.”

 

#stressdiary

Hunyo 03, 2014

O6:20

Hunyo 2, 2014

Hunyo 2, 2014

Weekly ang shifting sa pinaglilingkurang kumpanya. Pang-araw ngayong lunes kaya maagang gumising. Sa sinakyang dyip na pa-Monumento, may nakatabing istudyanteng babae (haiskul) na kuntodo kolorete sa mukha, nakasu-suffocate rin ang iwinisik na cologne sa uniporme! Nag-flashback tuloy ang utak noong haiskul pa at isang istudyante na sakit sa ulo ng mga guro. Simple ang mga babae. Uniporme, complimentary shirt na pamigay tuwing Pasko ng mga kumpanya at ng mga mandarambong na pulitiko. Luho na ang ipinahid na Johnson & Johnson na pulbos sa mukha. Baon, piso na pambili ng cornbits o kaya ay belbekwa at kending tira-tira. Ang pinakaayaw lang noon, wala man lang kahit isa sa mga rare beauties na kaklase ang pumatol sa mga love notes na isinulat sa palara. Na sa isang pagkasawi, natatandaan ang katapangang muntik nang sumisid sa sapa ng Tabon.
At, oo nga pala, bukod sa mga rare beauties, may isa pa pala noon na pinakagusto — Si Miss Salac! Ang di-kagandahan at patpating guro, na sa kabila na isang sakit ng ulo sa kanya, ay matapat na nagsabi (personal lang naman) na may itinatago raw na talento sa pagsusulat. At gustung-gusto — sa totoo lang — ang ‘pagkakamali niyang iyon’ na narinig!

Ngayon, nakaupo sa shuttle bus at nagsusulat ng mga notes, naiisip, sa sariling karanasan, “kailangan lang yata sa mga paaralan ang magkaroon ng may ‘mata’ na mga guro upang mapaisip at magtino ang makulit o bagamundo nilang istudyante . . .”

#stressdiary
Hunyo 2, 2014
6:47

Hunyo 01, 2014

Hunyo 1, 2014

Nag-undertime ng alas singko kanginang madaling araw. Nilalakad ang daan papuntang kanto ng Pacheco na pag-aabangan ng traysikel pa-Malinta Exit, nakasalubong ang isang maitim na pusa na may hinahabol na daga. Saglit muna silang tinanaw bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Naniniwala ba sa malas? Hindi! Karaniwan pa nga ay suwerte ang ganito.

Patunay?

Isang biyernes trese, nakapulot ng isang daang piso sa kalye!

Okay, aamin, habang sinusulat ang entry na ito (pasensiya na po!), walang naligaw na magandang kapalaran. Pero iyayabang naman, pagkagising kangina ng alas tres ng hapon, at pagkaligo, nag-biking kasama ang mag-iina. At pumepedal habang sinususundan ang mag-iina gamit ang hiniram nilang mga bisikleta, magandang kapalaran na rin sigurong matatawag (kahit puno ng krisis) iyong magkaroon ng buo at masayang pamilya!

Makapagbasa nga muna ng “The Black Cat” ni Edgar Allan Poe sa tablet nang ma-nosebleed at masabing nagdedeliryo lang kaya kung ano ang nasasabi.

 

#stressdiary

Hunyo 01, 2014

19:12

TUNGKOL SA STRESS DIARY

Mayo 31, 2014

Gusto kong mag-journal araw-araw kaya naisipan ko ito. Nabasa ko sa isang anger management book ang tungkol sa pagdyoyornal sa istilong stress diary.    Sa ganitong paraan ay makikita mo raw ang mga bagay-bagay na nagdulot sa iyo ng stress. At dahil nga nakikita mo sa pamamagitan ng dyornal mo, madali mo nang maiiwasan at mabibigyan ng solusyon sa susunod. Nakakaaliw din ang paggawa. Aaminin ko, gusto ko. Motibasyon din kasi sa pagsusulat. Sa totoo lang.

At sa kasusulat ng stress diary pa-tweetum ekek chenes, nadi-divert ko rin pala talaga ang init ng ulo. Halimbawa, ngayon lang, sa Monumento, sasakay ng dyip pa-Malinta Exit, dalawa ang naniniket para sa pamasahe. Isang pang-Malinta at isang Pang-Meycauayan. Nagtanong ako kung kanino sa kanila magbabayad ang Malinta lang. Itinuro ng isa ang kasama, nagpakara pa: “Sa kanya! Tatlumpung taon na tayo rito, hindi pa natin matandaan? Anong katontohan iyan?” Na tinawanan ko lang. “Pasensiya na, ” kako, “dati akong naka-Porche. Naibenta ko lang kaya engot mag-commute.” Nakapag-isip siguro. Humingi ng dispensa.


Kung karaniwang pagkakataon iyon, ang isasagot ko — malamang: “Bolang ka pala! E nagtatanong nang maayos ang tao, kung anong kawalang utak ang isasagot mo. Gago!”
Ang stress diary daw ay anti-stress. A sure tool to manage anger. Ngayon, alam ko na.

Subukan mo!

 

Mayo 31, 2014

Mayo 31, 2014

Alas dose y medya kangina. Breaktime. Gamit ang mahabang karton bilang banig, nahiga ako sa patyo ng planta. Wala naman akong balak matulog. Gusto ko lang iunat ang likod.

