May 27, 2014

Mayo 27, 2014

Magdamag pinawisan sa paghahanapbuhay kagabi. Pauwi kanginang umaga, hindi nakapaghilamos o nakapaghugas man lang ng kamay. Walang tubig sa planta. May inaayos raw kasi ang NAWASA.Sakay ng bus, kimi sa pagkakaupo katabi ang matandang matabang babae. Isiniksik ang sarili sa tabing bintana sa pagkaasiwa, siksik pa rin nang siksik ang matandang matabang babae. Hindi nakatiis, tumayo at naghanap ng bakanteng upuan na malilipatan. Nakaismid na nakatingin ang matandang matabang babae. Sa C-4 road, bumaba. Doon din pala bababa ang matandang matabang babae. Sa dakong likuran, habang naglalakad, inilipad ng hangin sa tenga ang patutsada.

“Kasuplado! Kung hindi pa amoy Durian!”

#stressdiary

May 27, 2014
17:00

May 26, 2014

Mayo 26, 2014

Bago umalis sa bahay ngayong hapon, binitbit ko ang nakita kong pink na payong sa lagayan ng mga gamit sa school ni Bunso. Makulimlim at baka abutan ng ulan sa daan. Hindi ko nagamit! Nakasakay na ako sa dyip nang bumagsak ang malakas na buhos. At sa Monumento, kahit may mahihina pang patak, kinuha ko sa takbo at pagsukob ng dalang backpack sa ulo. Ang dahilan naman, hindi na pala bumubukas ang pink na payong, may malaking kagat pa ng ‘mababait’ ang tela. Kaya ngayon, nakasakay sa shuttle bus, pinatutuyo ang suot na damit sa sandalan ng upuan, isinuot na lang na pamalit ang baong uniporme. Nagsuklay na rin nang bahagya sa buhok gamit ang mga daliri para pogi.

Ipaaalala ko nga pala kay Misis ang tungkol sa sirang payong upang maibili ang bata. At ako rin . . . para boyscout na laging handa!

#stressdiary

May 26, 2014
18: 10

BATUTA

Mayo 26, 2014

dagli


‘Nabulag’ ka sa naibaba mong dos siyentos pesos na tawad mula sa unang turing ng tinderong nag-aalok na seis siyentos singkuwenta kaya nabili mo ang batuta minsang gumala kayo ng pamilya sa Batangas. Sinamantala mo na abala si Misis sa pamimili ng mga souvenir, dahil tiyak na tututol, noong iyong binayaran. Ibinulsa mo agad sa likod na bulsa ng suot mong pantalon. Gawa sa stainless, iyon ay isang klase ng batuta na ga-dangkal mo lang ang laki, ngunit naiuunat at napahahaba kaya mo nga nagustuhan. Akala mo, may pakinabang. Panghambalos halimbawa sa makakaaway kahit wala pa naman. O, sa alanganing pag-uwi sa gabi at may haharang na magtatangkang gagawa ng katampalasanan, ipanlululod o ipanlulumpo. Ganoon kapusok ang iniisip mong magiging gamit ng batuta.
Ngayon lang, nakita mo kung saan yata higit itong may silbi.

Mag-isang tumatagay habang nanonood ng DVD, inaabala mo ang sarili sa nginangata mong dinikdik na matigas na adobong mani.

 

KALABIT SA SARILI 12

Abril 19, 2014

Magdili-dili keng bale. Magpapak atsarang gawa Pampanga kabang manalbeng The Bodyguard nang Kevin Costner. Aliwang klasi tagana. Lulsut keng dila ing yumu ampong ing nyaman a malambat nang pamitan. Aganaka ku, kanitang mangalati kami, neng miki okasyun, ikaming mikakaedarang mipipisan ing totoka da reng mangusinang makatwa a mialinlinang talpak (pitutugasan pamu reng bitis keng danum ban luminis, siyempre) king makakatsang ginadgad a sagiwang papaya ban mataktak la katas; saka de pamu bulugan pineapple, carrot, sibuyas ampong aslam. Aminan ku, kanita pa, metung ne ing atsara king kanakung paburitu. E basta atsara, hane — nune Atsarang Pampanga!

Ngeni, kabang mamapak kabang manalbe, isipan ku na maragul yang bage keng metung a tau ing pamangang menibat king lugal a keragulan na. Maniwala ka at ali, didinan ne nining dagdag a lasa ing pagkakakilanlan na bilang tau.

Metung a pruweba?

Lawan mu, mekapangamanu kung kapampangan a ala keng oras.

Kanyaman!

 

ARING BULAN

Abril 15, 2014

tula
lupang maslag ya sala
ing bulan ngeni babo
malalare la reng biga
kabang sasampa yang
anting maleguan a dalaga
maybug lang marine
rening sulung neon keti sulip
makatingala lang kurap-kurap
king tune ari.

 

ORASYON

Abril 15, 2014

tula
Menibat king
katatalpakan
nang kisame,
kinuldas ya
ing lupisak
minuma
ya king
abtak-abtak a
gabun.

KALABIT SA SARILI 11

Abril 13, 2014

Ang gusto ko sa araw ng Linggo, iyong parang napakabagal ng mga sandali. Mga pagkakataong makapagsisimba kahit paminsan-minsan lang; mga lumang tugtugin sa radyo na nakapagpapatimpi ng kalooban; movie marathon sa tablet o sa laptop; kapag laban ni Pacquiao, manonood ng libre sa sports complex ng siyudad; malling kasama ng mga bata kung sobra sa budget. Parang tigil-putukan matapos ang matagal na digmaan.Ngunit dahil mahaba ang bakasyon simula sa susunod na Miyerkules dahil sa obserbasyon ng Semana Samanta, para sa Linggong ito, papasok muna ako. Saglit lang dumaan sa simbahan kanginang pag-uwi kahit mag-isa, sa dyurasik na selpon nakinig ng mga kaganapan sa labang Pacman-Bradley, panakaw-nakaw ng mahalagang tulog, pasulat-sulat ng kung anu-ano para sa kapanatagan ng isip. Oo . . . parang di-matuldukang digmaang hindi mahanapan ng kasagutan.

 

ANG HEAT

Abril 10, 2014

dagli

 

Manwala na kung manyilab ing klasing paling ini. Ali ku na sa pansinan pa. Patingapun kung metudtud babo bale at ayagwanta ku bista man anti ku mong niningnang a pindang. Panwala ku, metung ya mung pamagsubuk keng kanakung kapibabatan. At. wa, tutu ing kasebian da reng makatwa; atin ping linaga kareng taung matyaga (o, e ku naman wari matyaga nung ayagwanta ku ing patingapun a pali! Ika naman rugo, kaputol!) O, bayu ku milawut, makiramdam ka kasi. Tutu pin ngako ing kasebian rang iti reng makatwa. Ngeni mu, ikwa kung apalub keng kanakung panimanman. Gayak kung lungub king pipag-obran. Dapat kung mandilu siyempre! Aba, uli namong patingapun kung kinasat babo bale libutad ning kapalian, ikwa nang memale king katawan ku ing pali, megi neng metung a dane ning kanakung sarili. Mipamulala ku. Kabulus kung danum, sinagitsit ya, saka binukal. Sibuknang kung menyalak metung a tabung danum a binukal inyang mibulus king kanakung katawan. Mekapaglaga kung ebun! (o, ing kasebian ra reng makatwa, ngaku na ta keka) Ali mu ita. Aminan ku, masasabik ku kening bayung tuklas a kapangyarihan. Miadya la reng lamaran a mapanako ampong kriminal! Oini na ing bayu rang kaagum da reng Avengers. Nanu kaya, magsulud ku pang maskara? Ustu na ing gamitan kung talipanpan a “Ang Heat”? Nuko, kabantut yatang lagyu, Ang Heat!


Justice, here I come!

 

RIGMAROLE

Marso 18, 2014

Sa sakayan kangina, nadaanan ko ang tatlong binatilyo na high school student. Nag-aabang din sila ng masasakyan. Nakiki-text ang isa sa dalawa kasi naubusan daw ng load at kailangang mai-text ang girlfriend. Sabay pa siyang kinutya ng dalawa: “Tang’na mo! Syota-syota ka at pa-selpon-selpon, wala ka namang pan-load!” Saka sabay siyang pinagtawanan. Lihim din akong natawa. Nakapa ko tuloy ang dyurasik kong selpon sa kanang bulsa ng pantalon ko. Kung noong panahon ko (halata na talaga ang pagtanda) ay uso na ang selpon at facebook, ang dami ko rin sigurong niligawan at naging girlfriend gaya ng namomroblemang binatilyo. Jejemon din siguro ako ngayon. Mabuti na lang sa intermediate pad o sa yellow pad at mabangong stationery pinadadaan ang mga himutok ng puso noon. Ngunit sa kaso ko, palara ng sigarilyo ang pinili kong gawing sulatanan, sa malabong katwirang kapag pinahalagaan, aba, e daig na daig ko pa ang tumama ng jackpot sa huweteng. Walang nabola. Totoo. Hinala ko nga, pagkatanggap, diretso sa basurahan ang kawawang palara. Pero walang pagsisisi. Sa karanasang iyon, nakilala ko ang sarili. Mangingibig pala ako ng mga salita. At luminaw nga sa akin iyon sa kasusulat sa palara! Eto ang resulta. Writer –kahit humbug lang!

Ngunit, sa totoo lang, sinasabi ko lang ito dahil hirap akong magbasa ng Jejemon text.

McMUFFIN

Marso 17, 2014

Pumila ako sa McDo kanginang umaga para sa stub ng libreng Mcmuffin. Gusto kasi ni Bunso. Kesa magmarakulyo, hinabaan ko ang pisi ng pasensiya sa pakikipila sa mga nagagalak na tulad kong ‘instant suki’. Maliit nga ang mundo at puno ng ironiya. Kilala ko kasi ang mukha ng sinusundan kong payat na babae. Kasama niya at nakapila rin ang isang dalagita at tatlong maliliit na bata na sa tingin ko ay mga pamangkin niya; at suot pa niya (sa pagmamadali siguro) ang kanyang uniporme sa pinagtatrabahuang maliit na hamburgeran malapit sa pinapasukang paaralan ni Bunso. Naging parang totoo sa paningin ko ang malaking ngiti ng istatwa ni Ronald McDonald nang iabot sa akin ng isang staff ang stub ng libreng Mcmuffin.

KANGINA

Marso 17, 2014

dagli

 
Sasampa ang batang babae sa pinarang dyip at makikita niya ang nakabalumbon na dalawang dadaanin sa estribo. Dadamputin ng bata, at hindi isasangguni sa umaakay at nakasunod na ina, maliksing ipagtatanong sa babaing nakaupo malapit sa estribo. “Enyo po ‘to, Ale?

Kakapain ng tinanong ang kanang bulsa ng pantalon, saka kakapain ang kaliwa. Sasagot na parang nagulat. “Ay! Akin nga! Ibinayad sa akin ni Mareng Luz. Nahulog siguro kanginang pagsakay ko. Salamat, Neng!” Kukunin ang pera at ibubulsa. Hanga sa batang babae na nakangangang nakamasid ang mga kapwa pasahero.