Nakatulog pala ako. O binangungot pa yata. Sa bangungot, presidente raw ako ng bansa. Binigyan ko raw ng hanapbuhay ang mga walang trabaho. Pinagtataasan ko rin ang kanilang mga sahod. Ang mga walang tirahan, pinatayuan ng bahay. Binigyan ng sariling mabubungkal na bukid ang mga magsasaka. Kung anu-anong reporma (disporma) ang isinagawa bago dinemolis ang kongreso at senado saka nagbitiw sa puwesto. Malas lang at nagising. Sentensiyado na sana ng bitay sa salang pagtataksil daw sa bayan. Saka umugong. Hudyat na tapos na ang breaktime.

Weird, ano?

Sana lang totoo.

#stressdiary

Mayo 31, 2014
01:55

Mayo 30, 2014

Mayo 30, 2014

Kaarawan ngayon ni Kuya Derick. Pinsan ko. Matanda sa akin ng isang taon. Kapitikan ko ng tenga noong bata.

Binisita ko ang phonebook ng dyurasik kong selpon kanginang umaga. Tatawagan ko sana o kaya ite-text. Magantihan ko man lang sana. Hindi, hindi sa kung anumang kabutihang loob na ginawa sa akin, kundi prank call o prank text sana na ikagagalit niya ngunit siguradong ikangingiti at baka dahilan para maalala niya, na may isang panahong bertdey ko rin, pumapel siyang malupit na prankster sa buhay ko na muntik nang hindi magpatahimik sa akin. Ngunit sayang! Wala na pala siya phonebook ko. Naiwala ko nga pala (na-snatch, ang ibig kong sabihin) minsang naglalakad sa Monumento, ang dating mas dyurasik na selpon kong gamit kung saan naroon ang kanyang contact number.

Sayang itong mga inihanda kong text.

“Happy birthday, Honey! It’s been a long time since we bed. Miss it badly. Really!”

Ganito! Ganitong-ganito ang text kasi niya sa akin isang bertdey ko. Nagkataong si Misis ang nakabasa at kalahating araw akong hindi kinibo sa galit. Lumamig lang nang tawagan ko ang prankster at malaman na si Kuya Derick pala.

Ang ibig ko lang talagang sabihin sa sulat ko, Stressdiary, na kapag may pinsan-kakampi kang gaya nito, riot ang buhay pero masaya. Iyon bang “it’s the thought that counts”. At gusto ko iyong naalala niya ako sa kaarawan ko.

Happy birthday, Derick! Masarap yatang bumalik sa pagkabata at magpitikan muli ng tenga!

#stressdiary

Mayo 30, 2014
13:32

Mayo 29, 2014

Mayo 29, 2014

Swear, ganito ang nangyari kanginang alas siyete singkuwenta ng umaga. Sa SM Monumento, iyong dating Ever Emporium, sumakay sa karag-karag na dyip na kulay dilaw, waluhan, may palikpik sa tagiliran, iyong tinatawag ng mga mahaharot na Batman. Pagkasakay na pagkasakay, sa tabi ng matandang drayber, bayad agad ng trese pesos, sabay bilin na kung maaari ay pakigising sa Dulong Tangos kung ako ay maiidlip. Hindi yata ako inintindi ni Tatang, habang nagpupuno, itinuloy ang pakikipagkuwentuhan sa kapwa drayber na nakatayo sa kanyang tagiliran. Ayos lang sa akin. Sa pagkakakilala ko sa mga drayber, matandain sa mga gayong mga bagay, pati sa mga nagwawantutri sa pamasahe, kaya wala akong kaba sa alzheimer ni Tatang. Alam ko! Drayber yata ang Papa ko!

Ginising nga ako ni Tatang at sa dulo nga. Pero may mali! Iyon ay sa Hulo. Sakop ng Malabon at hindi Navotas. Sa pagkakaalimpungatan, naitanong sa sarili kung ano ang ginagawa ng bokporokpok na Batman na iyon sa sakayang dapat ay para sa bumibiyaheng Letre, Sangandan, Malabon-Bayan at Navotas lamang? Pero hindi na bale iyon. Magkatapat na magkatapat lang ang kasalukuyan kong kinalalagyan sa dapat kung puntahan. Dagat lang (o ilog ba?) ang pagitan. Sasakay lang ako sa Badeo-Singko ng bangka at patatawid sa ibayo. At iyon nga ang ginawa ko.

Nakatayo habang sumasalunga sa agos ang sinakyang bangka, ayoko munang sisihin ang sarili. Kayganda yatang pagmasdan ng nasasapol ng mga mata kong barungbarong sa kanilang pagkakapit-bisig!

#stressdiary

Mayo 29, 2014
12:55

 

Mayo 28, 2014

Mayo 28, 2014

Nagising ngayong katanghaliang tapat na humihilab ang tiyan. Sa banyo, naliligo si Chin-chin, o sa termino ni Sandy ukol sa mga seremonya ng kanyang ate sa paggamit ng banyo, “natutulog”. Sobrang tagal! Mabuti at hindi ako inabutan nang sa wakas ay “magising”. Pag-upo ko sa trono, dunk agad. Hindi ko man lang nakuhang ‘makaidlip’. Pinuna ni Sandy, “Ang bilis mo, Daddy!” Biniro ko. Mahina lang para hindi marinig ng kanyang ate. “Oo, malamok, e. Sa taas na lang ako matutulog. Di baleng mainit!” Napangiti ko siya.

Dito sa taas, humilab ulit ang tiyan. Pakikiramdaman ko muna. Hindi muna ako bababa kung sa tantiya ko ay naroon ang makulit na bata. Baka kasi magpakara ng: “O, ano, Daddy, titiisin mo na ang lamok kesa init?” Pero biro ko na lang ito. Bahagi ng totoong pagpapaantok. Mamayang alas-tres, paggising, saka na lang kakain.

#stressdiary

Mayo 28, 2014
12:30