Nakangiti at puno ng pagmamalaki, aalalayan ng ina sa pag-upo ang batang babae. Hindi magpapahalata, padadaplisan ng maliit at pinong kurot sa tagiliran.

SWEATLESS MARATHONS

Marso 3, 2014

Kahapon ay nanood ng mga pelikula. Kain at ihi lang ang naging pahinga. Nakalima (tatlong action at dalawang cartoons na pinanood kasama si Bunso) bago sinabi sa sariling “dats enap!”. Movie marathon daw ang tawag doon.

Maghapong tulog ngayon. Naghatid muna kay Bunso sa umaga, natulog na pag-uwi. Gumising ng alas dos para sunduin si Bunso, saka umidlip ulit. Ito (oo, ito nga) ang sleep marathon!

ALAS DIYES

Marso 3, 2014

dagli

Suot mo ang wrist watch ng Kuya Jigs mo. Pamana niya sa iyo. Hindi, hindi pala direktang bigay at ipinamana. Basta isinuot mo isang araw nang mapansin mong nakatabi lang sa loob ng drawer ng inyong tokador sa kuwarto. Pumapalya raw, tumitigil kapag tumatapat sa alas-diyes at nakakainis nang gamitin kaya pinagpahinga na ng Kuya Jigs mo. Nanghihinayang ka, hindi dahil isa itong modelo ng TIMEX, kung hindi dahil natatandaan mong regalo ito ng tatay n’yo sa Kuya Jigs mo nang gumradweyt siya ng haiskul. Isinuot mo nga at ipinagpaalam mo sa Kuya Jigs mo pagkatapos. Oobserbahan mo kamo at baka mahina lang ang baterya. Pumayag naman, sabay nagpakara na kung gusto mo ay sa iyo na lang. Na labis mo namang ikinatuwa.

At Kakatwa! Noong mapasakamay mo ang wrist watch, hindi mo man lang nakitaan ng pagloloko. Naghinala ka pa nga na baka ayaw na lang talaga ng Kuya Jigs mo sa relo at idinadahilan ang diumano ay pagpapalya para may maituro kung bakit hindi na isinusuot. Anuman, gusto mo pa ring malaman ng Kuya Jigs mo. Saka naman nangyari, alas-diyes ng umaga, tumigil, hindi ang pitik ng orasan, kundi ang hininga ng Kuya Jigs mo, nang gigisingin sana at abutan ng nanay ninyo sa loob ng inyong kuwarto na matigas na at hindi na humihinga. Isinugod pa siya sa malapit na ospital ngunit dead on arrival na. Hindi na siya nasagip sa kalawit ng bangungot.

Ngayon nga ay suot mo pa ang wrist watch ng Kuya Jigs mo. Minsan man, mula nang mapasakamay mo, ay hindi pa pumapalya. Iniisip mo, totoo kaya ang dahilan ng Kuya Jigs mo kung bakit hindi na niya ito isinusuot? At kung totoo man– baka premonisyon na ito ng oras ng kanyang magiging kamatayan . . .

MAPUTLA AT MALAMIG NA PALAD

Pebrero 25, 2014

Totoo kaya?

May nabasa dati sa pambalot ng tinapa na para malaman kung kasalukuyang high sa prohibited drugs ang isang tao, “tingnan kung maputla ang palad at magpahipo; kung napakalamig ang dantay sa balat kahit mainit ang panahon — POSITIVE!”

Naging gabay ito sa pakikisalamuha at tinuruang laging maghinala. Kapag may nakakadaupang palad at napakalamig ng dantay sa balat, pasimpleng titingnan ang kanyang palad. Kapag maputla — lagi nang iisiping POSITIVE sa paggamit ng droga. Kaya kung nagkataon siguro na naging pulis at na-assign sa Anti-Narcotics, mauubos sa ‘hinala’ ang mga ‘adik’ dito sa bayang sawi.

Kangina ay may nag-abot ng bayad sa dyip. Nagdaop nang bahagya ang aming mga palad sa pag-aabot ng kanyang sukli. Napakalamig! Hindi ko tiniingnan ang kulay ng kanyang palad at ayaw ko ring maghinala. Isang matandang babae!

SINTANG PURURUT

Pebrero 18, 2014

dagli

Makanini ing malilyari balang abak. Lalam ning waiting shed ning baryu, manenaya yang saken nang dyip ing dalaginding a makayuniporming pang-istudyanti. King datang na, ken yang metung a iskuwelang pribadu king poblasyun ning Baliwag magaral. E mamilagwa ing dalaginding a istudyanti, makasakbat ya king wanan nang pago ing backpack na, pabusten na la mung lalagpus king tulid na reng mamasadang saken. Ing sangkan pala, king dane gasgas a dalan papuntang taldawa, sulput ya pinandit ing bayu pang mumusbung a binatilyu. Magdala yang malating timba a pilalamnan nang pamangan babi. Karas waiting shed, king tulid ning istudyanting babai, mipagkarineng mipanlawe lamu reng adwang kayanakan; oneng king pilubluban ra, masaya na la kanita. Saka ya pa mu sake ing istudyanting babai nung atin nang dumalan a dyip. Malakwan ya king katatalakaran na ing binatilyu, sasagapan na ing asuk ampong alipugpug ning papalaut a saken na nung nu’ya makalulan ing dalaginding a kayang pipalsintan.

At makanita ing malilyari balang abak. Mipapanenaya la — mipapanenaya lamu! Ala yang gewang paralan ing binatilyu bang mibayu ing sitwasyun ra ning dalaginding a istudyanti. Miras ketang pareus na lang mikaaliwang pipalsintan. Meging tau ne ning binatilyu ing kakyalung na tulid rang bale; ing dalaginding a istudyanti, ing megi nang kapalaran, tau ya Pulilan.

E na la mikikit ngeni. Wa, e na la mikikit ngeni!

KALABIT SA SARILI 10

Pebrero 16, 2014

Kapag tumatanda pala, ang daming naiisip hinggil sa buhay at kung paano nakipamuhay; sa pagitan niyon, sasagi ang alaala ng mga taong naririto noon at ngayon ay wala, saka makikita ang presensiya ng kasalukuyang nasa tabi.

Halimbawa, kangina habang nagbibihis, pagyuko, saglit na kumirot ang tuhod ko. Nakita ko sa balintataw si Papa at Inda at Tita, hawak-hawak din ang bahagi ng kanilang katawan na sumasakit. Ano kaya ang kanilang gamot para rito? Kagaya ko rin siguro na ang generic name ay tiis. Itong si Misis na nasa loob ng kulambo, paminsan-minsan ay idinadaing ang likod niya, alam kong pareho kami ng gamot. Tiis nga. At nabanggit na lang si Misis, ang dami pala naming pagkakaiba. Matangkad ako, petite siya; pango ako, matangos ang ilong niya; wala akong selan sa pagkain, sobrang selan niya. Pero bukod nga pala sa “tiis” na gamot para sa nararamdaman, mayroon pa nga pala kaming pagkakapareho. Sa pamasahe sa dyip, muntik-muntikanang madalas kaming nabibigyan ng diskuwento. Ang pagkakaiba lang, siya bilang ‘student’, at ako –bilang ‘senior citizen’. Ngunit siyempre, biro lang itong huli.

VALENTINE’S GREETING

Pebrero 14, 2014

Isang araw, magsisimula kang magmahal at hindi aakalain na ang makatutugon ng damdamin mo ay hindi ang iniisip mong prince charming. Siya pala ang nagbabalatkayong ogre na may tagabulag at mag-aanyong maginoong prinsipe sa sansaglit mong pagkalito; magpapahalik ka at ipagkakaloob mo sa kanya ang iyong puso (hahatiin niya sa maraming piraso o kaya ay pupulbusin, saka itatapon — oo, itatapon — hanggang sumaiyo ang pakiramdam na maraming nawala dahil sa letseng pag-ibig ) at maiisip mo, ganito pala ang magmahal. Puno ng pagkabigo at luha. Para ka ring isinumpa.

Ngunit mapalad ka pa rin. Ang ogre na napatapat sa iyo ay totoo talagang nagmamahal. Hindi ka man itinira sa palasyo ngunit buo pa rin ang iyong puso.

Happy Valentine’s day!

KALABIT SA SARILI 9

Pebrero 12, 2014

Isa sa mga natutuhan ko ay iyong mahirap tanggalin sa sarili ang alinmang nakasanayan.

Halimbawa, ayaw na ayaw ko noon sa Ginebra dahil sa die-hard Ginebra fan na kapitbahay. Gusto ko lang asarin, kaya kahit anong team, basta kalaban ng Ginebra, doon ako kakampi. Asar na asar sa akin ang die-hard fan na kapitbahay. Nagkaroon ako ng maliit na libangan.

Kahit ngayon, hindi na nakatira sa dating tinirhang bahay (nawasak na), at wala nang kontak sa inaasar na kapitbahay, kampi pa rin ako sa kalabang team ng Ginebra. Wala, e. Nakakaramdam pa rin ng konting tuwa sa ginagawa.

Ngunit naiintindihan ko na ngayon kung bakit aliw na aliw tayo sa pang-aasar sa mga taong malalapit na kakilala. Iyon bang tipong maiiyak na at sumpain na tayo sa sobrang inis sa atin. Hindi, hindi dahil gusto nating makalikha ng kaaway; kundi masarap lang talaga — na madama– na mayroon tayong sense of belonging.

PAGDALAW NG MGA TAGAK

Pebrero 12, 2014

tula

 
PAGDALAW NG MGA TAGAK

Ginulat ng hapong iyon,
maraming tagak sa Matwang Ipe.
Sa ibabaw ng kalabaw, nagyabang
ang pinsang pantas sa bukid.

“Alam mo bang ang itlog ng tagak ay hindi na nililimliman?
Iiitlog ng inahin habang lumilipad, pagbagsak sa lupa,
isa nang ganap na ibon.” wika na humahagikgik.

Nakamamangha!
Hindi talaga inakala na biro.
Hanggang nitong nagkaedad lang
at nakatuklas ng kaunting kaalaman.
Kaya ginagawa na lang itong gabay
sa nakahihiligang pagsusulat:

“Alam mo bang ang tula ay hindi na nililimliman?
Iiitlog sa isip habang nagbibiyahe,
pagdating sa pupuntahan,
isa nang ganap na tula.”

Kaya natutong mag-isip,
bumiyahe paminsan-minsan
at mangitlog ng tula!

KALABIT SA SARILI 8

Pebrero 10, 2014

May mga gabi na tumutugtog ang grupong bulag kapalit ng donasyon sa madilim na daang iyon malapit sa lumang gusali ng dating kumpanyang Nikon sa Malinta Exit, Valenzuela. Hinaharana nila ang mga taong nagdaraan. Ang totoo, sintunado ang kanilang mga boses, wala rin sa tono ang bagting ng gamit nilang gitara, mga lumang awitin pa ang mga madalas nilang kinakanta. Ngunit ewan ko sa iba, sa akin ay ayos lang. Kayang pagpasensiyahan ang gayong kaliit na kakulangan gaya ng kanilang kapintasan. May pakiramdam pa nga na lugi yata sila sa kanilang ginagawa. Iniisip ko ang isang maliit na konsiyerto sa isang mapanglaw na daan, dinadaanan ng mga animo robot na walang tenga at mata, o ng mga kulang palad na makadukot sa mga sariling bulsa. Guilty ako sa bahaging ito. Kasi, sa mga gabing naroroon sila, sakay naman ako ng shuttle bus ng pinapasukan kong kumpanya, kampante sa pagkakaupo hanggang maihatid sa Monumento. Tanaw lang ang nagagawa ko mula sa bintana. Saka ang mag-asal na may malasakit na gaya ngayon na kinakalabit ko ang sarili. Itong huli, mukhang kailangan ko talagang gawin. Sa ganitong paraan man lang, masabi kong hindi ako naging bulag na hindi nakita na sa sintunadong tinig ng grupong iyon na umaawit kapalit ng donasyon, sila pa, sa kanila ngang awit, ang higit yatang nakapagbibigay ng limos sa mga nagdaraan sa mapanglaw na pook na iyon.

At walang ginawa/nagagawa ang marami (hindi nga ako) kapalit ng inilalako nilang tinig.

KALABIT SA SARILI 7

Pebrero 6, 2014

Peborit ko ang kamatis kaya may pakiramdam akong ‘napagdadamutan’ na bawal pala ito kung mataas ang uric acid; bawal din pala ang mani (paborito kong kutkutin kapag nagbibiyahe); at isinama pa talaga ang sitaw (kamanyang sa kapampangan na kinababaliwan ko sa lutong adobo). ibinawal na yata lahat kakutsaba itong tuhod ko at bewang na nakakaramdam ng kirot sa tuwing nakakakain niyong mga ‘ipinagbabawal’.

Masarap ang ulam kangina. pritong manok. may mufran (tawag ko sa ketsap) at mang tomas sa ref, pero pinakapili-pili ko ang ‘nagtatagong’ mapipintog na kamatis upang gawing sawsawan. Tunay na matigas talaga ang ulo ko!

Ngayon, alam ko na, kumbakit kahit bawal na bawal din, marami ang natutukso at naglulunoy sa kasalanan. Pilosopong sagot, siyempre (kahit hindi naman talaga uubra): “Puwede namang mangumpisal at humingi ng tawad.”

At sa kaso nitong mamaya lang ay mananakit ko na namang bewang at tuhod, patawarin ang sagot ko kahit hindi uubra: “May anting-anting akong katinko.”!

DUNG

Pebrero 3, 2014

This blunt memory has caught you off guard. You thought it’s long dead; but a mere fart from a stranger in a jeepney rekindle the old itch. Now, you do remember. It is suprising that you indeed could still remember; and writing a few sentences. And this is how line of thought kempt and waited long years before it came out.

You were among those that laughed hard about Condrando’s excretion in the middle of the class. Actually, the whole class did, even the teacher. Imagine an underwear with a stain of dung waving around the class. This embarrassed the guy. And hanged himself the next day.

And his memory never gave you true absolution ever since.

DALOY NG ISIP 7

Disyembre 16, 2013

Minsan, may makakasabay ka sa biyahe na sa mukha mo lang kilala, makakatanguhan mo, magiging pilantropo na dudukot sa bulsa at ililibre ka sa pamasahe, makakakuwentuhan saglit tungkol sa chess at ilang bagay, bababa sa susunod na kanto, ihahatid mo ng tingin sa kanyang paglalakad sa lansangan hanggang sa ganap na maglaho, saka mababatid na nakalikha ng pitak sa iyong gunita.

UNFAITHFUL WIFE

Nobyembre 6, 2013

dagli

 

Nakasulat sa likod ng upuan ng bus na biyaheng LETRE-BACLARAN:

Abeth, 

Gs2 qu lng mlamn mo n mhal dn kta. . .kaso hndi tau pwde. Me aswa kong tao, me aswa ka rin. Tma na. Wag na lit taung mgkita. Paalam.

Cynthia

P.S

Msarap kng mgmahal kesa knya.

KALABIT SA SARILI 6

Nobyembre 2, 2013

Sa bus, kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang paniniket ng kundoktor sa mga pasahero. Parang musika sa tenga ang mga pagbanggit sa mga pamilyar na lugar at ang tunog ng binubutas na tiket.Cabio po, apat, kaming tatlo at iyong babaing mataba sa upuang iyon. San Simon, dalawa, istudyante. Arayat, senior. Sta. Ana. Laug.San Carlos. Piring.

Malapit na sa tapat ko ang konduktor, sasabihin ko, Sto. Domingo bilang ambag na tunog sa awiting nabubuo sa aking isipan. Ngunit gusto ko munang ituloy ang pagpikit. Gusto ko munang namnamin ang saliw ng nalilikhang tunog na mga itong kayang pataubin ang alinmang sikat na kanta ng One Direction.

KALABIT SA SARILI 5

Oktubre 29, 2013

Kanginang hapon, nakipaglaro ako ng chess sa may edad nang lalaking madalas kong nakakalaro ng chess sa Pantalan (tabing dagat kaya iyon ang tawag sa lugar). Malakas siyang manlalaro. Kung karaniwang araw lang, tabla lang ang magandang magagawa ko. Ngunit kangina, pambihira, apat na beses ko siyang tinalo na walang palag! Tutok talaga at ingat lang ang sikreto. Sabi ko sa kanya, tiyamba lang at wala siya sa mood kaya nagkagano’n. Tinanggap niyang gayon nga at maluwag sa loob siyang ngumiti. Umuwi na ako para gumayak nang pumasok sa trabaho.

Hanga ako sa nakalaro kong may edad nang lalaki. Maluwag niyang natatanggap ang pagkatalo sa mahinang manlalaro na kagaya ko. Ako, iba. Aaminin ko. . . hanggang ngayong sandaling ito ay nasa isip ko pa rin ang naging pagkatalo ko sa ginaganap na annual chess tournament sa pinapasukan kong pabrika. Noong sabado lang nangyari. Blunder. Nakainan ako ng mahalagang opisyal sa end game. Tuwang-tuwa ang kalaban ko. Parang leon na lumalapa ng tupa. Kay lakas ng ungol! Defending champion ba naman ang biktima. . .

Ang saklap!

BENHUR LUY AND HIS KIND

Setyembre 15, 2013

tula

 

sure, being

a whistle blower

won’t make you a saint,

but atleast, you would

able to take a shield

against your fellow

devil’s wrath;

now, you can

throw the dice

in your favor

KALABIT SA SARILI 4

Setyembre 11, 2013

http://ph.news.yahoo.com/child-bride-yemen-dies-internal-bleeding-wedding-night-165832059.html

Pambihirang kultura!

May tawag dito kung sa bayabas. Bubot (o iyong murang-mura) at paputukin (kung manibalang). Solb at aprub kung manibalang, masarap nang kagatin at may tamis ang lasa pagdantay sa dila. Sa bubot, kakailanganin mo pang idildil sa asin para matalo ang lasang mapakla. Ngunit sa probinsiya noon, bubot man o paputukin, pagagalitan ka ng Lolo Toto kung pupupol ka sa bakuran. Aasbaran ka niya ng palo. Saka lilitanya, “Diyaskeng bata, ire! Ba’t ‘di pahinugin nang husto’t nang pati mga ibon ay makinabang!”

Ngayon– dahil hindi bayabas itong bata sa link, lupa na lang ang sa kanya ay magpapala.

Murit la!

SILONG

Setyembre 10, 2013

tula

 

kaunti na lang

ang malalaking punongkahoy sa lungsod.

sinagasa at pinadapa na ng kaunlaran.

iyong iilan na natitira pang nakatayo,

may iba na ring silbi

bukod sa ibinibigay na silong.

maliliit na ang mga nakahapong kapre.

hindi nananabako kundi nagra-rugby.

subukan mong tumingala–

aambon ng dura!

ALINGAWNGAW

Setyembre 6, 2013

tula

 

magnanakaw!
magnanakaw!
magnanakaw!
magnanakaw!

animo mantrang inuulit-ulit ko
layong ipaalam sa lahat
madilim mong pagkatao

ngunit ano’t parang uhuging sutil
naririnig ko ang aking sarili
ganito ang binibitawan at sinasabi:

kaw!
kaw!
kaw!
kaw!

KALABIT SA SARILI 3

Setyembre 1, 2013

Binalak ko kagabi na gumising nang maaga at mag-jogging ngayong araw. Kaso, napasarap ako sa panonood sa isinapelikulang buhay ni Bruce Lee na ginampanan ng mismong sariling anak na si Brandon Lee. Medyo corny at over acting pero okey lang. Gusto ko lang namang malaman ay kung paano siya namatay.

Tinadana! Akalain mong pati iyon ay ipagkakait sa akin? Basta sinabi, na-coma, tapos, ending na. Ang gusto raw maalala ng narrator ay kung paano siya (Bruce Lee) namuhay at hindi ang kanyang kamatayan.

Okey, aamininin ko na lang, ang gusto ko lang sa pinanood ko, nalaman kong naging gulay pala si Bruce Lee sa isang martial arts competition bago naging artista. Sinabihan ng doktor na hindi na makatatayo at makalalakad pa, ngunit dahil sa therapy at pag-ibig (take note: pag-ibig!) ng asawang Amerikana, aba e, nakatayo at nakalakad at naging artista pa! At iyong gumulay sa kanya, iginulay din niya sa isang martial arts exhibition. Ang lupit no’n! Nasa utak ko pa nga. Pag-ibig. ..solb na ako na hindi nakagising nang maaga at nakapag-jogging. Palulusugin ko na lang ang sarili kong pag-ibig.

Hindi ko iboboto si Mar Roxas sa 2016!

BER MONTHS

Setyembre 1, 2013

dagli

Taon-taon, walang nagbabago.

Pagkagising ay isisigaw mo: “Merry Christmas!” At magsisimula ka nang mag-count down. Kung sisipagin, magsisimula ka na ring magpatugtog ng mga awiting pamasko. Pipiliin mo iyong mga lumang-luma. Iyong inihihimig ng mang-aawit na “nagkakapatawaran ang mga tao”, na “nagbibigayan at nagmamahalan ang lahat”. Maiisip mo ang mga kaaway mo, mga inaway, mga aawayin pa at mga pagsusungitan at pagdadamutan. Ber months na. Maiisip mo, madali namang magpatawad at humingi ng tawad, madali ang magbigay. Nasa paligid lang ang simoy at diwa ng papalapit na kapaskuhan.

Samantala, gigising ka muna bago mo magagawa ang mga ito. Kikirot ang baluktot mo nang buto sa likod sa pagtangka mong tumayo. Sisigid ang sakit sa utak mo. Isisigaw mo: “Pesteng rayuma!”

tula

sa totoo lang, ganito
ang panliligaw kapag may karibal:
 
parang pakikipaghilaan
sa lubid sa larong tug of war.

hihilain mo,
hihilain niya.

dapat ubos-lakas kayo pareho
sa makapugtung-hiningang paghila.

hanggang magiting ng lubid ang mga palad
o hanggang sa tuluyang maglintos.

sa pagputok ng lumobong lintos,
saka mo mababatid ang saya na nagawa:

maiyayabang ang sariling lakas
kasi nga humila at lumaban.

sukdulan ka mang mabuwal
sukdulan mang maging luhaan.

ang masamang balita lang–
ang puso ng sinta ang siyang magpapasya.

 

KAYBAT NING ALBUG

Agosto 22, 2013

tula

magparagan yang tapang
ing misakab a balayan:

titikad-tikad nang sisinup
ning mangaskad a gaindung pusa
reng pakamalan nang kuting.

bandera neng makatas
ing iki ning makaung a asu
magtumaila at e ne magbitaul.

batalyon lang misasaup
magsalansan pamangan
reng maranup a panas.

titigtig lang dalit-suyu
retang mengapirat
a bulung saging.

mumuma ya king gabun
ing kakawakawate
lulsut-lulbug a bulati.

ume neng maglantang
ing megkalag sapot
a mitutundung babagwa.

at umeng mibabalik
ing maglimayung musa
ning barubal a poeta.

awa! milalantang pasibayu
ing aske ning pag-asa
kaybat ning albug.

PILOTO

Hulyo 14, 2013

dagli

Maririnig mo habang gumagayak kang lumabas para pumasada ng dyip:

“Third year ka na, ‘di ba?”

“Oo, third year na.”

“Next year pala gagradweyt ka na. Ano’ng kurso ang balak mong kunin sa college?”

“Piloto.”

“Piloto? Sure ka? Nagpapalipad ng eroplano iyon. . .”

“Sure na. Iyon talaga ang pangarap ko.”

“Sure na sure?”

“Sure na sure!”

Matitigilan ka sa pagsisintas ng sapatos mo. Mapapatayo ka at susulyapan mo sa bintana ang dalawang binatilyo na nag-uusap sa harap ng inyong tarangkahan. Makukumpirma mo ang panganay mo at ang kalarong binatilyong kapitbahay. Tatapusin mo ang pagsisintas ng sapatos mo. Bibitbitin mo sa kanang kamay ang kahon mo ng baryang panukli. Sisigaw ka ng pagpapaalam sa martir mong asawa na nagluluto ng hapunan sa kusina. Kakaway ito sa iyo. Maglalakad ka palabas ng bahay at madadaanan mo sa tarangkahan ang panganay mo at ang kapwa binatilyong kapitbahay. Tatapikin mo ang balikat ng panganay mo. Ngingiti ito sa iyo at magmamano. Itutuloy mo ang paglalakad hanggang sa marating mo ang ipinapasada mong dyip sa kinapaparadahan nito sa kalsada. Uupo ka sa driver seat. Pupunasan mo muna ng basahan ang dashboard ng dyip, ang side mirror sa gawi mo, ang rear view mirror. Mababasa mo, habang nagpupunas ka, ang sticker na ikinabit mo malapit sa manibela na tumutukoy sa kung ano ka sa dyip na ito: “PILOTO”. Mapapangiti ka. Maiisip mo ang panganay mo at ang narinig mong pangarap niya. Maiisip mo, parehas na parehas sa naudlot mong obsesyon. Ewan ngunit makakaramdam ka ng ligaya at dagdag na lakas. . . gaya ng makina na nasalinan ng dagdag na gasolina.

Masaya mong i-start na ang dyip. Itatapak mo nang buong sigla ang payatot, na-polio mong kanang paa, sa silinyador ng sasakyan. Lilikha ito ng ingay. Tunog na sa wari mo ay ugong ng makina ng eroplano.

KALABIT LANG SA SARILI 2

Hunyo 16, 2013

Kunwari ay isang mabuting ama ako ngayong araw. Naghatid ng lunch para sa aking panganay, kasabay ay bibitbitin kong pauwi ang aking bunso. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa eskuwelahan. Sa pagpatay ko sa inip, naihambing ko ang sarili sa pailan-ilang mga mag-aaral sa paligid. Nagbabatobato pick ang dalawang preschool, naghahabulan ang tatlong elementarya, nagtatawanan dahil marahil nagkakabiruan ang magkakabarkadang haiskul, tatlong kolehiyala ang pumapalo ng volleyball sa lawn, at ako , matanda sa kanila — pinupulbos ang utak sa larong chess sa selpon. Naisip ko, katawan lang ng tao ang lumalaki at tumatanda. Ang isip, gaano man kalaki ang pag-unlad, hindi nakawawala sa hilig at pakiramdam ng isang bata.

KALABIT LANG SA SARILI 1

Hunyo 15, 2013

Isang guro sa haiskul ang hindi ko nakalilimutan. Ang totoo, hindi ako nagagalingan sa kanya. Panay kuwento at history. Nakakaantok. Tanyag niyang linya na kinukudkud ko at pinipilit alisin sa bao ng aking ulo: “Tratuhin ng maganda ang sarili kapag may okasyon. Humarap sa salamin at kayo ang unang bumati sa inyong sarili kapag may okasyon.” Ganito raw ang ginagawa niya kapag bertdey niya, Valentine’s day, Pasko, Bagong taon at iba pa.

Hindi ko alam kung buhay pa siya ngayon. Gusto ko sana siyang sumbatan. Gusto ko sanang sabihin: “Ser, sa klase mo noon, ako ang unang nakakatulog. Ako ang unang-unang nakakarating sa mundo ng panaginip. Wala akong natutuhan senyo, Ser. Wala!” At hindi ko aaminin na ginagawa ko sa sarili ang bilin niyang gawin sa tuwing may okasyon. At, sa natuklasan kong obsesyon sa pagsusulat — paminsan-minsan ay nagtutungo ako at naglulublob sa itinuro niyang lugar sa panaginip. Saka ako lalayo at mahinang-mahinang ibubulong para hindi niya marinig: “Salamat!”

Kalabisan nang aminin na may natutuhan pala ako sa kanya.

KALAYAAN

Hunyo 12, 2013

tula

 

WAWA

 

bukas na tarangkahan
mataas na pader
makipot na daan
dead end magkabila
at mga asong
sanay manlapa
nakaliligaw maglakad
sa disenyo ng malaya

NASABI KO BA?

Hunyo 12, 2013

tula

nasabi ko na ba sa iyo
sobrang tigas ng ulo ko?

tatlong beses nang napatunayan,
ibang klase ang tibay.

una, edad walo, kumakaripas ako ng takbo,
binangga ko ang nakahimpil na motorsiklo.

(maliban sa tinamong putok sa ibabaw ng kilay,
walang masamang pinsala sa katawan.)

ikalawa, edad sampo, aksidente–
napalakol ng isang lalaking kaklase.

(nadapa at naiandot ang noo
sa pinanggagambul niyang piko.)

ikatlo, edad labing walo, superman ang peg ko,
pinalipad mo sa hagdanan n’yo.

(tuwang-tuwa ka pa, mahal ko
sa dalawampung tahi ko sa bungo.)

nasabi ko na nga ba sa iyo
sobrang tigas ng ulo ko?

ngayon, edad apatnapu, matapos ang sanlibong pagkabigo,
patuloy pa rin akong nagsusumamo.

(hindi takot ang bungo ko, mahal ko. . .
sa shotgun ng asawa mo!)

OPYO

Hunyo 12, 2013

tula
alin ang malakas tumalab
shabu o malambing na babae?

EKSENA SA BADEO

Hunyo 12, 2013

tula

apat na batang lalaki
ang may sariling laro
sa tinatampisawang makutim na tubig
sa basurahang ilog.
dinig ang halakhak nila
maharot na kagalakan
nagpapatirapa
habang tumatawid ang bangka
sa lilipatang ibayo.
seryoso ang huklubang bangkero
sa makupad na pagsagwan.
iniiwasan ang mga sagabal:
waterlily, nakalutang na plastik, gamit na diaper,
lata ng sardinas, naaagnas na hayop, at–
halakhakan ng apat na bata
na may sariling laro
sa tinatampisawang tubig
sa basurahang ilog.

MASALIMUOT NA PANAGINIP

Mayo 26, 2013

Naiwala ko sa sinakyan kong nagyeyelong bus ang selpon kong haytek. Hindi ko alam kung bakit lumusot sa nagkabutas kong palad habang ako ay nagteteks. Pinanghinayangan ko ang mga naisulat kong marami-rami na ring notes. Parang buong pagkatao ko ang nawala.

Nakatayo ako sa estribo, akma nang bababa. Biglang naging isang bakuran ang kinatatayuan. Tinatanaw ko ang isang matandang punong sampalok, dalawang yakap ko ang laki ng katawan. Kakatwa na gayon na pungos (pinutol marahil ng may-ari) ang dakong taas, walang mga sanga at walang mga dahon, namumutiktik naman at mapipintog ang mga bungang nakasabit sa katawan.

Pumitas ako ng isang bunga. Naging lumang retrato sa aking hawak at hindi ko makilala ang lalaking nakapostura sa papel. Parang ako. Ngunit sa kilatis ko ay ang tatay ko yata. Sa huli — inangkin ko na ako nga!

Saka nag-alarm ang selpon sa uluhan ko. Hinihingal akong nagising. Natuwa sa pagkakabatid na panaginip lang ang tungkol sa selpon na nawawala.

Ngunit ngayong gising, sa kalooban ko — may bagay nga yata sa akin na matagal nang nawawala. . .

ANG BATANG LALAKI

Mayo 26, 2013

Kagabi, nakasalubong ko sa eskinita ang isang tumatakbong batang lalaki. Muntik pa nga niya akong masagi sa kanyang pagmamadali. Iyon pala, hinahabol siya ng ilang tambay. Kung ano ang kasalanan ng bata, nalaman ko sa narinig kong sigaw-banta ng isa sa mga nakikihabol. “‘Tang’na mong loko ka. Iilawan mo pa ng flashlight ang mga mata namin. Lagot ka ngayon!”
Hindi ko alam kung inabutan ng mga humahabol na tambay ang batang lalaki at kung ano ang ginawa sa kanya. Ang alam ko lang, parang nakita ko ang sarili ko sa kanya. Sa sobrang kulit, inilawan ko rin noong bata ako ang ilang grupo ng kalalakihan sa tindahang pinagbilhan namin ng katol ng isa kong tiyahin. Brownout kasi at naaaliw akong patamaan ng liwanag ng flashlight ang madilim na kapaligiran. Nagalit sa akin ang tiyahin ko. Kinuha sa akin ang flashlight at humingi ng dispensa sa mga lalaki. Nakangiti lang ang mga ito sa amin. ginulo pa ng isa ang buhok ko. Ang sabi,”ala pung danyos ita, ” (wala pong problema).

Pagkauwi, panay ang kurot sa akin ng tiyahin ko. Hindi ko raw ba alam ang aking ginagawa? E kung pinaputukan daw kami ng mga iyon? Nagtaka ako. Saka ko lang nalaman, sa paliwanag din niya (hindi ako mahilig mag-obserba), na mga hukbo pala ang mga lalaki.

Matagal na iyon. Halos nakalimutan ko na nga. Naibalik lang sa alaala sa pangyayaring nakasalubong ko kagabi ang isang batang lalaki na hinahabol ng ilang tambay sa kasalanang pinailawan sila ng flashlight sa mata.

Magkaiba ang henerasyon namin ng batang lalaki. Maaaring suwerte ako at malas niya. Sa asal ng aming mga pinagkasalahan, ang maliwanag lang — iba ang may inilalabang prinsipyo sa wala.

 

OASIS

Mayo 20, 2013

tula

ganito pala, mahal ko
itong tinatawag na dehydrated
zombie ang peg
katawan ay parang tuyot
tinatakasan ng sigla
‘di maubos ang uhaw
at animo’y nakadarama
ng papalapit na kamatayan.

oo, mahal ko
ito ang pakiramdam
lagi nang pakiramdam
ng tinitistis sa init
at nagkukulang sa dilig
alaala ng pag-ibig mong
huwad na oasis.

PLATO

Marso 9, 2013

Aral sa isang ina:
May lihim sa nawawalang pritong hotdog na inihain. Lalo at sakto lang sa dalawang tsikiting. Hindi tama na laging pusa ang sisihin. Pagmasdan muna ang mga plato at umbok ng kanin. Kung halos wala pa sa bunso at bundok na sa isa, silipin ang matapat sa gitna ng piging.

ELLIPSIS

Pebrero 24, 2013

 

kung aksidenteng,
ang dating kasuyo,
makakrus muli ng landas
ituring mong kapalaran
at mapalad
sa pagkakataong
madadampian ito ng halik
at higit pa sana roon
dangan lamang at malabo
iilan ang mapapalad
iilan ang nakababalik
matapos ‘di huminga
nang matagal

IMPORTED O BATANGAS

Pebrero 3, 2013

“Masarap ang inihaing kape,” sabi ng nasisiyahang mga bisita. “Imported siguro. O kaya, Batangas.”

Sa kusina, nakadikit pa ang ilang natutong na bigas sa kawaling may kipkip sa sikreto.

ANG DAHILAN

Pebrero 1, 2013

Nangangapa ang SOCO sa motibo kung bakit pinagtulungang patayin ng nag-iinumang barkada ang kapitbahay na napadaan. Matitigas at ayaw magbigay ng salaysay habang walang abogado ang mga suspek. Sarado rin ang bibig ng ilang tinatanong na kapitbahay.

Sa gitna, nakanganga ang bibig na parang gustong magsumbong at ituro ng pinalutong na litson ng ulo ng baboy ang kapirasong laman at bahid ng mantika sa kanang kamay ng biktima.

REPLEKSIYON

Enero 31, 2013

Bilin ng matandang ermitanyo, isalok ng binata ang timba sa nag-iisang balon sa itaas ng inaakyat niyang bundok. Ipakikita raw sa binata ng repleksiyon ng tubig ang anyo ng taong mamahalin at pakamamahalin niya habambuhay.

Dismayado ang binata sa repleksiyong nakita.

“Gago at sinungaling ang matandang ermitanyong iyon, ” sabi niya sa sarili. “E, mukha ko lang naman itong nakikita ko . . .”

BANQUERO

Enero 31, 2013

 

tula

Tubig sa ilog na kulay
kapeng nahaluan ng gatas
Bangka
Sagwan
Matandang bangkero
Wala!
Walang nagpapatawid sa ibayo

Nakabuwal na punong kamatsile
Maliit na palakol
Nagliliparang tatal
Salansan ng kahoy
Matandang bangkero
Wala!
Wala pang nagpapatawid sa ibayo

Malinaw at payapang
agos ng tubig sa ilog
Nakataob na bangka
Nakatihayang sagwan
Matandang lalaking nagtatabas
ng tumubong talahib sa pampang
Wala!
Wala nang nagpapatawid sa ibayo

Hitik at namumutok na bunga
sa matinik na puno ng kamatsile
Bubuli na nakalabas ang dila
Nangalawang na palakol
Nasasaid na salansan ng kahoy
Matandang babaing nagpapainom
ng gamot sa may sakit na asawa
Wala!
Wala nang tumatawid sa ibayo

tula

 

Danum ilug a culeng
capeng mialuuang gatas
Bangca
Bagse
Matuang banquero
Ala!
Alang papadalaquit atba

Macaragsang impung camatsilis
Malating palacul
Susulapong tatal
Talacsang dutung
Matuang banquero
Ala!
Ala pang papadalaquit atba

Malino’t paiapang
agus ning danum quing ilug
Macasaquindang bangca
Macadalangat a bagse
Matuang lalaquing manabas
tinubung talaib quing pampang
Ala!
Ala nang papadalaquit atba

Cumpul at bucang a bunga
quing masucsuc a impung camatsilis
Tarebalac a makalauit dila
Masasaid laman a talacsang dutung
Mangalauang a palacul
Matuang babaing magpainum panulu
quing misasaquitang asaua
Ala!
Ala na taganang dadalaquit atba

ALULONG

Enero 22, 2013

dagli

“Umaalulong ang mga aso,” wala sa loob na wika ng ama habang nanonood ng pantanghaling balita sa TV.

Buong kainosentihang panay ang silip sa bintana ng anak na lalaki na maglilimang taon. Tinatanaw ang mga alaga nilang si Bagsik at si Balat na masasaya’t naglalandiang kinagat-kagat ang nilalaro nilang kabiyak na tsinelas sa bakuran.

“Nag-uulyanin na yata si Tatay. Nagsasalitang mag-isa,” napapakamot pa sa ulong sabi ng batang lalaki sa kanyang sarili. Nag-aalalang nakatingin sa amang walang tigil pang napapabuntunghininga sa pinanonood na balita.

Iniuulat sa TV:

Pagbaba ni Enrile sa pagkapangulo ng Senado.

Mosyon at apela ng mga senador na kapanalig.

Interbiyu at pag-iingay ng mga kumakalaban namang senador.

dagli

 

BITAUL

“Magbitaul la reng asu,”  ala queng lub nang nga na ning pengaring lalaqui cabang manalbe iang pang-ugtung balita quing TV.

Mipmung capagmulalang miquit ing silip na quing auang ning anac nang lalaqui a maglimang banua. Paniglauan na la reng sese rang i Bagsic ampong i Balat a masaia’t mitatalandiang quiquinis-quinisan de ing pamiialungan rang cabangal a istepin quing solar.

“Mag-uliianin ne iata i Tatang. O’t magsabi-sabi ne, ” nga nang mipapagamus pang buntuc ning anac a lalaqui quing caiang sarili. Macalaue iang migaganaca quing pengari nang lalaquing alang patnang magsaldac pang pangisnaua diquil quing albaian nang balita.

Papasinag quing TV:

Pamanguldas nang Enrile quing pangapresidente ning Senadu. 

Mosiiun ampong apela da retang capanalig a senador. 

Interbiiu’t gulasiu da reta namang senador a cocontra.

DALOY NG ISIP 6

Enero 7, 2013

Pinakasalan niya ang babaing pinakamamahal. Mula noon, araw-araw siyang isinisilang.

DALOY NG ISIP 5

Enero 7, 2013

Pinatutugtog niya ang album ng Hillsong tuwing umaga. Araw-araw na langgas sa ginagamot niyang kaluluwa.

DALOY NG ISIP 4

Enero 7, 2013

Ituring ang buhay gaya ng pagtikim ng kalamay. Gawing malagkit ang hawak sa bagay na pinapangarap. Gawing latik ang mga kabiguan at mga tagumpay. Sa ganito nagkakalasa ang bawat danas at pakikipagsapalaran.

tula

nakita ang kislap
at kinang ng ganda
sa mga matang may eyebug

nagtagpo sa eden ng tuwa
tinginan nating banlad
sumabog bigla sa paligid
hiwaga ng pag-ibig

saglit na ipininta
ang buong ikaw
sa kitid ng isip:

mala-birheng mukha
mahabang buhok
matangos na ilong
manipis na labi
petite na katawan

naramdaman ang haplos
at lugod ng pagsuyo
oo
ikaw
ikaw nga
itong tinatawag na pag-ibig

SI PACQUIAO AT SI MARQUEZ

Disyembre 10, 2012

PAC

Losing a knock out. Getting knock down is not death.
— Bob Arum

Tanda ko pa ang isang nasulat kong komiks iskript(2010 pa at nailathala sa magasing Liwayway). Ang pinagkunan ko ng inspirasyon ay si Pacquiao. Kasikatan niya. Iyong tipong walang sinumang makatatalo. Pinaglaruan ko sa paglalahad. Sa iskript, ipinadukot ko sa isang alien (talunang boksingero sa kanilang planeta) si Pacquiao. Ininom niya ang dugo nito upang kaipala ay maisalin sa kanya ang katangiang bilis at lakas manuntok. Napasakanya nga ang mga katangiang iyon. Bumilis siya at lumakas. Ngunit tinalo pa rin siya ng kampiyong boksingero noong magkaharap sila. Praktisado kasi ito at pinaghandaan nang husto ang laban.

Ganito ko nakita ang PACQUIAO/MARQUEZ 4 na ikinatalo ng Pambansang Kamao. Paghahanda. Gutom. Determinasyon. Dangal. Sariling kakayahan. Mga katangiang nagsabit ng tagumpay sa Mehikano at nagpatalo sa dakilang boksingerong Pilipino.

Hindi ko iisipin iyong lucky punch. Bahagi ito ng laban. Kaya nga dapat na maging maingat. Hindi ko iisipin iyong rosaryo na hindi nakasabit sa leeg. O ang pag-iiba ng paniniwala. Wala naman daw talagang tama o mali kung ito ang pag-uusapan. Ang iisipin ko ay ang dalawang boksingero sa oras na iyon ng kanilang laban. Gusto kong isipin na nasilip ko ang kanilang mga puso. Parehong naroon, matining lang ang bomba ng dugo sa bahagi ng Mehikanong boksingero na may nais patunayan pagkatapos ng tatlong ulit na pagkakabigo.

Losing a knock out. Getting knock down is not death.

Tama marahil ang promoter na si Bob Arum. Bata pa at may ibang pagkakataon pa ulit para kay Pacquiao kung gugustuhin nitong makabawi.

Gusto ko ring isingit dito ang paborito kong linya sa librong ‘The Old Man and the Sea’ ni Ernest Hemingway. Ang sabi: “A man can be destroyed but not defeated.”

At kaugnay nito, itinataas ko ang aking pagsaludo sa dalawang ito na iilan sa magigiting na boksingero ng ating panahon. Para sa akin, bukal sila ng halimbawa na marapat lang paghalawan ng inspirasyon.

Mabuhay!

DALOY NG ISIP 3

Disyembre 9, 2012

Bakit kaya?

Iyang pangarap, parang isang bagay na habang wala pa sa iyo, gustung-gusto mong maangkin. Gagawin mo ang lahat, sukdulang baligtarin ang mundo, makamtan mo lang. Ngunit kapag nasa palad mo na, tila nawawalan na ng halaga. Matutukso ka sa higit na malaki at maganda.

Bakit nga kaya?

PAMANLALAWE

Disyembre 9, 2012

dagli

Misdan ya ing idad atlung banwang anak a Ofring kening ababatyawan na menibat king katatalakaran nang babo eran. Ala pa mong sulu king lalam bale. Atiyu karin. Asneng katuling. Miki sagu ya pa yata king lawe na. Pakyapusan na balang kimut na. Kuldasan na ne sang Ofring oneng balang takbang yang patipa keng balitang, pipildis yang palaut ing lamaran! Limbug ya pa ini, linati at pinakat king gabun karas na ning anak a Ofring king lalam. Na siyempre, memye kapagmulalan kaya.

“E ka migaganaka. Anino me mu ita,” ngana ning ima na king kayang kagulutan. Tuturu ne ngeni ing pupundat-pundat a bombilyang inkandesent babo bale. “Ibat babo, tatabi ne ning sulung ita ing repleksiyon mu. Na nung nanu man ing akit mu lalam, dipende ya king kekang pamanlawe. O, mii na ka. Ume ta nang matudtud.”

Babo bale, kayari nang mii, amalinawan ning anak a Ofring ing sinabi ning kayang ima. Tutu pin. Tatabi ne ning bombilyang inkandesent ing repleksiyon na ampong ing repleksiyon na ning aparadur king kayang kagulutan.

King lawe na ning anak a Ofring, bangka ya ing aparadur, at pasake ya — kabang lalabulan da la na ning angin king dayat ning dalumdum.

DALOY NG ISIP 2

Disyembre 2, 2012

Bakit ganu’n?
Nagbukas ka ng pekeng FB account. Ini-add mo sa friend list mo kahit hindi mo kilala. Ang dami na. Umabot na ng apat na libo. Dinaig mo pa ang sikat na tao. Na post ka nang post ay like sila nang like. Ngunit pakiramdam mo pa rin ay wala kang kasama.
Bakit ganu’n?

DALOY NG ISIP 1

Disyembre 2, 2012

Bakit ganu’n?
Nababasa mo sa newsfeed na binabati ng ex mo ng ‘Happy Anniversary’ ang bago niyang girlfriend. Matagal na kayong wala. Katunayan ay two years old na ang panganay mo sa ibang lalaki. Na nababasa mo sa newsfeed na anibersaryo pala ngayon ng ex mo sa iba, kung bakit nakadarama ka ng kirot sa dibdib.
Bakit ganu’n?

KAY ANDOY

Nobyembre 30, 2012

DIYONA

 

napunggal na ang itak

ngunit may kislap pa rin

talim ng paghahangad

IT’S A BEKI WORLD

Nobyembre 28, 2012

dal

Galit siya sa mga bakla. Noong nakaraang taon, binugbog niya ang kanyang bestfriend nang malaman niyang ito ay beki at kaya siya kinaibigan ay trip siyang gawing papa. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang bunso niyang kapatid na lalaki. Pinalulon niya rito noong isang buwan ang hawak nitong lipstick nang kapwa sila magkagulatan sa kuwarto na nagpapahid ito sa labi. Kangina, sobrang sama ng kanyang loob. Mangani-ngani niyang kunin ang itinatago niyang baril at paputukan ang kanyang ama. Nakapagtimpi lang siya. Ang tagal silang niloko! Miyembro pala ang buwakang-inang ama niya ng pederasyong kinasusuklaman niya. Hindi ito makapagkakaila. Sariling mga mata niya ang nakatuklas. Sa isang motel, nagkataong magkatapat ang mga kuwartong nakuha nila. Tiyempo na sabay na sabay din ang paglabas nila ng pinto sa pag-check out. Kasama niya ang kanyang nobya, ang sa kanyang ama, isang kabataang lalaki. Putlang-putla ang kanyang ama. At dahil doon, pakiramdam niya ay bigung-bigo siya. Idinagok kasi sa kanya at pilit ibinubuwal ng pangyayaring iyon ang mga itinatayo niyang mga sariling pagkukunwari.

GUNAW NA MUNDO

Nobyembre 28, 2012

Umuulit na panaginip. Matandang bahay. Aklat. Notbuk. Bolpen. Lolo. Kinakayas na mga dahon ng buko. Basketball court. Nagtatakbuhang kabataan sa patyo ng simbahan. Kandila sa prusisyon. Sutana. Dalagitang ubod nang tamis kung ngumiti. Umuulit na panaginip. Sa gabi — at maging sa tanghaling natutulog ako. At bago magising — hahalik sa hangin ang dalagita, sa gitna ng napakatamis niyang pagngiti. Umuulit, sa panaginip na lang, ang kulay ng nagunaw nating mundo.

(salin sa kapampangan)

MELASO YATU

Miuulit-ulit a paninap. Matwang bale. Libru. Notbuk. Bolpen. Apung lalaki. Kakayasang bulung buku. Basketball court. Mamulaying kayanakan king patyo ning pisamban. Kandila king prusisyun. Sutana. Dalaginding a mayumung tumiman. Miuulit-ulit a paninap. Neng bengi — agpang neng ugtung matutud ku. Saka bayu migising — mumuma ya king angin ing dalaginding, libutad ning kayang asnang yumung timan. Miuulit-ulit, ken na mung paninap, ing kule ning melaso tang yatu.

HIPOKRISIYA

Nobyembre 18, 2012

krismas tri

Pasko

Isang pista

Maluhong paligid

Liga nating ipokrito’t

Manhid

SEVENLING (AMALAYER)

Nobyembre 18, 2012

Ibang klase talaga ang mga ipokrito.

Akalain mong kondenahin nila
ang nagpupuyos na galit ng bulkan,
pinapansin ang di-makatwirang pagsabog.

Hindi binabalikan ng tanaw ang natipon
at tuluyang isinambulat na init sa loob
na siyang nagtindig sa ngayong pinupukol nila ng bato.

HAUNTED HOUSE

Nobyembre 1, 2012

Ipinagiba nila ang matandang bahay. May mga nagmumulto raw kasi. Ginagawang katatakutan ng mga kapitbahay. Lumang-luma na rin naman kasi. Bibihira pa silang umuwing mag-anak. Klaseng napabayaan. Sa muling pagpapatayo, pangarap nila ang isang magarang rest house na pampamilya.

Batid nila, ngayon, wala nang kuwentong multo-multo ukol sa matandang bahay. Lumipat na kasi sa kanilang pagkatao –ang masasaya at malulungkot na alaala ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

APOY AT ABO

Oktubre 21, 2012


Pinaglapit sila ng interes nila sa aktibismo. Estudyante pa sila noon. Umaapoy ang ideyalismo nila sa katawan. Militanteng militante. Ngayon, nagbago ang ihip ng hangin. Naabo ang ideyalismo. Tradisyunal na silang pulitiko.

[satirikong kisap]

dagli

API AMPONG ABU

Mikanlapit la pauli ning interes ra king aktibismu. Istudyanti la pa kanita. Mamapi ing ideyalismu ra keng katawan. Militanti lang milanti. Ngeni, mibayu ing tiyup ning angin. Meabu ne ing idiyalismu. Tradisyunal na lang pulitiku.

UNDAS MUNA BAGO PASKO

Oktubre 20, 2012

Nakaupo siya sa kanyang tumba-tumba. Pilit niyang hinuhuli ang mailap na kapanatagan ng isip. Pinatutugtog niya sa kanyang radyo ang iba’t ibang tugtuging pamasko. Masaya, naghahatid ng galak sa kalooban — at dapat lang na mahawa siya sa naririnig niyang tugtuging masaya. Ngunit hindi. Laman ng isip niya ang asawa niyang kalilibing pa lang kahapon.
[isang kisap]
dagli
DAUN PAMU BAYU PASKU
Makalukluk ya king kayang tumba-tumba. Pakirakpan ne ing malyap a kapasnawan katawan. Papatigtig ne king kayang radyu reng miaaliwang tigtigang pamasku. Masaya, makapaldan pilubluban — at dapat yang miawa karening daramdaman nang tigtigang masaya. Oneng ali. Laman ne ning isip na ing asawa nang kakukutkut pa napon.
[metung a kisap]

ISANG MUKHA NG KAPAYAPAAN

Oktubre 17, 2012

Image

Bitbit ang tapang, nakakuyom ang kamao, at handang makidigmang kakatukin ko sana ang geyt ng kapitbahay na nagbibidyuoke sa gitna ng gabi. Dangan lamang at nadaanan ko ang isang matandang pusa at dalawang malalaking daga na nagpapatintero sa kalye. Nabuhusan bigla ang ulo ko ng tubig na may yelo.

[isang kisap]

DANGAL

Oktubre 17, 2012

itinuwad ang pepsi

nagbasag ng sarili

[isang bugtong hininga]

IDLIP

Setyembre 30, 2012

Image

Narinig mo habang nakapikit ka at aantuk-antok sa loob ng dyip:

“Saan nga tayo nanggaling?”

“Saan pa, e di nagsanla ng pawis!”

Pagkatapos ay tawanan.

Nagmulat ka ng mata at tiningnan ang mga nag-uusap. Dalawang lalaki. Sa ayos, mukhang mga lasing. Usapang walang kaayusan. Mandin ay nagkakatuwaan lang.

Ngunit naaasar ka sa ingay na nililikha ng mga ito. Pagod ka mula sa pagtatrabaho. At gusto mo sanang makaidlip sa biyahe. Kaya wala sa loob mong isang malakas na “buwisit!” ang iyong napakawalan bago ka muling pumikit. Na pinagsisisihan mo namang nagawa mo pagkatapos.

Alam mong ikaw ang pinatutungkulan ng dalawang lalaking lasing nang muli mong narinig na nag-uusap.

“Nagkalat ang mga sira ulo sa mundo, P’re. Nagsasalita na wala namang kausap.”

“Ha-ha-ha! Sira ulo! Sira ulo!”

Ipinikit mo pang lalo ang iyong mga mata. Pakiramdam mo, gusto kang ipaghele ng kanilang usapan.

LARUAN

Setyembre 16, 2012

  • Image
    hindi ko ipagpapalit
    himukin man ng makulit
    laruan kong sakdal rikit
    kayamanan kong maliit

    kulay violet ito
    manika kong paborito
    regalo ng aking tito
    noong edad ko ay tatlo

    kaya ‘wag kang magdaramdam
    kung hindi man ipahiram
    bitbit kasi saan man
    mawaglit ay kalungkutan

    ako ay lumiligaya
    sa manika kong maganda
    kayakap na sa umaga
    pagkabangon ko sa kama.

     

    *tulang ginawa para sa bunso kong anak

AGAGANACA DA CA PA

Setyembre 8, 2012

Image

maralas da cang

agaganaca ngueni

mangaul ing rimla

ning anging setyembre

magpaganaca

queng isip

aldo ning camataian mu

aldong penganac me

ing bunsu mung i charrie

mangangalati que pa

at emu na icuang

meragul pa

lalu ing imai mu

a maupaiang

meg-imle

quing gamat ning Guinu.

maralas da ca mu namang

agaganaca canita

capitangan ning bengui

macapal ia ing ulas

macacaul ia pa i inda

mangaul mu rin ing rimla

e naman maangin

ica ita

balu cu

a lulugud.

a ua, agaganaca da ca

agaganaca da ca pa

ngueni at agaganaca

misan maralas

misan madalang

misan ali

uling tutuc

quing tulang susulat

muon a magpatune

quing pimulan mi

at pangatau.

a ua, agaganaca da ca pa

agaganaca da ca

agaganaca

MAMERA

Setyembre 8, 2012

Image

Mamera mu ing panaguimpan quing iatu

Micalat at micacalat;

Ninu mo ing malintuang a magsabi

Alang managuimpan a capara nang tau?

Managuimpan ia ing bulag

Mapaliaring bisa iang sumala mata

Ing maclac, managuimpan ia

Bisa iang macaramdam siuala

Macanian mu naman reng pipi

At male tamu, pati reng cocoronting, managuimpan la

Managuimpan la!

Caia e mu cu cucutnan

Baquit ating magwelgang ubreru?

Ba’t magrali la reng ortelanu?

O’t megpiket la ding maestru ampong istudyanti?

Mamera mu rin casi ing ulaga ring dalita

Mamera mu, mamera mu!

Micalat at micacalat — balintuna rang palad.

Maralas, e ra la pipansinpansin

Maralas da lang titisuran

Caia quelangan lang mamuersa

Quelangan lang lumual at cumalat quing dalan

Calupa ding sablang bage a e uukulang ulaga

Quelangan lang lumwal at kumalat quing dalan

Ba rang apaquit

Ba rang apaquilala

Ing mamaslag rang entidad.

Caia, e mu na cucutang pa

O’t ating magpiket at magwelga?

Metung mu ing paquibat cu queca:

“Managuimpan la ring dalita…”

At dapat tang igalang

Banal rang carapatan.

UKOL SA OBSESYON AT PANGARAP

Setyembre 8, 2012

Image

may isang panahong

aliw na aliw ka sa tanawin.

ito ang himpawid mo.

itinutulak ka ng hangin na tumingala,

kasama ng iyong lagalag na isip,

inaabot ang pag-ibig.

upang mabatid lamang

ibang himpapawid

ang pilit mo nang kinakatalik.

GABI

Setyembre 6, 2012

Image

Hindi magmimintis,
sa gabing umuuwi ka,
mula sa pag-oobertaym sa planta,
ilalatag mo ang chess board mo,
saka ang aklat ni Anand.
Pinabababa mo
ang kinain mo,
magpapaantok
sa lumalagutok na musika
ng piyesang hihila
pagkuwan
sa iyo
sa ibabaw ng kama
ng naghihintay mong asawa.

Kahit ngayon,
lumalatag ang gabi,
sa gitna ng chess board mo,
saka ng aklat ni Anand.
Pinabababa mo ang antok
at ang lungkot
sa ibabaw ng kama
ng lumisan mong asawa.

tula

BENGUI

E sasalang
neng benguing mumuli ca,
ibat meg-obertaim quing obra,
ilalantang me ing chess board mu,
ampong ing libru nang Anand,
pababan me
ing quecang pengan
umeng magpatundu
quing tigtig a lalagatuc
ning piesang manigut
pinandit
queca
quing babo cama
ning manenaia mung asaua.

Ngueni man,
milalantang ing bengui
libutad ning chess board mu
ampong libru nang Anand
pababan me ing tundu
ampong ing lungcut
quing babo cama
ning mibating mung asaua.

BIYAHE

Agosto 12, 2012

may pintang makukulay

ang may tapang maglakbay

mabingit man ang buhay

TIKET

Hunyo 29, 2012

Isa
itong
napilas
kapirasong
mundo.

Dito,
tambiyolo
ang
‘diyos.’

Nakabitin.
Umiikot.

Lalahad
mga
kamay
sa
pagsirko
ng
mga
numero.

Bigla,
kukulog
ng
himutok,
buntonghininga,
dismaya.

Ang
biyayang
ibubuhos
ng
langit:

Isang
kalderong
gawa
sa
papel.

tula

TIKET

metung
iang
mepilas
kap’rasung
iatu

queni
tambiyolu
ing
guinu

makabitin
dudurut

papalad
retang
gamat
pagsirku
rening
nomiru

bigla
manuldul
imutuk
malalam-pangisnawa
dismaya

ing
biyayang
bubulus
ning
banwa:

metung
iang
kalderung
megawa
quing
papil

(nalathala ang bersiyong kapampangan sa ek! may ginawa ng rebisyon)

KAMATAYAN

Hunyo 26, 2012

IBIG kong masuka. Sumasakit ang tiyan ko. Masama ang pakiramdam. Ang alaala ng kaibigan ko, palaging nasa isip ko. Madilim na sementeryo. Krus na bato. Nakalawit na dila. Matibay na lubid na nakapulupot sa kanyang leeg. Kapirasong papel–nagpapatibay at nagtuturong. . . nagbigti siya. Kurakot na lider-manggagawa. Inusig ng kanyang konsensiya. Sabi nila.

Ngunit dahil kaibigan ko siya, iba ang gusto kong ikuwento.

Sabi nila, inusig siya ng kanyang konsensiya. Kurakot daw siyang lider-manggagawa. Nagbigti siya. Kapirasong papel ang magpapatibay at magpapatotoo. Gumamit siya ng matibay na lubid na ipinulupot niya sa kanyang leeg. Lumawit nang husto ang kanyang dila sa kinabigtian niyang mababang krus na bato–doon sa sementeryo, isang gabing laganap ang dilim.

Kasinungalingan!

Ang alaala ng kaibigan ko, ayaw magpatahimik sa akin. Palaging masama ang pakiramdam ko. Sumasakit ang tiyan. Ibig kong magsuka. Ibig kong mapatae.

Sa tuwing nakikita ko ang mababang krus na bato. Habang walang imbistigasyon at hustisya.

**(nailathala sa magasing Liwayway)

dagli

CAMATAIAN

MAIBUG cung maniuca. Sasaquit cu atian. E cu mipasno pilubluban. Ing alaala ning cacung caluguran, pilmi lang atiu quing isip cu. Madulumdum a sementeriu. Crus a batu. Dilang macalauit. Lubid a matibeng macapuluput quing caiang batal. Capirasung papil— magpatibe at tuturung megbigti ia. Curacut a lider-obrero. Inusig ne ning caiang consensia. Nga ra.

Oneng uli’ng caluguran que, aliua ing buri cung icuentu.

Nga ra, inusig ne ning caiang consensia. Curacut ia canung lider-obrero. Megbigti ia— capirasung papil ing magpatibe at magpatutu. Guinamit iang matibeng lubid a peluput na quing caiang batal. Icua nang linolo dila quing quebigtian nang mababang crus a batu— carin quing sementeriu, misan a benguing asnang carulumdum.

Calaraman! Ing alala ning caluguran cu, e magpataimic cacu. Pilmi at pilmi cung e mipasno pilubluban. Sasaquit cu atian. Maibug cung maniuca. Bisa cung mipatacla.

Andat acaquit que ing mababang crus a batu. Cabang alang imbestigasiun at ustisia.

DILAW

Hunyo 25, 2012

matingkad ang kulay mong

nagliliyab, nagniningning na araw

akala mong namamanatang

malusog, mabulas na bukas

kulay ginto

kulay pera

kulay ng pag-asa

kabalintunaan lamang niyon

idinidikit, ikinukulapol kang pilit

isinisimbolo sa

lider na bentador

lider na anti-masa

lider na kapos sa kakayahan

lider na mahina

oh, tunay ngang wala sa bitbit na kulay

ang pagtudla sa isang panata

LIPAD

Hunyo 24, 2012

pakpak ng maya

sa langit panay kampay
sikap nang sikap
para lamang marating
ang minimithing pugad

*(salin sa kapampangan)

SULAPO

pacpac ning denas

babo banua papasag

paneng magsicap
ba’ng maupaiang miras
quing pamitan nang pugad

CULTURA CON LITERATURA

Hunyo 24, 2012

capampangan, miabeabe tamu
pisopansopan te, itas taia ing amanu
sumulat! ua, sumulat!
acu, ica, ia, icatamu –ing tune pag-asa
ban iang mipaldan, ing magingalung amanu
sumulat! ua, sumulat!
itas taia ing cultura
itas taia ing capampangan
uling nung abe-abeng susulat, alang amanung mate
iticdo ne ning literatura, baiu ia miangu bie
sulung, sumulat!
ua, sumulat!
uling cabang ating ababasa
itatais ne ning pluma
ing mapurul a amanu’t cultura
sulung! sumulat!

BAYAG-NIHAN

Hunyo 24, 2012

Image

(contributed as  Hondrade Catacutan, to K.m Poetry’s junk VFA)

BUTCHOY

Hunyo 18, 2012

MALAKAS pa rin ang ulan ngayong madaling araw na ito. Nakagayak na ako papasok sa trabaho. Ang problema lang, walang dyip na bumibiyahe. Marami kaming pasahero na hindi makasakay. Inip na inip kaming lahat. Ngunit inip man ako, nananaig pa rin ang ugali kong mapagmasid. Kangina ko pa pinagmamasdan ang dalawang lalaking kapwa pasahero. Malakas ang usapan nila. Panay ang sagot ng isa sa itinatanong ng isa. Sa takbo ng usapan nila, nahuhulaan kong kapwa rin sila empleyado na gaya ko.

“Malalim ba ang baha?”

“Lagpas tuhod daw sa Kahunari. Hanggang bewang naman daw sa munisipyo.”

“Pahirapan ito. Lakarin kaya natin? Makapasok lang.”

“Huwag na! Uuwi na lang ako. Itatawag ko na lang sa HRD ang tungkol sa absent ko.”

Bandang huli, kapwa sila nagkasundo na huwag nang pumasok. Saka pareho nang lumakad paalis sa hintayan. Nakaramdam ako ng inggit habang sinusundan sila ng tingin. Ako, di ko sila kayang gayahin. Kailangan kong pumasok sukdulang lumusong ako sa baha. Takot akong masisante. Kontraktuwal lang kasi ako sa pinapasukan ko. At ilang linggo na lang ang natitira sa kontrata. Kapag nagkataon, gaya ng paglusong sa baha — pahirapan na naman sa akin ang makapasok sa trabaho.

Ilang sandali pa, may isang truck na sugo ng munisipyo na dumating para maglibre sakay sa mga na-istranded na pasahero. Sumakay ako, umupo sa suwelo kasama ng iba pa. At sa kalagayang iyon, sinubukan kung bumigkas ng ilang berso na agad pumasok sa isip ko. Alay ko ito sa sarili ko — at sa dalawang kapwa pasahero na nainip sa paghihintay.

ulan, buhos pa 
kalsada, ilubog pa 
obrero, wag papasukin 
ha’mo nang kapusin sa kanin 
buhos pa 
ibuhos mo pa 
ipadama ang ngitngit 
ipakilala ang iyong lupit 

BUWAYA

Hunyo 15, 2012

Ubusin ang biyaya
Lamunin nang lamunin
Bukas na tumunganga
Bukas na lang luluha

LASON AT ANTIDOTE

Hunyo 15, 2012

Usap tayo
Tastasin natin
Tahiin natin
Iyang mga isyung
Sangkot ka
Sangkot ako
Saka natin ituloy
Muli
Ang nasimulan nang
Mutual understanding
Nating dalawa.

Dito tayo
Sa pook na ito
Kumikindat ang ilaw
Mapusyaw ang liwanag
May beer na
At may babae rin
Sakaling trip mo
Pupulutanin natin
At pagdedebatehan
Usapin sa tubo
Usapin sa benipisyo
At sana, maintindihan mo
Mahigpit
Ang kompetisyon sa merkado
Nalulugi ang negosyo
Kaya malabo talaga
Sa panahong ito
Ang dagdag na umento.

Beer pa
Pulutan pa
Babae
Kung type mo ba
At ngayong alam mo na
Uuwi kang naeengkanto
Daig mo pa
Ang sinalakay ng bampira
Nasaid ang dugo
Iyan, iyan ang mahika
Alak, babae, pulutan
Antidote
Sa bulaan at hangal.

Ngayong alam mo na
Naiintindihan mo na
Sana.

BIYAYA AT DELUBYO

Hunyo 12, 2012

ulan nang ulan
paulit-ulit
ulan nang ulan
makulit
malupit
bumubuhos
sa binahang
lupalop.
wala namang dilig
ni sampatak
sa dakong iyon
ng disyerto
kabilang panig
ng mundo.

larawan
na hindi pantay
ang biyaya at delubyo
sa sangkalupaan.

ILUSYON

Hunyo 12, 2012

sa biglang tingin
tatayo ako
nang buong tatag at tibay
aaminin ko
inaantok na rin ako
sa huling tagay bumigay
ang lahat — blangko

A LOVE STORY

Hunyo 12, 2012

Kung may magtatanong ng love story namin ni Misis, ganito ko ito ikukuwento:

OJT sa banko si Mare, kliyente naman si Pare. Sabihin nating budul-budol din si Pare. Sulyap kasi nang sulyap si Mare sa kanya, pa-charming, parang nahipnotismo. Dedma lang naman si Pare. Ngunit nang matapos ang transaksiyon niya at makalabas na sa bankong iyon, saka niya naisipang bumalik at gawin ang isang mapangahas na bagay. Kinilala niya si Mare at inalam kung saan nakatira– na siyempre pang pinaunlakan ni Mare. Kaya nang muling lumabas sa bankong iyon si Pare, batid niyang naibulsa na niya ang puso ni Mare.

PAGSAGASA SA BAHA

Hunyo 10, 2012

Kilos na at tumindig
Pilitin mong sumisid
Tiisin mo ang lamig
Magugutom ang bibig

ANG DAIGDIG AY TAKSIL

Hunyo 10, 2012

Huwag magtitiwala
Hudas din ang anino
May umang na pakana
Lason ng kaluluwa

CLABING

Hunyo 3, 2012

Damulag ia. Babai. Maragul iang bulas. Asali neng Bapang Sisu, Disiembre at panaung bibiling pale, damulaga ia pa. Ume ne sa’ng gauang panguliut taliadora quing panaun ning papalut caia sinane neng isingco. E ne man mesaiang tula ing bapa cu. Adua pa mung bulan ing milalabas, apapaquinabangan na ne ing damulaga oneng mabulas a Clabing. Caia taganang mipaliari ing pamamalac nang gamitan ne iting panguliut taliadora. (A, ua pin pala, iacu ing memie laguiu. Acu casi ing papamastulan nang bapa cu. Idad disisiete cu canita, pecaianac caring obrero quing caiang taliadora. At para cacu, ‘calabing-labing’ ia casing damulag i Clabing).

Masican iang manguliut i Clabing. Malangui o magburac man ing libluban, e man mamagcasaquit manguliut! Balamo e papagal. Miraras queng dadara Lauta, Matuang Ipe, Tabuc, Caniupan. Nung macananu ia casariwa ing guliut na ning abac a padulung que pa careng malalaut a marangleng a reta, macanita ia pa naman casariua ing guliut na ning bengui a pauli na cami quing bariu. Acu ing pastul pin. Ania tataba cu pusu caring papuri da ring tau ucul cang Clabing.

“Aru! Casalese na ning damulag a ian…”

“Caianacan na pa, oneng matinu iang magobra.”

“Daig ne pa ing calaquian cu!!”

“0, ing calaquian mu bandal ne, e. E me man casi apapainum pulut!”

“Ha-ha-ha!”

Oneng aminan cu, sinaguli ia mung mebandal i Clabing. Maranun iang melaus, nga ra pin. Sisingco me pa, mag-arumbang ne. At nung makasingco ne, cailangan pang pamitikan meng lubid alang patna catawan ba meng apaguliut. Canita ia pa tumacbang, oneng malumane at alang sigla. At sibucnan mung paitugut quing pamamarusa caya, paitugut ia mu naman quing pamanacbang na.

Megsimula ing pamanugali nang ining Clabing (casalanan cu rin), iniang binulus que quing Moti. Metamad cu casing mamastul. Quetamaran que mu namang isoga. Ing gueua cu, ipinugal que ing tali na quing buntuc na, saca que tepican. Ume cu ne mung cunan at iuli bale baiu bumengui. Quing Moti, sagiua ing dicut, maracal ia apangan. Quing Moti, atacman neng Clabing ing Calaiaan, e macagapus, caiabe reng aliua pang macabulus a damulag. Maragul ia agaua ing caranasang ita cang Clabing ba iang magbaiu pamanugali. At menibat canita, mesias ia buntuc. Aliua na ia ing dating Clabing a asnang casalese magobra.

Miliari na quing quesiasan nang buntuc Clabing, meacsidenti ia. Macasingco ne sabla canita e pa abitasang guliut. Mapali ne buntuc i Bapang Sisu. Miquit ing pitic nang lubid quing catauan ning damulag, e man bisang tacbang. Tacla ampong ii mu ing papaquibat na quing caiang amu. E ne man pipildis ing caiang catauan. Caia quing mua nang bapa cu, pemarug na neng pemarug ing damulag. Sabul, barug, palmura. Paulit-ulit. Sabul, barug, palmura. Quinimut neman ing damulag oneng pabarubal at paarumbang. Mitaquid ia at bitbit ing baiat ning macasingco caiang taliadora, quinasat ia quing mismung tacla na. A quepile na ning uanan nang panarap a bitis. Abalu mi uli’ng e ne miticdo. Caia tinggal neng Bapang Sisu quing pangasingco, mendam iang damulag ca’ng pare nang Condring, at iang guinamit mi ba caming macadulung at macadara. At i Clabing, uling malala ia pangapile at simarun, pemisali na nemung Bapang Siso cang Boi Porquero iniang tinuquing dumingu.

Cabang guguliutan neng Boi Porquero ing tali ning papilepile at macalale tatacbang a Clabing, panalben cu la cabang macalucluc cu quing macaragsang pun ning mula. Manguinaiang cu. Oneng dininan na cung lisiun nining miliari:

Misan, quing pamangimut para quing calaiaan, natural mung misaquitan ing catauan mu — at masaclap — atabmuan me ing quecang camataian…

YAKAP

Hunyo 3, 2012

Yakap
Ibulong mo
Wika ng pag-ibig
Itatanim ko sa isip
Titik

REUNION NING KLASE

Hunyo 3, 2012

Metung
Iatung laso
Balamo paninap
Migising cang ita pa rin
Peke

Isang
Mundong gunaw
Parang panaginip
Gigising kang iyon pa rin
Peke

PRINSIPYO NG ASO

Mayo 28, 2012

hambog ang tindig
ng buntot
na playground ng garapata
nagmamaskara ng tapang at
nangangalisag ang balahibo
sa pag-uumang ng pangil
at pagtotono ng banta
sa kapwa aso na kaagaw
sa pinaglalawayang buto
sa bakuran

(natitiyak kasi niya
na ang bantay na amo sa bakuran
sasaway at aawat
kapag nadehado sa away)

gaya rin ng kilala mo
at kilala ko
tao
totoo
hindi aso
ngunit kopyado
sa diwa at asal
ang prinsipyong aso

hinuhukay ang pagkatao
inililibing ang prinsipyo
dahil sa kapirasong buto!

SA NAGMUMUKMOK

Mayo 28, 2012

Patuloy kang lumaot
Huwag kang mamaluktot
Naaakyat ang bundok
Hindi sa mga himutok

TUG OF WAR

Mayo 28, 2012

Queni
Macyabe ca
Siknan mu ing igut
Gulisac tamung masican:
“Labannn!”

GANID

Mayo 28, 2012

bunduk
kalbu’t lubas
pun a mengakutud:
suli’t sampaga ning kekang
tako

bundok
kalbo’t hubad
punong nangabuwal:
bunga’t bulaklak ng iyong
takaw


BANTAY

Mayo 27, 2012

dedbol

na, bro

ang aso ko

ina pa naman ito

ng walong tutang malilisto

nakuryente ito, bro

sa patibong kong ginawa

para sa mga

perwisyong daga

sa bukid

itinatap ko ang linya

sa poste ng PELCO

aktibong bantay

sa mga naglipanang

salot sa magdamag

aamin ako, bro

wala rin talaga akong kadala-dala

ang patibong ding iyon

ang muntik nang kumalawit sa akin

nang minsan isang gabing

lumusong akong lasing

suwerte na nag-brown out

sa gitna ng aking pangingisay

naudlot

ang tipanan

namin ni kamatayan

kaya nga, bro

kinausap ako

kangina ni kapitan

pinatatanggal niya

ang patibong sa palayan

tagay, bro, kampay pa

damayan mo ang lungkot

mawawalan ako

ng mapagkakatiwalaang

bantay

BIYAYA

Mayo 27, 2012

sa zoo, riot

ang mga ulupong, hayop

ibon at kulisap

sa dinudungkal na hatag

ng robot na ekskursiyonista

habang inuumog naman

sa mataong abenida

ng mag-anak na anino

ang biyayang binusbos

sa tiyan ng basura.